Mission
( Xandra's POV )
"Malapit na...Kunting panahon nalang at iiwan na kita.." sambit ko habang nakatingin sa lalaking binabantayan ko simula nang makilala ko siya
I mean , simula nung mabuhay ako ulit ako sa mundong ginagalawan ko.
Hindi ako ordinaryo..Kasi nabuhay lang ako para sa lalaking toh..
Tumingala ako sa langit at ipinikit ang mata ko..
Dalawang taon nalang..
Aalis na ako ulit sa mundong toh.
At sa maikling panahon na naranasan kong mabuhay , nakasama ko yung pamilya ko..
Kung hindi siguro ako nalaglag sa sinapupunan ni mommy noon , siguro hindi ako ganito ngayon..
"Xandra.."
Napadilat nalang ako sabay lingon sa likuran ko..
"Ba't ka nandito?" tanong nito
"Wala lang..Nalaman ko kasing nandito ka rin sa manila , kaya hinanap kita.." sambit ko sabay ngiti
"Nakakapagtaka na ah..Lagi ka nalang sumusunod sakin simula nung araw na muntik na akong mabaril ng magnanakaw..Kung wala ka siguro dun , patay na ako..Pero hindi naman kasi kailangang lagi kang nakabuntot sakin.Baka ikaw pa ang mapahamak."
"Jace..Yun ang mission ko sa mundong toh..I have to protect you until..Ah basta..Kailangan kitang iligtas sa abot ng makakaya ko.."
"Mission?.Bakit mo naman na sabi na ako yung kailangan mong protektahan?Hindi naman kita guardian angel eh.." aniya at lumapit sakin
"Yun ang akala mo.." sambit ko ngumiti ng pagkatamis tamis
Natahimik naman siya habang nakatitig parin sakin.
Kung hindi dahil sa hiling ng mama ni Jace , hindi ako mabubuhay ulit.
Namatay kasi yung mama niya dahil sa aksidenteng nangyari..Kaya nung dumating ang pagkakataong nagkita kami sa langit..Doon niya na hiniling na bantayan ko ang anak niya..
Alam kong hindi kayo maniniwala..
Pero yun ang totoo..
"Alam mo , kapag kasama kita feeling ko ligtas ako.." si Jace at tumingi ng diretso sa mata ko
"Bakit naman?" tanong ko
"Kasi alam kong kahit kailan hindi mo ako iiwan.." aniya at hinawakan ang kamay ko
Dug Dug..Dug Dug..
Napawi yung ngiti sa labi ko habang nakatitig rin sa kanya.
Ano 'tong nararamdaman ko?.Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko..
"Kapag kasama kita , feeling ko , ako ang pinaka maswerteng tao kasi may kaibigan akong hindi ako iiwan kahit kailan.."
Napa iwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya..
Kung alam mo lang Jace..
Kung alam mo lang na malapit na kitang iwan..
Kung pwede ko nga lang i-extend ng ilang taon pa eh..Pero hindi ko naman kaya yun..
Kasi hiram lang naman 'tong buhay ko..Kaya hindi ako pwedeng humiling pa ulit kasi ito na yung nakatadhana..
Pero bakit noon parang ang daling sabihin na kaya ko toh..Na simple lang naman ang mission ko..Pero ngayon na mas tumagal pa ang pagkakaibigan namin ni Jace..
Parang ang hirap ng umalis..Ang hirap nang iwan siya..Para bang hindi ko kaya pang umalis sa tabi niya kasi ayaw ko siyang masaktan kapag nawala na ako..
Sana panaginip nalang toh..
Sana panaginip nalang yung nararamdaman ko..
Kasi mahihirapan ako lalo kapag umiyak pa siya sa harap ko..
BINABASA MO ANG
His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)
Teen FictionTroy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask