S e v e n t e e n

3.7K 94 1
                                    




Malakas na bumagsak ang pinto nang makapasok si Vlad sa kwarto nilang mag asawa. Ramdam niya ang pamumula ng palad niya na ginamit sa pananakit niya sa anak. Nagsisisi siya sa ginawa pero hindi niya mapigilan ang galit habang unti unti na silang kinakain na muli ng multo ng nakaraan.

"Why did you do that to Feena!" sigaw ng asawa nang makasunod ito sa kaniya. Nilingon niya si Alicia mula sa pintuan.

"Hindi ko iyon sinasadya." he said guilty.

Nagulat si Alicia sa sagot ng asawa. Kailanman ay hindi nasaktan ni Vlad ang anak.

Naluluha siyang muli habang nakikita ang mag-ama niyang hindi magkasundo at nag-aaway. At ngayon humantong sa pananakit. Sinusubukan ni Vlad na maging mabuting ama pero parang hindi iyon sapat. Sa paningin ng kanilang anak na si Feena ay hindi ito sapat.

Naupo si Vlad sa malambot na kama nila habang saklob ng mga kamao niya ang bawat isa at dinadamdam ang hapit na ginawa niya sa anak. Lumapit sa kaniya si Alicia at kinalong ang asawa.

"I'm sorry Love." wika ni Alicia at niyakap ito. Dahan dahan pumatak sa mga bisig niya ang luha ng asawa.

--


Feena's POV


Pakiramdam ko ay sariwa pa ang pagsampal sa akin ni Papa. Hindi ko akalain na magagawa niya sa akin ito. Pero hindi na ako nagtataka. He really hates me.

"I hate you!" sigaw ko at binato ng unan ang ibabaw ng study table ko. Nahulog ang mga picture frames na nakatayo dito at nabasag ang iilan salamin.  Nagulat ako ng makita ang litrato namin ni Papa. Kuha iyon noon mag edad pitong taon gulang ako. Karga pa niya ako habang si Mama ay nakatayo sa tabi namin. Napakasaya pa namin noon na tila wala kaming problema na kinakaharap. Pero ngayon hindi ko na siya kilala. Hindi ko na kilala ang tatay ko.

--

Maaga ako umalis ng bahay para hindi na kami magpang abot pa ni Papa sa pag-alis. Nagsuot ako ng hoody para takpan ang pisngi ko na may bakat pa ng pamumula. Alam ko na magtatanong sina Sam sa nangyari sa akin at hindi pa ako handa na magkwento sa kanila.

Nagtungo ako sa eskwelahan para doon muna magpalipas ng oras. Wala din sa isip ko ang pagpasok at pakiramdam ko napakabigat ng dala dala ng katawan ko. Naalala ko ang coffeeshop na pinuntahan namin ni Sandro and I decided to take a break muna habang wala pa sina Sam at Zion. Nilakad ko lang iyon mula UST.

Nakayuko ako habang naglalakad at pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Lalo pa at paulit ulit kong hawak ang pisngi ko na kumikirot pa din. Pagdating ko sa coffeeshop. Nanatiling nakatakip ang ulo ko ng hoody jacket ko at hindi ko iyon binababa.

"Ano po order ninyo Mam?" masayang tanong sa akin ng babaeng kahera. Tiningala ko ang menu na nakasabit sa dingding.

"Isang chocolate mousse frappe. Grande size." wika ko at tinanggap niya iyon kasabay ng pagkuha niya ng bayad ko. Binigyan lang niya ako ng tissue bago ako maghanap ng mauupuan ko.

Napili kong maupo sa dating mesa na inupuan namin nina Sandro. Binaba ko ang dala kong bagpack at saka ko lang binaba ang hoody ko. Kitang kita ko mula sa salamin ang mga kalsada at sasakyan sa labas. Hindi ko maiwasan maluha. Kusa na lamang pumatak ang mga luha ko na kanina ko pa tinatago. Pakiramdam ko sariwang sariwa pa ang ginawa ni Papa sa akin.

"Need someone to listen.?" nagulat ako sa nagsalita at agad kong pinunasan ang luha ko. Nakalapat ang isang puting panyo sa palad niya habang nakatayo siya sa tabi ng mesa ko.

I saw Sandro.

"Sandro?" namilog ang mga mata ko nang makita siya. "How did  you know I'm here?" tanong ko kaagad.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon