T w e l v e

4K 106 4
                                    

Pumasok ang isang katulong sa kwarto ni Sam dala ang isang tray na may laman mga pagkain. Nasa kama ako at nakaupo habang kausap niya ang katulong.

Hindi pa din ako makapaniwala sa naikwento ni Sam. Parang napakalayo sa pagkakakilala ko kay Sandro.
Isa siyang bata na nagmula sa pang-aapi at pang-aabuso ng iba. At dahil sa pangyayari na yon, dumating siya sa punto na tapusin ang buhay niya sa pag-aakalang pabigat siya sa lahat ng tao kasama ang pamilya niya. Nakakalungkot.

"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Sam sa akin. Hawak niya ang isang baso ng juice. At inabot sa akin.

"Salamat." ngiti kong sagot.

"Are you still worried about Kuya?" tanong niya at sumang ayon ako.

"I'm sorry. Sa totoo lang wala talagang nakakaalam ng mga nangyari na yon. Kaya sana huwag mo nalang banggitin kay Kuya." Paliwanag niya.

"Wala na bang pag-asa na magbago si Sandro? What I mean is maging friendly." umiling si Sam.

"Hindi ko alam. Pero sana magbago pa siya." humigop ako sa baso na hawak ko. Malamig na malamig ang juice.

"Si Zion pala? Hindi kayo magkasama.?" naisipan tanong ni Sam. Normally kasi kasama ko si Zion pag wala pa si Sam. Hindi ko din alam kung nasaan siya. Wala siyang text sa akin.

"Baka may klase. Buong araw ko siyang hindi nakita." sagot ko.

"I guess so. Isa din matalino pero badboy yun si Zion." biro niya. Natawa ako.

Tumagal ang kwentuhan namin ni Sam. Nagkulong lang kami sa kwarto niya at nanood ng tv. Pinahiram ako ni Sam ng isang tshirt pamalit sa suot ko na naalikabukan kanina.  Nakarinig ako ng katok sa pinto. Sinilip ko iyon at nakita ko si Sandro. Binuksan ko ang pinto.

"S-Sandro?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Nakabihis na siya.

"Aalis na tayo after an hour. Ihahatid kita sa inyo." nagulat ako.

"Hindi na kailangan. Kaya ko naman umuwi mag isa." pagpigil ko sa kaniya.

"Its fine." napansin ko ang suot niyang wrist watch. Natatakpan nito ang marka sa pulso niya. Kapag nakikita ko iyon, naalala ko ang mga naikuwento ni  Sam.

"Are you okay?" nagulat ako sa tanong niya. He's asking me if I'm okay? Totoo ba ito?

"I'm fine. Um–

"Mom asked me to take you home. Kaya huwag ka ng tumanggi." tumango ako. Matapos niyang sabihin yon umalis na siya. Hindi na ako nakapagsalita.

"Si Kuya ba yon?" narinig kong sinabi ni Sam. Kalalabas lang niya mula sa cr . Nakapagpalit na siya ng damit.

"Oo. Ihahatid daw niya ako sa bahay." nagulat si Sam sa narinig.

"Edi maganda." wika niya. Nagtataka ako sa reaksyon niya.

"Bakit naman?" umiling iling siya at sumampa sa kama niya.

--

Alas-otso na ako pinauwi ni Sam. Pinilit pa ako ni Mrs. Alejo na magdala ng niluto niyang carbonara para ibigay kina Mama at Papa. Dala ko tuloy ang isang paper bag na may laman tupperware.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon