S i x

5.3K 121 2
                                    






Mag isa nalang akong naglalakad patungo sa Student's Council.
Alas-kwatro ang session ko with Sandro. At ayoko mahuli at may masabi siya. Pinauna ko nang umuwi si Sam at wala din naman practice sina Zion.

Kumatok ako sandali sa pinto. Bago ko buksan.

"Sandro?" sumilip ako. Nakita ko ang isang babae na naka-uniporme. Lumingon siya sa akin.

"Wala si Sandro dito. He's in the gym." nagulat ako.

"Ah. Puntahan ko nalang siya don." paalam ko at sinarado ang pinto. Nagtungo ako sa gym. Nakita ko ang isang grupo ng mga lalake na naglalaro ng basketball. Maingay ang gym dahil sa mga babaeng estudyante na nagtitilian. Makakita ba naman sila ng mga lalakeng magaganda ang katawan na topless habang naglalaro. Ligong ligo sila sa pawis nila yet they looked so damn hot.

Natulala ako sa mga naglalaro. Nakalimutan ko na hanapin si Sandro. Ano naman kayang ginagawa niya sa gym? Malabo naman kasama siya sa mga naglalaro na to?

"Sandro! Catch!" narinig kong sigaw ng isang lalakeng naglalaro. Hinanap ng mga mata ko si Sandro and shoot! I saw him playing.

Kumurap akong muli at hindi ako nagkakamali. Si Sandro nga iyon. Playing basketball? Really!

He stand out among those men whose topless too. He is much more attractive now. Hindi dahil topless siya but he wears a smile.

"Aaaah!" napakaingay ng mga babaeng nanonood. Panay tili sila at nagkukumayog sa isang sulok.

"Feena!" nagulat ako sa tumawag sa pangalan ko. I saw Sandro na papalapit sa akin. Bigla tuloy akong nahiya dahil lumipat ang atensyon sa akin ng lahat. For sure they're asking who the hell is that girl Sandro talking to.

"Nandiyan kana pala. I'm sorry for keeping you waiting." paglapit niya.
Napatakip ako sa mga mata ko. I shouldn't stare on him too much. Nakakasilaw. Nakakabulag.

"Ah.. Ano.. Okay lang.. Ah. Maglaro kana muna.." pautal utal kong sinabi. Hindi ko maiwasan mapatingin sa kaniya. Para ba nitong hinahatak ang mga mata kong nanghihina sa mga nakikita.

"Sandro! Girlfriend mo na ba yan?!" nagulat kaming dalawa sa narinig.

"HINDI AH!" sigaw namin pareho at natahimik ang mga nakarinig. Lalo akong nakaramdam ng hiya.

"May review session tayo tama. Sabay na tayong pumunta sa Student Council." nahihiya niyang sinabi habang kumakamot siya sa batok niya.

"Ah. Bahala ka." wika ko at nauna na akong lumakad. Hindi ko na siya hinintay makasunod at paniguradong matutunaw ako sa kahihiyan.

--

Hinintay ko siyang makapagpalit habang nasa loob na ako ng office niya.

"Hi." Bati niya ng makasilip sa pinto at may mga dalang libro. Naupo siya sa isang upuan na bakante at nilapag sa harap ko ang mga babasahin ko.

"Sorry ha. Nagyaya sila maglaro kaya pinagbigyan ko." Ngumiti ako.

"Okay lang. Hindi ko akalain sporty ka din pala." natawa siya.

"Really. Siguro nga. Pampapawis lang." hindi sya ang Sandrong Suplado na kausap ko ngayon. Mukhang nasa mood siya kaya hindi siya mainitin ang ulo ngayon.

"Lets get started." tumango ako at lumapit ako ng bahagya sa mesa.

--

Sabado kaya wala kaming klase. Pero nagkayayaan kami nina Sam na mamasyal lalo at wala naman kaming tambak na paperworks. Sa gabi naman manonood kami ng tugtog nila Zion sa Law Week.

The Professor's Daughter ! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon