Pregnant
Bigla nalang lumabas sina mommy at ang mga bata..
"Si dada po bah yun mama?" si Xandra at tumingin sakin
Nag iwas lang ako ng tingin sa kanila..
"Mom!.Bakit mo pinaalis sa daddy!" galit na sabi ni Ethan
Hindi parin ako kumibo hanggang sa puntong nagsalita na silang tatlo..
"Titira kami kay daddy.." si Nathan
"Gusto namin sa kanya.." si Ethan
"Kung ayaw niyong sumama okay lang , basta kasama namin si dada.." si Xandra
Nanlaki nalang ang mata ko dahil sa mga sinabi nila..
Hindi pwede yun!.Hindi nila ako pwedeng iwan!
"No!.Hindi ako makakapayag na humiwalay kayo sakin!.Dito lang kayo at walang sasama kay Troy!" galit kong sabi
"Bakit mo bah kami pinagbabawalan mom!.Miss na namin si daddy!..Lagi nalang siyang wala.Ayaw mo bah kaming maging masaya?" si Nathan
"Nag sinungaling ka na samin mom..Sana naman sa pagkakataong ito , payagan mo kaming makasama ulit si daddy.Kung hindi niya kami naaalala , edi tutulungan namin siyang makaalala..Para maging kompleto ulit tayo.." si Ethan
Ano bah ang alam nila?.Mga bata lang sila..
"Hindi..Hindi ako papayag na tumira kayo doon.Hindi niyo alam kung pano ako saktan ng daddy niyo nung nandun ako..Sundin niyo nalang ako ngayon , please..Kasi ako rin mismo miss ko na yung dating tayo..Yung masayang pamilya natin.Pero anong magagawa ko kung may ibang nakatira sa bahay ng daddy niyo?May mahal na siyang iba.At ayaw kong masaktan kayo ng dahil dun.." sambit ko
"Pero mama , hindi naman kami sasaktan ni dada..Mabait siya , mahal niya kami.." si Xandra
Natahimik ako dahil sa sinabi nila hanggang si mommy na ang nagsalita..
"Kyla , pagbigyan mo na yung mga bata..Miss na nila ang daddy nila." si mommy
Napatingin naman ako sa mga bata na malungkot na nakatingin sakin..
"Kung gusto niyo talagang sumama sa kanya , edi sumama kayo..Basta ako at si Kean , hindi na kami babalik sa impternong bahay na yun.." sambit ko at iniwan sila dun
Buong araw akong nagkulong sa kwarto..
Nalaman ko nalang sa mga kasambahay na sinundo ni Troy ang mga bata dala dala ang mga gamit nila.
Nakaya talaga nila?.Ang iwan ako dito?
Hindi ako lumabas buong araw at tanging iyak lang ang nagawa ko..Bakit mas mahal parin nila si Troy kesa sakin?.
"Kyla?.Kyla , lumabas ka na diyan , kailangan mong kumain.." si Dale
"Wala akong gana.." sambit ko
"Hindi pwedeng wala kang gana..Hinihintay ka na ni Kean sa kabilang kwarto.Nagugutom na yung bata , Kyla." aniya
Wala akong nagawa kundi ang tumayo at buksan nalang ang pinto..
Dala dala ni Dale ang tray na may pagkain bago siya pumasok sa kwarto ko..
"Alam kong nasasaktan ka kasi mas pinili nina Ethan ang sumama sa daddy nila , pero nandito pa si Kean , Kyla.Habang wala pa yung mga bata , si Kean muna ang alagaan mo.." sermon ni Dale
BINABASA MO ANG
His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)
Teen FictionTroy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask