Chapter 08

21.8K 635 41
                                    


Happy

"K-Kamusta na po ang anak ko doc?" si Kyla

"Okay na po siya , magiging ayos na rin siya pag gising niya.." ani nung doktor bago kami iwan.

Agad namang lumapit si Kyla sa salamin at tiningnan ang anak naming nasa loob at natutulog habang binabantayan ng dalawang kuya niya..

"Bakit kailangang si Xandra pa?.Bakit di nalang ako." umiiyak na sabi ni Kyla

"Kyla , wag kang panghinaan ng loob , magiging okay rin ang lahat."

"Hindi magiging okay ang lahat Troy..Bihira lang ang mga batang nakakaligtas sa dravet syndrome.Kasi kadalasan sa mga batang nagkakaroon nito..Hindi ko kaya,Hindi ko kayang mawala sakin si Xandra...Ang bait bait niya para maranasan lahat ng toh."

Kahit alam kong itutulak niya ako ay agad ko siyang niyakap..

"Wag ka nang umiyak.Hindi siya mawawala satin , pangako ko yan."

"Wag kang mangako , kasi pagod na akong umasang magkakatotoo ang mga pangako mo sakin..Ilang beses ka na bang nangako sakin , Troy?.Maraming beses sa diba , pero ni isa dun walang totoo.Yung pangako mong aalagaan mo kami?Yung pangakong magiging masaya tayo palagi?.Yung pangakong hindi tayo magkakahiwa hiwalay?.Wala yung lahat..Basura lahat ng yun.Walang kwenta." aniya at agad na lumayo sakin

Yumuko naman ako at hindi makatingin sa kanya ng diretso..

"Mom!.Gising na po si Xandra!" biglang sulpot ni Nathan

Agad naman kaming pumasok ni Kyla sa loob at dinaluhan si Xandra..

"Mama , nandito na naman po bah tayo sa ospital?" malungkot na sabi ni Xandra

Malungkot naman na ngumiti si Kyla at hinaplos ang mukha ng anak..

"Wag kang mag alala baby , magiging ayos din angh lahat.."

Ngumiti naman ang bata at tiningnan ako..

"Dada , can I hug you?" aniya at itinaas ang kamay niya para sa isang yakap

Agad naman akong lumapit at niyakap siya..

"First time po kitang ma hug Dada.." masayang aniya

"Ako rin baby ko.." sabay halik ko sa noo niya

"Dada , wag mo kaming iiwan ah?"

Tiningnan ko si Kyla na nag iwas ng tingin..

Binalingan ko ulit ang anak ko at tumango..

"Dito lang ako sa tabi mo baby.."

Ilang minuto lang ang lumipas ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang lalaking buhay pa pala..

"Kyla..Xandra." si Miko at agad na niyakap ang anak ko

"Tito Miko!" masayang sabi ni Xandra

Nang matapos mayakap ni Miko ang anak ko ay si Kyla naman ang niyakap niya..

"Okay ka lang bah?" rinig kong sabi niya

"I'm okay." sagot ni Kyla at ngumiti

"Dad , sino po siya?" singit nina Ethan at Nathan

Agad naman akong lumapit sa kanila..

"Siya ang Tito Miko niyo , kaibigan ng mommy niyo." paliwanag ko

Tumango naman sila at ngumiti kay Miko.

Lumapit si Miko sa kanila at nginitian..

"Kayo siguro ang mga kuya ng princess Xandra ko?" si Miko

Ngumit naman ang mga anak ko.

Ewan ko bah , para akong sinasaksak sa puso habang nakatingin sa mga anak kong masaya..

Siguro kapag wala na ako sa tabi nila , mas madali nalang silang makakalimot sakin kasi ngayon pa nga lang masaya na sila kahit si Miko lang ang kasama nila..

"Dada.."

Napalingon ako sa anak kong nakatingin sakin.

"Yes baby?"

"Magiging buo parin po bah tayo?" mahinang aniya

Napatingin naman ako kay Kyla na nakangiting nakatingin lang kina Miko..

Lumapit ako sa anak ko para bumulong..

"Gagawa g paraan si Dada , baby..Gagawin ko lahat para mahulog ang mama mo sakin..Pero secret lang yun ah?" sabay ngiti ko

Agad naman siyang ngumiti at tumango..

Gagawin ko lahat gaya ng dati Kyla..Kung kakailanganin pa kitang buntisin ulit gaya ng dati para bumalik ka lang sakin.Gagawin ko lahat para balang araw , maging buo tayo ulit..

Magkakaroon ulit tayo ng happy ending gaya ng dati.Magiging masaya parin ang istorya natin.Hinding hindi ko hahayaang mapunta kayo sa iba.Hinding hindi ko hahayaang mawala kayo sa tabi ko , kayo nalang ang buhay ko.

Kaya hindi ko kayo pakakawalan hangga't kaya ko.. 

"Magiging happy family rin tayo ulit , gaya ng dati." sambit ko at hinalikan sa noo ang anak.


His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon