F i f t h t e e n

4K 90 6
                                    





"Ma. Nakauwi na ako." matamlay kong sinabi pagkabukas ko ng pinto. Binaba ko ang bag sa may sala at tinungo agad si Mama sa kusina. Doon ay nakita ko siyang nagluluto ng uulamin namin mamayang hapunan. Wala pa si Papa and for sure late na siya uuwi. Habang si Kenneth nasa harapan ng tv at naglalaro.

Yumakap ako sa kaniya habang abala siya sa pagluluto. Halatang nagulat siya dahil hindi ko naman yon madalas ginagawa.

"Oh? Nandiyan kana pala? Ang aga mo." bati sa akin ni Mama at sandaling huminto sa ginagawa para humalik sa noo ko. Naghugas siya ng kamay at lumapit sa ref para ikuha ako ng memeryendahin ko.

"Ako na Ma." pag agaw ko sa kaniya ng platong hawak niya. Naamoy ko mula sa pagbubukas ng ref ang ginawa ni Mama na crema de fruta. Mahilig kasi kami ni Kenneth doon at palagi namin sa kaniya nirerequest ang tungkol don.

"Kamusta school?" tanong niya paglapag ng pitsel ng juice sa kaharap namin mesa.

"Okay naman po." huminto ako sa pagsasalita nang maalala ko si Sandro. Namula nanaman ako habang naalala ang ginawa niya.

"Feena." hindi ko napansin tinatawag ako ulit ni Mama. Nakatingin na siya sa akin.

"Is there something you wanna share?" she smiled. Ngumisi ako. I know Mama, interesado siya sa buhay college ko. And for sure mangungulit siya pag hindi ako nagsabi.

I stopped for awhile. At naupo ako. Saka bumuntong hininga.

"Ma. You told me about people I shouldn't judge first just because of what they've shown outside. Tama?" tumango siya habang nakangiti. "You're right about them. They're just hiding their true nature." I continued.

"So you mean this guy you're mad about eh, good na kayo?" tanong niya at sumang-ayon ako.

"Pero parang mali pa din ako." I said confused.

"Why? Saan naman?"

"Kasi Ma, I saw his kindness right after I've known his past. Para bang kinakaibigan ko siya now kasi alam ko yon nangyari sa kaniya noon." malungkot kong wika.

"Anak, yan ang ayaw nila, ang kinakaibigan mo lang dahil naawa ka. Always true to yourself. Dahil ginawa nilang magpakatotoo sayo kahit hindi nila alam o alam man nila ang pinagdadaanan mo." tumapik ang kamay ni Mama sa balikat ko and she pulled me for a hug.

"If you wanna be friends with him. Burahin mo sa isipan mo ang mga nalaman mo sa kaniya. What happens today should be remembered and treasured rather than what happened in the past. Leave it behind like he did." tumatak mula sa isipan ko ang mga sinabi ni Mama.

Tumango ako at bumalik kami sa ginagawa.

Hindi maalis sa isipan ko si Sandro. Siguro dahil nakokonsensiya ako sa  ginagawa ko. Kung gusto ko talaga siyang maging kaibigan. Dapat noon ay unti unti ko nang ginawa at hindi dahil nalaman ko kung anong nangyari sa kaniya noon. Anong pinag kaiba ko sa mga taong iniiwasan niya.?

Inaya ko si Kenneth na kumain habang nagluluto si Mama.

"Ma, naalala mo yun kwento about Lolo. I wanna here more about it." I asked habang pinupunasan ko ang pisngi ni Kenneth.

Lumingon sa amin si Mama.

"Why? Nagkainteres ka ata kay Lolo mo?" umiwas ako ng tingin. Tama siya. Ngayon lang ako nagkainteres sa past ni Papa. Hindi naman kasi siya nag oopen about don at bakit namatay ng maaga si Lolo.

"Nak, if you wanna eat more, dun kana lang kumain sa may sala. Para nakakapanood ka." nagtaka ako when she lift up Kenneth's plate at nilipat iyon sa sala. Sinundan ko siya ng tingin habang inaayos niya ang kapatid ko at pagkain nito sa center table.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon