Date
Hindi nagtagal ay sinundo na si Jace ng yaya niya , kailangan na daw kasi nilang umalis bago pa dumating ang daddy nito.
Kitang kita ko naman ang lungkot sa mata ng anak ko..
"Wag Kang mag alala , Xandra..Magkikita pa tayo ulit.." ani Jace
Nagulat pa ako ng halikan niya ang noon ng anak ko..
Nakita ko pa kung paano pigilan ni Nathan si Ethan na sugurin si Jace..
"Magkikita pa tayo ulit ah?" si Xandra at malungkot na ngumiti kay Jace
"Promise.." ani Jace at ngumiti
"Wag kang mangako sa kapatid ko.." si Ethan at matalim paring nakatingin kay Jace
"Ethan , Ba't bah ang sungit mo?" si Nathan
"Paki mo?." aniya at kumawala sa hawak ni Nathan
Napailing nalang ako dahil kahit kailan talaga hindi sila nagkakasundo..Siguro dadating din yung oras na kakailanganin nila ang isa't isa.
Nang makaalis na sina Jace ay naglaro na ulit si Nathan at Xandra..Habang si Ethan naman nagbabasa na naman ng libro..
"Sa tingin ko , magiiba lahat kapag lumaki na sila.." si Dale
"Anong ibig mong sabihin?"
"Lahat ng tao , dadaan sa pag ibig...Mai-in love..Masasaktan..Mararanasan lahat ng naranasan natin ng dahil sa pag ibig..Kaso nga lang Hindi pare pareho ang situwasyon , baka nga dahil sa pag ibig mag bago ang ugali niyang si Ethan eh.." aniya at tumawa
Tama siya..
Baka nga dahil sa pag ibig mag iba ang ugali ni Ethan..
Marami pala talagang nagagawa ang pagmamahal sa isang tao noh?.Maraming mag babago sayo dahil lang sa nagmahal ka..
Nang meyo lumulubog na ang araw ay napag pasyahan na naming umuwi , pero akala ko de-diretso kami sa bahay kaso bigla nalang nagsalita si Dale..
"Mauuna na ang mga bata sa pag uwi , may pupuntahan pa tayo.." aniya at ngumiti
"Saan naman?"
Hindi niya ako sinagot kaya hindi na rin ako nagtanong pa ulit..
Nang makarating kami sa isang restaurant ay agad akong pinagtulakan ng mga bata..
"Mama , baba ka na.." si Xandra
"Mommy , mag enjoy ka ah!" si Nathan
"Hihintayin po namin kayo sa bahay , umuwi po kayo pagkatapos ah?" si Ethan
Napakunot naman ang noo ko..
"Ano bah kasing gagawin namin dito?" tanong ko sa kanila
"Secret!" sabay sabay nilang sabi
Nagulat nalang ako ng isara nila ang pinto ng kotse..Naramdaman ko naman ang presensya ni Dale sa gilid ko..
"Let's go?" aniya at naglahad ng kamay sakin
Tiningnan ko naman yun bago tinanggap..
"Ano bah yung gagawin natin dito?" tanong ko ulit ng makapasok kami sa restaurant..
Nang makarating kami sa isang table namay bulaklak sa mesa ay agad akong napangiti..
"Date?" nakangiting tanong ko
BINABASA MO ANG
His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)
Teen FictionTroy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask