Chapter 04

23.1K 717 91
                                    


Kasalanan

( Troy's POV )

"K-Kamusta na ang mga anak ko?" nanghihina kong sabi

"Okay na sila." ani ng doktor

"Y-Yung asawa ko p-po?"

Napayuko nalang bigla ang doktor kaya alam ko na ang ibig sabihin nun..

Nang dumating ako dun mga anak ko nalang ang nakilala ko..Kasi ang nadatnan ko , ang hindi na makilalang mukha ni Kyla..

Halos hindi pa nga ako maniwalang siya yun , pero nung makita ko ang singsing na suot niya..

Parang gumuho bigla ang mundo ko..

"Hindi na namin nagawang mailigtas si Mrs.Mendez..Masyado nang kritikal ang conditon niya at bumigay na rin ang katawan niya." 

Tumulo naman ang luha ko dahil sa mga naririnig ko..

Bakit ganito?.Bakit kailangan akong iwas ni Kyla?

Bakit ngayon pa toh nangyari , sa mismong kaarawan ko..

Bakit ko sila hinayaang umalis kanina?

Kung pinigilan ko siguro sila , edi sana ligtas pa sila..Edi sana hindi nawala si Kyla..Edi sana hindi nawalan ng ina ang mga anak ko..

Kasalanan ko toh eh..

Kasalanan ko ang lahat ng toh..Kung hindi ko tinago ang totoo , edi sana nandito sa tabi ko ang asawa ko..

Yung parang nawalan ka na ng ganang mabuhay pa , kasi wala na yng babaeng bubuo ng araw mo..Magpapasaya sayo at sa mga anak niyo.

Ito rin siguro ang naramdaman ni Kyla nung mawala si Miko at ang unang anak namin..

At ngayon , ako ang nawalan..Si Kyla , at ang anak naming hindi pa nasisilang..

Ang sakit pala..

Na mawalan ka.Hindi mo alam kung naong gagawin mo..Hindi mo alam kung kakayanin mo pa bang mabuhay ng wala siya sa tabi mo..

Mahal na mahal ko si Kyla..At hindi ko kayang wala siya.

Pero ayaw ko rin namang iwan ang mga anak namin..Kahit mahirap , kailangan ko parin silang alagaan.Kasi alam kong mas sasaya ang asawa ko kapag yun ang ginawa ko..

Kahit gusto ko siyang nasa tabi ko..

"Daddy , nasan na si mommy?" si Nathan

Napaiwas naman ako ng tingin sa anak ko..

"W-Wala na siya..N-Nasan h-heaven na siya kasama ang baby sa tiyan niya.."

"Daddy , wag namang mag joke ng ganyan..Hindi pa patay si mommy , nakita ko pa siya kanina." si Ethan na naiiyak na naman

"Alam kong mahal niyo ang mommy niyo..Pero masakit na mawala siya sa piling natin.Iniwan na tayo ng mommy niyo , hindi na siya babalik.At hindi ko alam kung anong gagawin ko kung pati kayo nawala sakin.." 

"Pero daddy , gusto naming makita si mommy.."

"Hindi niyo na siya makikilala.Sinagip niya kayo kahit alam niyang mangyayari toh...Mahal na mahal ko ang mommy niyo.At alam kong mahal niya kayo , at mas sasaya siya sa langit kapag inalagaan ko kayong mabuti.."

Lumipas ang minuto , oras , araw , linggo at taon..

Pero ang hirap kalimutan ng lahat..

Ang hirap baguhin ang lahat.

Yung sa bawat taon na lumilpas , gusto mo parin siyang makitang nasa tabi mo pag gising mo..

Namimiss ko na yung mga momments namin..

Ang sa pagkawala niya ang daming nagbago..

"Dad , papasok na po kami.." nakangiting sabi ni Nathan

Nagsismula na silang mag aral , at kahit ganun , hindi ko parin sila mabigyan ng tamang oras para lang ihatid dahil na rin sa tambak ang trabaho sa opisina..

Tumango naman ako at tumingin kay Ethan..

Simula nung nawala si Kyla , mas lumamig ang turing niya samin..

Na para bang ang laki na talaga ng pinag bago niya..Kung noong 2 years old pa lang siya mahilig na siya sa libro..Ngayong nag aaral na siya parang may ibang mundo na siya.

Ayaw niyang naiistorbo.

5 years old pa lang sila pero kung mag isip sila parang ang lalaki na..

Siguro kung nandito lang si Kyla..

Matutuwa siyang panuorin ang mga anak namin..

At siguro rin , kasama namin ang baby na nawala..

Ang baby na kasamang nawala ni Kyla..

Pangalawang beses na akong nawalan ng anak..At unang beses na nawalan ng babaeng minahal.

Kung wala lang sana akong kasalanan sayo , Kyla..

Siguro kasama pa kita..

Hanggang ngayon.

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon