Chapter 22

18.2K 508 22
                                    


Hirap

Bumalik lang ako sa kwarto ni Troy ng malaman ko sa nurse na wala na si Aya..

Halos ilang oras din akong naghintay sa labas para lang maiwasan si siya.

Baka kung ano pa ang sabihin niya kay Troy at baka lang din masaktan lang ako..

Nang makapasok ako ay agad akong sinalubong ng masamang tingin ni Troy..

Naka upo lang ito sa kama at nakatingin sakin..

"A-Ahm.G-Gutom ka bah?" nauutal kong sabi

"Busog ako.Kumain na kami ni Aya habang wala ka." malamig niyang sabi

Tumango nalang ako at inabala ang sarili sa pag aayos ng gamit ko..

Ayaw kong tingnan si Troy ngayon lalo na't inakala niya talagang arrange marriage lang talaga kami..

Dalawang beses na kaming kasal , at ang pangalawa , ay yung sa puntong totoo na talaga..

"Bakit tayo ikinasal?.Bakit malaki ang tiyan mo?.." biglang tanong ni Troy

Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko habang nakatalikod sa kanya..

Ba't parang ang sakit ng tanong na yun?

Bakit parang ang hirap paniwalaan na ito na kami ngayon..Ang dating masayang Kyla at Troy , hindi na magkaintindihan ngayon..

Nawala na ang alaala niya sakin.At baka nga rin pati na ang pagmamahal niya nawala na rin..

"Sagutin mo ako.."

Mas lalo akong naluluha habang pinakikinggan ang malamig niyang boses..Ibang iba na talaga..

"I-Ikinasal tayo dahil sa kompanya..P-Pero pagkatapos noon ikinasal tayo ulit sakin nag propose ka s-sakin..T-Tyaka , a-anak mo rin ang batang nasa tiyan ko." hindi ko siya nilingon at nanatiling naka talikod..

Hindi na ito nagsalita kaya tahimik kong pinunasan ang mga luhang lumandas sa pisngi ko..

"Bakit ako mag popropose sayo kung si Aya naman ang mahal ko?'Di kaya pinilit mo lang ako?.'Di kaya ginamit mo lang ang mga magulang ko para gawin ko yun sayo?"

Parang babasaging platong nabasag ang puso ko..

Tama bah ang narinig ko?

Tama bah ang sinabi niya?

Ginamit ko lang siya?.Sa tingin niya bah kaya kong gawi yun?

Hinarap ko siya habang tumutulo ang mga luha ko..

"S-Sa tingin mo ganun ako ka desperada?.Sa tingin mo kailangan ko pang pilitin ka para lang pakasalan ako?Dahil lang sa isang aksidente , hindi mo na maalala ang mga alaala natin..Hindi mo na alam kung gaano mo ako ka m-mahal..Ang sakit Troy..Ang sakit na si Aya lang ang naaalala mo..Si Aya na mismong laging sumisira sating dalawa!" hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw

Ang sakit na eh..

Nagising nga siya pero hindi naman ako yung babaeng naaalala niya..

Hindi ako yung babaeng mahal niya.

Ang sakit..Ang sakit sakit..

"Mabait si Aya!.Naaalala ko yung mga oras na magkasama kaming dalawa!" sigaw niya rin pabalik

"Pero sapat bah ang mga alaalang yun para sabihin mo saking ginamit lang kita?!.Ginamit ko lang yung mga magulang mo?!.." 

Natahimik siya bigla kaya agad akong huminga ng malalim..

"Alam mo bah yung hirap?.Hirap na kailangan ko pang magsinungaling sa mga anak natin na nagtatrabaho ka lang kaya hindi ka nila nakikita..Yung hirap na alagaan ka kahit na nahihirapan na ako kasi nagdadalang tao pa ako..Yung hirap na gusto ko ng sumuko pero inalala ko lahat ng pangako mo..Na hindi mo na ako paiiyakin.Na hindi na ako masasaktan...Kahit sinabi ko sayong wag kang mangako at gawin mo , umaasa parin akong tutuparin mo yun.Kasi mahal kita..Pero ngayon , dahil lang sa aksidenteng yun..Nakalimutan mo na ako.Nakalimutan mo na ang mga anak natin..Kasi si Aya na ang laman ng puso't isip mo.At hindi na ako.." nanghihina kong sabi

Umupo ako sa sofa na katapat ng kama niya at dun umiyak..

Wala akong paki kung tanging awa nalang ang nararamdaman niya para sakin..

Kung yung puso niya tumitibok na sa iba..

Pwes , yung puso ko , mananatiling sa kanya.

Kasi siya lang naman yung lalaking laging nagpapatibok nito eh..

Siya lang yung lalaking bumubulong sa puso kong , wag kang sumuko..Kasi nandito pa ako..

Wag kang sumuko..Kasi saba pa tayong mawawala sa mundong toh.Kasi nga diba..

Walang iwanan..

-----------

Ayan na...Maikli na naman UD ko..Pero sa susunod na mga araw mukhang matatagalan kasi mahahaba naman..

Promise yan ^.^



His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon