N i n e

4.5K 106 6
                                    




Maaga ako pumasok kinabukasan. Dala ko ang research papers na pinagawa sa amin ni Sir Jared sa Law 3. Tumatakbo na ako papunta ng gate. Pero agad din akong pumreno ng makita ko ang kambal na magkasama. Sabay silang pumasok ngayon?

"Feena!" tawag sa akin ni Sam. Hindi na ako nakaiwas at nilapitan siya. Nasa tabi lang niya si Sandro.

"If someone asked you about me. Tell me na absent ako or took a vacation." bulong niya sa kakambal na halos narinig ko naman. Pagtapos non, umalis na siya.

"Anong meron?" asked ko kay Sam.

"Kuya had some blind date kagabi. Pero hindi naman totally blind date, pinakilala kasi siya ni Papa don sa anak ng isang kasamahan niyang Doctor. Ayon, parang gusto siya non girl pero ayaw naman niya." kwento ni Sam. Natawa ako.

"At talaga inihahanap na siya ni Dr. Alejo?" nakatawa kong sinabi.

"Kuya needs company. He needs friends. Alam mo, naaawa din ako sa kaniya. He never had friends to trust with. Kaya nga non bata kami madalas kami palipat lipat ng school. Because he always get bullied." nagulat ako sa narinig.

"Hindi na din ako nagtataka, why he turned out like that. Coldhearted. Masungit, suplado.. antipatiko.." Patuloy pa ni Sam. I remembered what Mama told me. Its about something inside cannot be shown unless I decided to know more about it. At ngayon nalalaman ko na ang kahalagahan non sa pagkatao ni Sandro.

"Lets go. Malelate tayo kay Sir Jared." wika ni Sam at hinatak ako.

Alas-otso ang klase kay Sir Jared, sabi niya sa unang klase namin sa kaniya na isa din siyang abogado pero he resigned and focused on what he really wants. Nakatrabaho niya sa Papa noon. At madami silang kaso na pinagsamahan.

Mabait siya at hindi gaanong ka-istrikto unlike Papa. Pero magaling din siyang magturo. Plus, gwapo pa.

"Feena!" nagulat ako ng makalabas kami ng room. Sinalubong kami agad ni Zion na naghihintay sa hallway. Panay siko ni Sam sa akin.

"Tapos na ako!" nakatawa niyang wika.

Nagkayayaan kaming sumunod sa kaniya sa practice nila. May gig sila sa darating na weekend kaya invited kami manood.

"Isasama ko si Kuya." wika ni Sam. Nagkatinginan kami ni Zion.

"Sure ka? Hindi ba siya busy?" umiling ito.

"Please. Isama natin si Kuya. Para naman mabawasan stress niya." pumayag na kami sa gusto ni Sam. Kaya lang ang awkward dahil kasama namin siya. At hindi ko alam paano siya mag eenjoy sa amin.

Nagtungo kaming tatlo sa College of Arts. May dala din kaming pagkain na kakainin naman ng lunch. May klase pa kami ni Sam pero dahil walang professor sa pang alas-dos. Maghihintay pa kami hanggang four ng hapon para magklase.

"Hi!" masayang bati sa amin ng isang lalake na may hawak na bass guitar.

"This is Harold.." wika ni Zion. Wala pa ang ilan kabanda nila. Kaya malaya kaming makakapagkalat ni Sam.

"Kaen." yaya ni Sam kay Harold na nag eensayo.

"Sige lang." at ngumiti ito. Naupo sa tabi ko si Zion. Bigla akong napaiwas ng kaunti dahil halos magdikitan ang mga balikat namin.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon