T h i r t e e n

3.8K 99 4
                                    

"Sandro!" nagulat kaming dalawa sa bumungad sa pinto. Isang estudyante na humahangos at pagod na pagod sa pagtakbo.

"What is it?" pagtayo niya habang katabi ko siya.

"May nag-aaway na dalawang estudyante off campus. Ikaw lang makakapagpigil doon e." wika niya. Nagsalubong na ang kilay ni Sandro. Ayaw na ayaw niya na may nadidinig na nag-aaway. Hinablot niya ang jersey jacket niya na nakasabit sa upuan.

"Sasama ako!" sigaw ko sa dalawang binata. Lumingon sila sa akin.

"Puntahan na natin!" utos ko sa kanila at sabay sabay kaming lumabas ng kwarto. Tumakbo kami patungo sa pangalawang gate kung saan may nakakita ng nag-aaway. Nasa loob palang kami ay kitang kita ko na mula sa labas ang kumpol ng mga estudyanteng nanonood sa mga nag-aaway.

At wala talagang umawat.

Nagsumiksik si Sandro sa mga nanonood at nakita namin ang dalawang babae naghihilahan ng mga buhok nila. Tingin ko lalake ang pinag-aawayan nila.

"Demonyita ka! Ahas!" sigaw ng babaeng naka suot ng mini skirt at nakaunipormeng puti na tulad sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa babaeng kaaway. Nakakaladkad na niya ito mula sa sahig.

"Tama na!" Pagmamakaawa ng isa pero tuloy siya sa paghatak sa buhok nito. Hindi alam ni Sandro kung sino ang pipigilan. Hindi naman ito mga lalake na isang suntok mo sa isa, titigil na sila. Mga babae itong pinag uusapan. At hindi niya ito pupwedeng pagbuhatan ng kamay.

"Ako na." bulong ko sa kaniya na nasa tabi ko. Nilingon niya ako.

Nilapitan ko ang babaeng nakaupo na sa sahig. Hinawakan ko ang braso ng babaeng nakasabunot sa kaniya. Lumingon siya sa akin at nanlilisik ang mga mata. Pakiramdam ko tingin niya ay kaaway na din niya ako.

"Wag kang makisali!" galit niyang sinabi at kinalmot ako sa braso. Sumayad ang mga matatalim niyang kuko sa balat ko at nagdulot ng gasgas. Nagulat ako.

Aba at palaban ito!

"Feena!" Narinig ko si Sandro.

Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko saka malakas na lumagapak sa kanan pisngi niya ang isang sampal.
Napatigil ko siya sa pagwawala.

"Wala kang karapatan manakit ng iba dahil sa nasasaktan ka lang!" sigaw ko sa babaeng kumalmot sa akin. Nahimasmasan siya sa sampal ko na bumakat sa pisngi niya. Bumitaw siya sa buhok ng kaaway kaya't nailayo ko ito sa kaniya.

Lumapit naman si Sandro dito at ibinigay sa akin ang jacket niya na siyang ibinalot ko sa babaeng binugbog at pinagsasabunutan ng kaaway niya kanina.

"Are you okay?" tanong ko sa babaeng tinulungan namin. Hinawakan ko siya sa braso niya. May ilan siyang gasgas na natamo sa pagkalmot sa kaniya nito.

"Salamat, sayo." naiiyak niyang wika. Yumakap siya sa akin at doon ay humagulgol na. Nasa likuran ng babae si Sandro. Nakatingin lang siya sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya ang gusto niyang iparating. Pero hindi niya siguro alam kung paano ito sasabihin.

"Sandro.." tawag ko sa kaniya. Lumapit siya at dala ang isang first aid kit.

"What?" bulong niya sa akin. Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong ko sa likuran ng babaeng umiiyak sa akin.

"Why?" nagtataka niyang tanong sa akin.

"Make her comfortable." wika ko. Pinatong ko ang kamay ko sa kamay niya habang sabay namin hinahagod ang likuran ng babaeng umiiyak.

"What happened?" tanong ko sa babae. Nahimasmasan na siya pero panay pa siya sa paghikbi.

"Ayaw kasi sa akin ni Bella. She thought I was the one betraying her. Pero hindi siya naniniwala na I am her friend." Kwento niya. May takot at panginginig pa sa pagsasalita niya.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon