Chapter 26

19.8K 528 55
                                    


Bitaw

"Ma'am Kyla!" maligayang salubong ng kasambahay namin..

Dala dala ko ngayon ang anak ko habang yung driver naman ang may dala ng gamit namin..

"Ang cute naman po ng anak niyo!" sabi nila at tiningnang mabuti ang bata

"Syempre , mana sa mama.." sabay ngiti ko

"Ma'am , na miss ka namin..Dalawang linggo ka ring wala dito.."

"Na miss ko rin naman kayo..Sayang nga at wala dito sina Xandra eh.." may halong lungkot kong sabi

"Okay lang yan ma'am!.Balang araw mapapatawad ka rin nila.."

Ngumiti nalang ako sa kanila..

Kahit papaano , may kakampi pa rin ako dito..

Kinahapunan ay napag isipan ko munang mag luto para sa sarili ko..

Medyo pumayat rin kasi ako dahil sa panganganak..

Iniwan ko si Kean sa crib niya bago lumabas..

"Oh ma'am , may kailangan po bah kayo?" si manang Tes

"Ah , magluluto lang po sana ako ng pagkain para sakin..Pumapayat na po ako eh.."

"Nako ma'am!.Ako na po ang magluluto.."

"Ako na po manang , magpahinga na po muna kayo.."

"Ma'am , ako na po..Bantayan niyo nalang po si Kean at baka umiiyak na yun ngayon.." aniya

Wala naman akong nagawa kung di ay sumunod at bumalik nalang sa kwarto..

Pero bago pa ako makarating sa pinto ay napansin kong naka bukas ito..Agad akong dumungaw sa loob at napakunot nalan gang noo ko ng makita ko si Troy..

"Gutom ka na bah baby?" rinig kong sabi niya habang nilalaro si Kean sa crib

Hindi ko mapigilang mapangiti namang ngumiti naman ang bata habang nakatingin kay Troy..

"Anak kaya talaga kita?" nagulat nalang ako sa sinabi ni Troy

Bakit parang ang sakit nun para sakin?

Alam mo yung parang hindi parin siya naniniwalang anak niya si Kean pati na sina Xandra?

Wala naman akong ibang lalaki diba?

Tinanggap ko nga lahat ng pananakit niya para lang patunayan sa kanyang hindi ko siya iiwan..

Kasi mahal ko siya.

"Kung anak nga kita , sana pala makaalala na ako.Para makilala ko na yung mga kapatid mo.." dagdag pa niya

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humakbang na ako at nagsalita..

"Pwede mo naman silang makilala ngayon eh.." sambit ko

Kitang kita kong nagulat siya sa presensya ko..

Agad siyang tumayo at tiningnan ako ng masama..

"Tsk!.Hindi ko pa sila pwedeng makilala..Kasi hindi ko pa napapatunayan na anak ko talaga sila." aniya

Napa iwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Wala naman akong iba , at kung ayaw mo paring manila..Magpa DNA ka.." 

"Talagang gagawin ko yun..Wala akong tiwala sayo." aniya at agad na umalis 

Huminga ako ng malalim..

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon