Miko
Ilang minuto lang akong nagkulong sa kwarto at agad rin namang lumabas..
Napansin ko rin kasing nagkakatuwaan na sa ibaba.
Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ko ay agad kong nakita ang masayang nag uusap na sina kuya Ryan at kuya Calvin , pati na rin sina mommy at daddy at sina Troy at Aya..
Napairap nalang ako bago bumaba..
"Kyla!.Halika , join us." si mommy at ngumiti
Umirap lang ako at binalewala sila.
Pumunta ako sa garden at umupo sa bench na hindi na naabutan pa ng ilaw..
Ayoko kasing may makakita sakin.
Sigurado rin naman ako na naglalaro parin ang mga bata sa kwarto nila ngayon...
Huminga ako ng malalim at dinama ang malamig na hangin.
Ang sakit palang alalahanin kung ano ang nangyari sakin sa tatlong taon na nawala ako dito..
Kung paano ako gumising na inaalala ang mga anak ko.
Kung paano ako umiyak habang nakatingin kay Xandra na laging sinusugod sa ospital..
( Flash Back: 3 years ago )
Nagising nalang ako sa isang puting kwarto.
Akala ko patay na ako , pero ng maramdaman ko pa ang katawan ko..
Buhay pa pala ako..
"Kaano ano niyo po bah ang pasyente?"
"Kaibigan ko po.."
Napalingon nalang ako sa gilid ng makarinig ako na may nag uusap..
Akala ko si Troy pero nanlaki nalang ang mata ko ng..
O.O
"M-Miko?" gulat ko siyang tiningnan.
Nagpaalam na ang doktor at nang makalabas siya ay agad na lumapit si Miko sakin..
"B-Buhay k-ka?" di makapaniwalang tanong ko
Imposible..
Pano siya nabuhay?.I mean , akala ko talaga patay na siya..
Nandun ako sa mismong libing niya.
"Alam kong naguguluhan ka kasi inakala mong patay na ako..Pero kailangan mo munang magpahinga Kyla..Lalo na't.." napatingin siya sa bandang tiyan ko
At dun ko lang naalala na buntis pala ako..
Kamusta na yung baby ko?
"O-Okay lang bah ang baby ko?"
"Okay lang ang baby mo , kailangan lang ng doble ingat dahil muntikan na siyang mawala dahil sa aksidente.."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil okay lang talaga ang baby ko..
"Magpahinga ka na..Ipapaliwanag ko lahat sayo kapag okay na ang lahat , okay?" aniya at ngumiti
Tumango naman ako sa kanya at ngumiti na rin..
Bago siya umalis ay hinalikan niya muna ako sa noo..
Na miss ko tuloy siya lalo..Yung pagiging sweet niya sakin kahit hindi kami.
Dumaan ang ilang linggo at naging okay na ang pakiramdam ko..Hindi pa naman masyadong magaling ang mga sugat pero kaya ko ng maglakad mag isa at hindi na tulad nung nakaraan na halos kailangan ko pa ng tulong pati sa pagkain..
"Miko , tungkol nga pala sa ipapaliwanag mo sakin.." lumapit ako kay Miko na naka upo sa sofa ngayon
Nandito kami ngayon sa tinutuluyan niyang bahay dito sa visayas..Hindi ko alam kung bakit dito kami niya ako dinala at pinatuloy kung pwede niya naman akong ibalik nalang kay Troy..
Tiningnan niya ako sa mata bago yumuko at nagsalita..
"Inakala ng lahat na wala na ako..Inakala ng lahat na ako ang bangkay na nakita sa parking lot pagkatapos ng sunog.Sobrang hirap na pati pamilya ko nagdusa dahil sa inakala nilang wala na ako...Pero hindi naman talaga ako namatay eh..Buhay ako , kasi niligtas ako ni Keila , yung babaeng una kong minahal at hindi ko aakalaing agent na pala ngayon..Kung wala siya siguro patay na talaga ako.Pero dumating siya..Niligtas niya ako , tinulungan niya akong bumangon..Babalik na nga sana ako pero pinigilan niya ako kasi nga akala ng lahat , wala na ako.At kapag nagpakita pa ako sa inyo , baka akalain niyo lang na multo o patay na nabuhay lang ako , at baka rin mas matakot kayo..Kaya imbis na magpakita , nagtago nalang ako kasama siya..Alam mo yung sakit na nararamdaman ko habang nakatingin sa inyo ni Troy.." nilingon niya ako na may luha sa mga mata
Parang sinasaksak ang puso ko habang tinitingnan siyang umiiyak..
"Masaya ka sa kanya..Habang nasasaktan akong nakatingin sa inyong dalawa..Pero okay lang , kasi mahal kita.At mas gusto kong maging masya ka..Ti-nry ko na ngang lapitan ka , pero hindi ko kaya kasi baka matakot ka lang.Kaya nung nalaman kong si Troy pala si Mr.Mask na matagal ng hinahanap ng mga lalaking yun...Hindi ko na alam kung magiging ligtas ka pa bah sa kanya.Kaya pati mga anak mo binabantayan ko na rin..Gustong gusto kong bugbugin si Troy kasi nagsinungaling siya sayo.Habang lumalabas ka ng bahay niyo umiiyak ka pati mga anak mo..Pati ako nasasaktan.Kaya nung hinaranag na kayo humingi ako ng tulong kay Keila para iligtas ka.Ililigtas ko pa nga sana ang mga anak mo pero may mga pulis ng dumating kaya wala na kaming nagawa kundi ikaw nalang ang iligtas at umalis nalang dun.."
Napatulala nalang ako ng maalala ko na naman sina Ethan at Nathan.
Miss ko na silang dalawa..Ang makukulit kong babies..
Okay na kaya sila ngayon?.Inaalagaan bah sila ni Troy?
Lumipas ang limang buwan mas naging mahirap sakin ang magbuntis..
Ewan ko bah , hindi katulad nung pinagbubuntis ko ang kambal..Ngayon parang ang bilis kong mapagod tapos lagi akong mahina..
Anim na buwan na akong buntis pero ngayon nararamdaman ko na ang pananakit ng tiyan ko..
"Kyla , okay ka lang?" si Miko ng mapansin niyang nakahawak ako sa tiyan ko..
"Ang sakit ng tiyan ko Miko.." sambit ko
Agad niya naman akong isinugod sa ospital.
At dun ko lang nalaman na ipapanganak ko na pala ang anak ko..
Hindi ko alam ang gender kasi gusto ko surprise , pero ang pinagtataka ko..
Bakit anim na buwan lang?.Diba dapat 9 months bago ipanganak ang baby?
Nasagot lahat ng tanong ko ng magising nalang ako at sinabi sakin ng doktor ang kondisyon ng anak ko..
May heart failure ito kaya maagang naipanganak..Maselan rin daw kasi ang pagbubuntis ko at kung hindi ko pa ipapanganak ang baby ay baka mamatay pa ito sa tiyan ko..
Parang gumuho ang mundo ko habang pinagmamasdan ang anak kong nahihirapan..
Tatlong buwan din siyang nag stay sa ospital para lang maging maayos ang paghinga niya..
Pero nung may dalawang taon siya dun naman lumabas ang dravet syndrome niya..
Nanginginig , tumitirik ang mata at naglalaway..
Hindi ko kayang makita ang anak ko na nahihirapan..
Kaya mas lalong lumaki ang galit ko kay Troy..
Kasi hindi naman mangyayari ang lahat ng toh kung hindi siya nagsinungaling..
Kaya kailangan ko ng bawiin ang mga anak ko sa kanya , bago pa sila magdusa kasama si Troy..
( End of Flash Back )
BINABASA MO ANG
His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)
Teen FictionTroy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask