S i x t e e n

3.8K 78 2
                                    




Huminto ako sa paglalakad nang marating namin ang info desk sa ground floor. Abala ang mga taong nasasalubong namin, may mga empleyado at ilan taong nakikiusap makita si Tito. Ganito talaga siya kaimpluwensiya sa industriya. Nakatingin sa amin ang babaeng nakauniporme. Bahagyang nanliit ang mga mata niya habang sinusuri kaming tatlo.

"Students?" she asked na para bang she's interrogating us.

Napansin ko ang suot namin ID. Hindi ko pala naalala na hubarin. Nanatili ang mga mata niya sa amin. Naghihintay ng isasagot ko.

"Were here to see Mr. Agoncillo." nagulat ako sa sagot ni Sandro. Nagkatinginan kami ni Zion. Nanatili ang seryoso niyang mukha na para bang tinatakot niya ang babae. He talks formal na parang sanay siya sa mga pakikipag usap sa mga taong may katungkulan.

"ID's please." utos niya sa amin. Agad kong hinubad sa blouse ko ang ID at inabot sa babae. Habang si Sandro nagbukas ng bulsa at kinuha ang isang wallet at doon kinuha ang isang ID . Bahagya akong sumilip para makita iyon .

Inabot niya sa babae ang isang driver's licence.

Matapos nitong makuha ang ID namin. Bumalik siya sa kaharap niyang computer at ina-identify ang mga bigay namin ID kung ito ay valid.

"You are an Alejo?" nagtatakang tanong ng babae kay Sandro. He just nod. Then after, binigyan  kami ng pass na makaakyat sa opisina ni Tito.

Hinabol pa namin ang isang elevator na walang laman bago sumara ang pinto.

"Ang higpit pala dito." wika ni Zion at binaba ang bagpack na dala sa sahig. Si Sandro na ang pumindot paakyat ng 5th floor.

"Businessman pala ang Tito mo." Sandro said habang nakasandal sa isang sulok.

"Half brother siya ni Papa." kwento ko habang pinagmamasdan ang ID na hawak ko.

Lumapit sa akin si Zion.

"So, magkaiba sila ng ama or ina?" he sounded curious. Tumango ako.

"Yes. Magkaiba sila ng ina. Si Tito ang anak sa unang asawa."

Nagkatinginan sina Sandro at Zion. Parehong nagpapakita ng katanungan. Kahit ako ay madaming katanungan sa nakaraan ni Papa. Bakit wala ba akong karapatan malaman iyon? Kung anong meron sa nakaraan ni Papa ayon ang nagdulot sa kaniya ng ganoon pag uugali niya. Naniniwala pa din ako na kapag nalaman ko iyon, mas maiintindihan ko siya.

Bumukas ang pinto ng elevator. At sabay sabay kaming lumabas bago mag sakayan ang mga empleyadong nakaabang sa pagbubukas ng pinto. Huminto ako ng saglit para alalahanin ang sinabi sa amin ng babae sa info desk kanina.

Napakamot ako sa batok ko.

"Nakalimutan ko ata kung saan.?" wika ko habang palingon lingon ako sa bawat corridor. May mga pinto at kwarto pero hindi ko matandaan kung dapat ba kaming kumaliwa o kumanan.

"Baka dito sa kanan.?" turo ni Zion.

"I think sa right corridor." suggest naman ni Sandro. Umiling iling ako. Nalilito na din ako sa kanilang dalawa.

"Are you lost?" nagulat kaming tatlo sa bumati sa amin. Bigla akong kinabahan sa nagsalita. Nakita ko ang isang babae, tingin ko hindi siya empleyado dahil wala siyang suot na ID. At sa itsura niya pakiramdam ko may mataas siyang katungkulan sa opisina. Casual lang ang pananamit niya at hindi siya nakadress na napaka expensive na tulad sa naiimagine ko sa mga may mataas na posisyon sa kumpaniya. Ngumiti siya sa amin.

"I guess I can help you kids." nakatawa niyang wika at inaya kaming sumunod sa kaniya. Natatakot ako na baka dalhin niya kami sa guards office dahil mga estudyante lang kami at wala kaming karapatan mag ikot ikot sa opisina ni Tito.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon