E i g h t e e n

3.6K 84 5
                                    








Feena's POV



Nakatayo kami sa harapan ng isang eskwelahan. At ito ang Unibersidad ng Pilipinas. Naalala ko na dito nagkakilala sina Mama at Papa. Kaya't dito ako dinala ni Sandro. Matapos niyang iparada ang sasakyan ay sandali niya akong iniwan para mag-iwan ng ID sa entrance gate.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Unang beses ko na makatapak dito. Napakadaming estudyante hindi tulad sa UST.

"Let's go!" yaya sa akin ni Sandro. Nawala ako sa pagkatuliro at sinundan siya sa paglalakad. Mainit ang panahon ng araw na iyon. Hindi ako nakapagdala ng payong kaya't nagtatakbo kami ni Sandro sa pinakamalapit na gusali.

Huminto kaming dalawa hanggang sa makaakyat kami sa hagdan patungo sa gusali ng College of Business Administration.

"Saan ba tayo magsisimulang maghanap?" tanong ko habang naghahabol ng hininga.

"You told me, your father was a professor here before. Kaya mabuti ng doon tayo magsimulang magtanong tanong." wika niya. Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Pinagmamasdan ko ang paligid ng gusali habang naglalakad kami para hanapin kung saan makakakita ng traces ng past ni Papa.

Nakasunod lang ako kay Sandro. Mainit at halos pawisan kaming dalawa sa pagtakbo sa initan kanina. Hinawi ko ang ilan hibla na sumasabit sa mukha ko.

"Alicia?" nagulat ako sa bumanggit sa pangalan ni Mama. Bigla tuloy akong kinabahan, at nanginig sa kinatatayuan ko. Walang alam si Mama na nandito ako and for sure magagalit si Papa. Hindi ako makalingon sa tumatawag sa pangalan ni Mama. Natatakot ako na baka ikasabit din ni Sandro ang pagtulong sa akin.

"Oh? Kamukha mo lang pala." nagulat ako at lumingon sa babaeng umeedad na sa 50's. Suot niya ang isang uniporme na may nakalagay na faculty at mukhang isa siyang guro. Hinila ko kaagad si Sandro na palayo na sa paglalakad at hinarap namin dalawa ang babaeng nag akala na ako si Mama.

"You know Mrs. Alicia Gonzales?" magalang na tanong ni Sandro sa babae. Nag isip pa ito bago sumang-ayon. At natawa habang inaalala ang ilan bagay na mukhang matagal na nangyari.

"Yes. She was my friend's love interest." nakatawa niyang wika at parang kinikilig pa siya habang ngumingisi. Hindi ko mapigilan matawa sa reaksyon niya."I thought It was you, kamukha mo kasi si Alicia yun estudyante ko dati. Akala ko tuloy bumalik ako sa dati." at tumawa siya. Nagkatinginan kami ni Sandro.

"Pupwede po ba kayo magkwento pa ng tungkol sa kanila?" I asked eagerly. Nagbago ang wangis ng mukha niya and now she looks us suspiciously.

"At bakit?" mataray na niyang tanong. Kinabahan ako at hindi ko na alam ang isasagot.

"Were having a project for lovers. Naghahanap kami ng mga real life love stories na isusulat sa school newspaper." agad na alibay ni Sandro. Ang bilis niya talaga mag-isip. Nawala ang pagsususpetsa niya sa amin at nangiti na muli.

"Sige. Pero kaunti lang ha. Mahaba kasi kwento ng dalawang yon. By the way, I'm Catherine Bautista.  Matagal na ako dito sa UP as a teacher of Accounting 14. Kayo ba? Anong year na kayong dalawa?" tanong niya at unang nagsalita si Sandro.

"I'm at my senior year taking up Law Major." sabi ni Sandro.

"Business Ad po ako Major in Accounting." tinanguan kami ni Mam Catherine. Saka niya kami inaya patungo sa ikalawang palapag ng gusali.

Madaming estudyante ang sumasalubong sa amin at binabati siya . Sa itsura ni Mam Catherine matagal na siyang nagtuturo dito, at base sa narinig namin naabutan pa niyang estudyante si Mama dito.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon