Chapter 06

23.7K 638 62
                                    


Divorce

Nagising nalang ako sa maingay na katok sa labas..

"Daddy!"

"Daddy , open the door please!"

Agad naman akong bumangon at binuksan ang pinto.

"Ano bang meron?" inaantok kong sabi

"Nandito po si mommy!"

Napakunot naman ang noo ko ng tiningnan ko ang mga anak ko..

"Boys , ano na naman bang kalokohan toh?Patay na ang mommy niyo--"

Natahimik nalang ako ng makita kong may babaeng lumapit sa mga anak ko..

"Hindi pa ako patay.."

Nang iangat ko ang tingin ko ay halos mapanganga na ako..

Ba't ganito?

Nananaginip na naman bah ako?

Ipinikit ko ang mata ko at tiningnan ulit si Kyla..

"Wag kang mag alala , hindi ako nandito para sayo...Nandito ako para kunin ang mga anak ko sayo.."

Napatingin ako sa mga batang nakatingin lang din sakin.

"W-Wait..Ano?.K-Kukuin mo yung mga anak natin?.Teka nga , pano nangyari?I mean , ba't ngayon ka lang bumalik kung buhay ka pala?.Ano bah talagang nangyari?" sunod sunod kong tanong

"Wala akong panahon para mag explain pa sayo , kukunin ko na ang mga anak ko ngayon..Ethan , Nathan , mag impake na kayo.." malamig nitong sabi

Nagdadalawang isip pa ang mga bata pero sa huli ay agad na silang pumasok sa kwarto nila..

"K-Kyla , ano bah toh?Kukunin mo yung mga anak natin sakin ngayon na nakabalik kana?.Pano yun , eh akala ko bah wala kana?Bumalik ka lang bah paa kunin ang mga anak ko sakin?.Ba't mo pinalabas na wala ka na?Ba't hindi mo kami binalikan?" medyo galit kong sabi

"Kukunin ko ang mga anak ko sayo at makikipag divorce ako sayo..Para rin naman yun sa kaligtasan nila , alam kong kahit ngayon ay may mga sumusunod parin sa inyo..Kaya nga palihim kong pinapabantayan ang mga anak ko , para hindi sila mapahamak habang wala pa ako..At wala na akong pakialam kung ayaw mong pumayag na umalis sila.."

"Kyla , ano ka bah naman!.Anak ko sila!..Bumalik ka lang bah talaga para kunin sila sakin?.Kung ganun pwede naman tayong magsama para maging buo tayo diba?Hindi ako makakapayag na makipag divorce ka sakin!.Mahal kita!.Kahit ngayon ka lang bumalik pagkatapos ng pagpapanggap mong wala ka na!" sigaw ko

"Alam mo bang ang hirap na habang nagpapagaling ka sa mga sugat na naidulot ng aksidenteng yun , kasabay nun ang pagkaka miss ko sa mga anak ko!.Buti ka pa nga nakasama mo sila!..Kaya lang naman ako hindi bumalik kasi ayaw kong magpaloko ulit sayo.Kukunin ko sila sa ayaw man o sa gusto mo."

"Hindi porket nakasama ko sila ng matagal , kompleto na ako..Alam mo bang ang hirap ding isipin na yung asawa kong inakala kong wala na.Yun pala nagtatago lang..Ang sakit , na sa bawat taon na lumipas , ikaw yung iniisip ko...Namimiss ko lahat ng ginagawa mo , yung pag aalaga , yung pagmamahal..Lahat ng yun hinahanap hanap ko...Nakuntento na nga ako na sa panaginip nalang tayo nagiging buo...Alam mo bang kahit isang araw lang , hindi kita nakalimutan..Kahit ilang saglit lang , hindi ko kayang mawala ka sa isip ko..At ngayon babalik ka lang para kunin ang mga anak natin at iwan ako?" 

Naramdaman ko na ang luhang pumatak sa mata ko pero binaliwala ko kasi gusto kong tingnan ang reaksyon niya..

Pero wala..

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon