T w e n t y E i g h t

4.2K 97 4
                                    





Huminto si Zach nang makita ang anak na nakahiga sa isa sa mga kama sa patient's ward. Wala pa itong malay pero maayos na ang kalagayan. May balot na gasa ang ulo nito at may saksak na karayom ng dextrose sa kanan kamay nito. Naluha siya nang masilayan ang anak na humihinga pa. Pero nakaramdam siya ng awa dahil ito ang nagbabayad ng nga kasalanan ginawa niya. Dahan dahan siyang lumapit dito.

Hinawakan niya ang braso nito na may mga gasgas dulot ng pagkakabangga dito ganun din ang pagkabundol sa binata. Naupo siya sa tabi ng anak.

"I'm sorry kung kailangan mo itong pagdaanan. This will be the last time na madadamay ka." wika niya habang nanlulumo sa nakikita. Yumuko siya sa malambot na kama ng anak..

"Pa." nagulat siya nang marinig ang tinig nito.
Inangat niya ang mukha niya."Hindi bagay sayo Pa, ang magsalita ng ganyan." biro pa nito at natawa si Zach. May kakayahan pa talagang magbiro ang anak kahit na kritikal ang kalagayan nito.

"Wala ka talagang kadala dala." Anito at dahan dahan tinapik ang pisngi ng binata.

"How's Feena?" tanong agad nito.

"She's fine now. Wag kana masyado mag alala, Anak. Ang isipin mo yan sarili mo. Balak mo talagang magpakamatay para sa kaniya." natawa si Zion.

"Like father like son." sunod pa nito. Zach chuckled. Hindi niya napansin na tama ang sinabi ng anak niya. Kung magmahal sila ay sobra, dumadating sa puntong ginagawa ang lahat para sa mga babaeng mahal nila. Even they'll end up miserable.

"Hindi tayo magkatulad anak. Mabuti kang tao."

"Salamat Pa." sagot lang ni Zion.


--

Isang araw pang nanatili sa ospital si Feena bago siya pinayagan lumabas. At dahil kailangan munang maghilom ang sugat niya sa noo ay hindi muna siya pinapasok ng mga magulang niya.

Nagulat ang mag asawa nang marinig nila ang nagdoorbell. Agad iyon pinagbuksan ni Alicia at nagulat siya nang makita ang binatang si Sandro. May dala itong mga bulaklak at isang paperbag.

"Is it okay to visit po ba?" tanong nito. Ngumiti si Alicia.

"Oo naman. Halika." sabay silang nagtungo sa sala at doon nakita si Feena. Nakaupo lang ito sa sofa habang nakatuon sa panonood ng tv. Natanggal na ang white gauze sa ulo niya at natitira nalang ay ang nakatakip dito na bandage.

Nagulat ang dalaga nang makita ang kaibigan. Nabigla siyang tumayo at nilapitan ito bago pa man makapasok ng sala si Sandro.

"Hey. Don't force yourself." Pag alalay sa kaniya ni Sandro. Hinawakan nito ang braso niya at sabay silang naupo. Nilapag sandali ni Sandro ang mga bulaklak at paperbag na dala. Iniwan na sila ni Alicia para makapag usap ang dalawa.

"Bakit hindi mo kasama sina Sam at Blake?" tanong agad ng dalaga.

"Summer is at school, remember? Ganundin si Blake." sagot ni Sandro. Natawa si Feena. Nakalimutan kasi niyang pumapasok nga pala si Sam kaya hindi kasama. Namiss na kasi niya ang mga kaibigan.

"Hindi mo ba tatanungin si Zion?" lumingon sa kaniya ang dalaga.

"Why would I? Diba nga iniwan niya tayo doon sa elevator? Tapos hahanapin ko pa siya?" inis nitong sinabi. Nalungkot si Sandro, hindi alam ni Feena ang tunay na kalagayan nito. Ang tunay na nangyari. Nalilito din naman siya kung magsasabi siya, because when Feena knew about what truly happened that night, makakaapekto ito sa relasyon gusto niyang buuin kasama ang dalaga.

Pero like his father told him.
Letting go doesn't mean he never loved Feena. He love her even more than anyone knows. At tulad ng ginawa ni Zion, mas pipiliin din niya isakripsiyo ang buhay para dito. Nagkataon lang, na Zion was the one who saved them.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon