Pride
"Buhay si Miko..Nung una hindi nga ako naniwala eh , kasi imposibleng nakaligtas siya dun gaya ng sabi mo sakin noon.Pero alam mo yung kahit ikaw ang dahilan ng lahat lahat , iniligtas niya parin ako.Hindi siya naghiganti sayo kasi alam niyang masasaktan ako...Kahit hindi ko siya mahal pinili niya paring wag akong saktan..Pero ikaw?.Pinagkatiwalaan kita , umasa ako sayo.Pero wala eh , nagsinungaling ka parin.Nagtago ka parin sakin..." si Kyla ng kaming dalawa nalang ang natitira
Sinamahan kasi nina Ethan at Nathan si Xandra para maglaro..
Hindi ko alam pero parang ang gulo na ng lahat..
Buhay si Miko.
Buhay si Kyla..
Ang hirap lang paniwalaan ng lahat..
Na sa isang iglap nandito na ulit ang mahal ko..
Nasa harap ko na siya , pero parang wala ng pagmamahal ang natitira.
Ang gusto niya nalang ngayon , makuha ang mga anak niya at makipag hiwalay sakin..
Kaya ko bah?
Na mawala ang mga anak ko sakin?
Na lahat sila layuan ako kasi ako ang dahilan para makahamak sila?
"Gusto ko namang sabihin sayo yun eh.Kasi matagal na kitang hinahanap..Ewan ko bah at ngayon ko lang nalaman na ikaw pala yun.Ngayon ko lang naalala na noon pa pala kita minahal..Ngayon ko lang naalala ang kung anong meron tayo nung bata pa tayo.Kung hindi ka lang siguro umalis nun , nasabi ko sayong mahal kita kahit magkaibigan taying dalawa.." sambit ko
Napakunot naman ang noo niya kaya huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya..
"Naalala mo pa bah toh?" sabay pakita ko ng bracelet na silver sa kamay ko
Nanlaki naman ang mata niyang nakatingin dun..
"S-Saan mo yan nakuha."
"Naalala mo pa bah yung lalaking kaibigan mo noon?.Yung lalaking sobrang close mo.Yung lalaking tinatakbuhan mo kapag inaaway ka ng mga kuya mo...Yung lalaking takot magpakita sa mga magulang mo.Yung lalaking inakala mong may ibang gusto.Naaalala mo pa bah ako Kyla?.Naalala mo pa bah yung huling bagay na binigay ko sayo pagkatapos ng bracelet..Nasa sayo pa bah yung kwentas na may letrang M?"
Natigilan siya dahil sa mga sinabi ko..
Kung hindi ko siguro nalamang siya pala ang kababata ko , mas lalong gugulo ang isip ko..
Kasi nakita ko yung panyo..
Yung panyong may code na parang mapa..
Yung panyong yun , ginawa namin ng kababata ko , bago siya umalis para lumipat ng school..
Yun ang huling alaala ko sa kanya , at nung nawala yun parang nawalan din ako ng pag asang magkikita pa kami..
First love ko ang kababata ko , kaso nga lang iniwan niya ako kasi nakita niya akong may kasamang babae.
Babaliwalain ko na nga sana yung panyo ng makita ko , kasi akala ko magkatulad lang..
Pero nang makita ko ang code , at naalala ko yung kwentas na suot lagi ni Kyla..Doon ko lang napatunayan na siya pala yun..
Si Sofie na kababata ko at si Kyla ay iisa..
Ang tanga ko nga at ngayon ko lang nalaman..
Ang tanga ko kasi naging matagal pa bago ko maalala.
"Pano mo nalaman ang tungkol sa kwentas at bracelet?" kunot noo nitong tanong
Ngumiti ako at tiningnan siyang mabuti..
"Ang tanga ko Kyla..Ang tanga ko kasi ngayon ko lang nalaman na ikaw pala talaga si Sofie.Bakit ka bah kasi umalis nun?Bakit hindi ka man lang nagpaalam sakin?Akala ko bah magkaibigan tayo?Akala ko bah walang iwanan hangga't nabubuhay tayo..Bakit mo ako iniwan ng walang paalam?Bakit kinailangan mo pang lumipat kung pwede namang magsama tayo?"
"Ikaw bah yun?I-Ikaw bah yung batang yun?" gulat nitong tanong
"Oo..Nakalimutan mo na bah ako?Kung hindi ko bah naalala ang lahat noon , wala ka na talagang paki sakin?.Kaya pala talaga nung nakita kita parang pamiliar ka na.Nagtatalo pa nga tayo lagi nun kasi nga napaka hangin ko diba?Alam mo yung pakiramdam na ang gaan ng loob ko kapag kasama kita?Kahit na hindi ko pa nalalaman na ikaw pala si Sofie na mahal ko?Na kababata ko."
"Anong mahal ang pinag sasasabi mo diyan?Isa na naman bah toh sa mga kasinungalingan mo para mahulog ulit ako sayo?Pwes , sorry ka nalang Troy , pero di na ako magtitiwala pa sayo..Pagod na akong umasang magiging ligtas kami sayo ng mga anak ko.."
"Pwede bang babaan mo muna ang pride mo Kyla?.Kasi nasasaktan na ako..Nasasaktan na ako sa trato mo sakin.Yung trato na parang naulit lang yung noon...Na plano mong maghiganti sakin..Hindi ka bah napapagod?.Na lagi nalang ganito ang nangyayari?.Dine-deny mo yung nararamdaman mo sakin."
"Wag makapal ang mukha Troy...Ubos na ang pagmamahal ko sayo.Galit at sakit nalang ang natitira sa puso ko.Dahil kung hindi dahil sayo , okay si Xandra..Kung hindi dahil diyan sa kasinungalingan mo , walang sakit ang anak ko..Mapapatawad pa siguro kita kung hindi lang naghihirap ng sobra si Xandra..Mapapatawad pa siguro kita kung hindi ang anak ko ang nagdurusa.Kaso siya eh..Siyang yung nagiging kabayaran sa mga kasalanan mo..Hindi ako mabait na tao Troy , may mga kasalanan din ako..Hindi ako nagmamalinis..Pero naaawa lang ako sa anak ko na nahihirapan na.Ang sakit pakinggan ng bawat iyak niya kapag tinuturukan siya ng gamot o di kaya pinipili niyang lunukin nalang..Alam mo yung mas nauuna ka pang sumuko kesa sa kanya?.Wala ka kasi dun kaya hindi mo ako maintindihan.Kung noon si Aya ang dahilan ng lahat?.Ngayon ikaw..Ikaw ang dahilan kung bakit masisira ang pamilya natin..Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko maibibigay sa mga anak ko ang buong pamilyang gusto nila.."
"Kaya nga humihingi na ako ng tawad..Kasi gusto kong maging buo ulit tayo.."
"Huli na Troy.Nakapag desisyon na ako...Sasama ako kina Miko at Keila sa ibang bansa para dun nalang mamuhay kasama ang mga anak ko.."
"Pero--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang tumakbo papalapit sakim si Nathan
"Dad!.Mom!Si X-Xandra!" nagpapanic nitong sabi
Agad namang tumakbo si Kyla palabas..Sumunod naman ako kasama si Nathan..
Nadatnan nalang namin si Ethan na hawak hawak si Xandra na nanginginig ang katawan at tumitirik ang mata tyaka naglalaway..
Parang dinudurog ng pino ang puso ko habang nakatingin sa anak kong hindi makagalaw ng maayos.
Umiiyak na si Ethan at Nathan habang nakatingin kay Xandra..
"X-Xandra..B-Baby , nandito na si Mama mo." si Kyla at agad na kinarga si Xandra..
Umiiyak na si Kyla habang hinahagod ang likod ng anak..
Gusto kong lumapit pero hindi ko magalaw ang katawan ko..
Ganyan pa yun?
Ganyan pala ang nangyayari sa anak ko kapag inaatake siya ng sakit niya?
Tumitirik ang mata , nanginginig at naglalaway..
Hindi ko kaya..
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Kasalanan ko bah talaga ang lahat ng toh?
Kailangan ko bang magdusa?
O baka may dahilan kung bakit ganito ang lahat..
BINABASA MO ANG
His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)
Teen FictionTroy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask