T w e n t y T w o

3.5K 79 6
                                    









"I'm sorry Feena." wika ni Zion at nilapitan ang ama. Isa naman tauhan mula sa restaurant ang umawat na kay Vladimir. Hindi na siya nakapagsalita nang malaman niyang ama ni Zion ang lalakeng kinamumuhian niya.

Inalalayan ni Zion ang ama.

"Pasensiya na po sa gulo Sir Vlad at Mrs. Gonzales. My father wants to settle everything. Even he dont deserve to be forgiven. Wala po kayong karapatan saktan siya." paliwanag ni Zion bago lumisan kasama ang ama. Sinundan sila ng tingin ni Feena. Hanggang sa makalabas sila ng restaurant.

"Dont touch me!" galit na singhal ni Vladimir sa tauhan na umawat sa kaniya. Tumingin siya sa mag-ina niya.

"Lets go home!" utos niya sa dalawa at agad sumunod si Alicia. Alam niyang mag aaway silang mag asawa pag-uwi. Pero gusto niya ipaliwanag sa anak ang lahat ng nalaman nito.

Sabay sabay silang umuwi. At hanggang sa byahe ay walang nagsasalita sa kanilang tatlo. Kitang kita ni Feena ang namumulang kamao ng ama habang nakahawak ito sa manebela. She just witness how her father bursts. Hindi pa niya nakikitang magalit ang ama. Kaya pala nitong manakit. Hindi na siya nagtataka, nagawa na din ito sa kaniya. Pero ang nagpapagulo ng mga iniisip niya ay ang inamin ni Zion.

Does Zion know everything in the first place?
Sinadya ba nitong hindi magsabi sa kaniya?

Pagkaparada ng sasakyan nila sa garahe ay una na siyang pinalabas ng ina. Ayaw niyang marinig mag away ang mga magulang niya kaya pumanik siya sa kwarto. Habang sina Alicia naiwan sa sala.

"Paano mo nagawang ilihim sa akin to?" panimula ni Vladimir nang maramdaman niyang wala na si Feena.

"Love, Zach is forgivable." dahilan ng asawa. Biglang binagsak ni Vladimir ang mga dalang gamit at tumingin sa asawa.

"Remember what he did to us. He almost kill you! He almost ruin our family! Tapos patatawarin mo siya!" galit na wika ni Vladimir. "Hindi pa siya nagbabayad sa ginawa niya sa kaibigan mo at ngayon patatawarin mo!" sunod pa nito. Naluluha na si Alicia. Alam niya ang mga nangyari. Alam niyang nawalan siya ng kaibigan. At hindi iyon madali para sa kaniya. Sino bang tao ang gusto mawalan ng isang pinakamalapit na kaibigan sa iyo? Wala.

"Love, we can't let go of the past if we don't forgive him. May anak na siya. May pamilya na siya. And like you gusto niyang maging karapat dapat na ama sa anak niya so he wants to fix everything." kalmadong pagsasalita ni Alicia.

Lumingon sa kaniya ang asawa. Kitang kita nito ang mga matang nagpapahiwatig ng poot. Hindi pa din pala nagbabago ang asawa. Vladimir was the coldest person she once knew back in college at ito pa din pala ang kaharap niya ngayon. Akala niya ay nagbago na ito dahil nagkapamilya na. Pero unti unti nanaman nilalamon si Vladimir ng kaniyang galit.

Pilit siyang kumalma para sa asawa. Lumapit siya dito at hinawakan ang mga braso.

"Makinig kana man sa akin. Don't let you anger change you again." umiwas ng tingin sa kaniya si Vladimir. At tinanggal ang mga kamay niya sa braso nito.

"Ayoko nang makikipagkita ka doon kung ayaw mong mag away tayo." matigas nitong sinabi bago umakyat sa kwarto nila. Bumuntong hininga si Alicia at naupo sa sofa.

Pinagmasdan niya lang ito hanggang makaakyat sa kwarto. At saka siya naluha.

Muli ay nakita nanaman niya ang asawa kung paano ito noon nagbago nang mamatay ang bunso nitong kapatid. Nilamon ng galit si Vladimir at halos lahat ng malapit sa kaniya ay nasasaktan niya. Ayaw niya iyon makita ng mga anak niya.

--

"Aray." Inagaw ni Zach ang bulak na hawak ng anak. Panay ito kasi dampi sa natamo niyang sugat sa mukha. May kasama pang diin ang bawat pagdikit ng bulak sa mukha niya kaya't hindi niya maiwasan mapa-aray.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon