S p e c i a l C h a p t e r

3.9K 87 2
                                    



PART 2

Hawak ni Summer ang mga notebooks na inutos sa kaniya ng adviser nila na dalhin sa faculty. Ayaw niya sanang sumunod pero siya ang nakita ng guro. Napilitan siyang sumunod.

"Blake!" Nagulat siya sa sigaw ng isang estudyante. Nataranta siya at agad nagtago dala ang mga notebooks sa bisig niya. Nakita niya ang binata na naglalakad sa corridor habang hawak ang bola ng basketball. Hinabol siya ng isang kagrupo. Umakbay ito sa kanya saka binati.

Crush na ni Summer si Blake simula ng lumipat sila ng kakambal sa nasabing eskwelahan nang ikalawa taon nila sa highschool. Palagi niyang sinusubaybayan ang binata sa lahat ng laro nito at sa kahit saan practice game.

Wala siyang pinapalampas.

"Hoy! Bakit ka nagtatago dyan!" sigaw ni Kathleen na isa sa mga kaklase niya at kaibigan. Nabitawan nya ang mga notebooks na hawak niya.

"Nako. Nagpapanic kana nanaman!" nakatawang wika ng kaibigan at tinulungan itong pulutin ang nagkalat na notebooks.

"Shh! Wag ka maingay! Mamaya marinig ka!" inis na sinabi ni Summer habang minamadali ang pagsinop ng mga nagkalat na gamit. Pagtapos non nagtatakbo na siya patungo sa faculty pero ang mga mata nya nakatuon kay Blake.

Sinusubukan niyang kaibiganin si Blake pero sa dami ng taong nakapaligid dito. Kahit isang beses hindi siya nabigyan ng pagkakataon makalapit dito o makausap ito. Napakalayo ng distansya naghihiwalay sa kanilang dalawa. At natatakot siyang hindi masabi dito ang nararamdaman bago man sila matapos ng highschool.

--

"Blake! Bakit hindi ka pa mag girlfriend? Madami naman nanliligaw sayo dyan?" Biro ng kasamahan niya sa basketball. Katatapos lang ng practice game nila kaya't namamahinga na sila bago magpalit.
Ligong ligo sa sarili niyang pawis ang binata pero hindi pa siya nakakaramdam ng pagod sa paglalaro.

"Ayoko sa mga yon! May gusto na akong iba!" wika niya at pinagtinginan siya ng mga kasama. Nagsilapitan sila sa kaibigan at nagka interes sa sagot niya.

"Sino naman yon! Share mo naman!" pangungulit ni Jimmy na isa sa mga player.

"Basta! Wag na kayo mangulit dahil wala kayong malalaman!" inis niyang sagot at kinuha ang bag. Nilisan niya ang upuan at iniwan ang mga kasama. Nagtungo na siya sa shower room para magbanlaw.

Simple lang ang babaeng gusto ni Blake. Sya man sa sarili niya ay gumagawa ng paraan para mapalapit dito pero para silang pinaglalayo. Gumagawa siya ng paraan mapalapit sa dalaga pero ito naman ang umiiwas sa kaniya. Madami ngang babae ang gusto siya pero alin man sa isa don ay wala siyang gusto.

Isa lang ang pumupukaw sa kaniyang atensyon.

"Wow! Look how Divine Heart grows!" mangha na sinabi ng Tita niya habang nasa sala sila at nanonood ng balita. Kauuwi lang niya at saktong naabutan niya ang tiyahin nanonood ng tv.

Malapit ang loob ng Tita niya sa Divine Heart dahil doon nagpagamot ang Tito Ralph niya at kahit man hindi ito nabigyan ng pagkakataon mabuhay. Hindi ito pinabayaan ng ospital .

"Iba talaga ang mga Alejo." wika niya. Iniinterview si Dr. Alejo tungkol sa ilan achievements natanggap ng foundation sa ilalim ng kalakaran niya.

"Its true. Ang swerte nila. Their whole family." nalungkot si Blake sa narinig. Mataas ang standard ng pamilyang Alejo. Masyadong mataas ang gusto niyang abutin. Hindi niya alam kung paano magsisimula at kung paano patutunayan ang sarili sa pamilyang ito.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon