Isip Bata
"Dada!" agad na tumakbo si Xandra kay Troy
Napa irap naman ako ng makita ko si Aya..
At sinama niya talaga?.Ang kapal nga naman ng mukha na tumongtong ulit dito sa pamamahay namin..
Okay lang sana kung doon sa bahay namin ni Troy eh..Pero dito?Sa bahay ng mommy at daddy ko?.Dito pa talaga sila magahaharutan , eh nandito yung mga anak ko..Mga walang hiya. >.<
"Daddy , ba't ngayon ka lang bumisita?" si Nathan at yumakap kay Troy
"Sorry , busy kasi ako.." si Troy
"Busy po saan?" si Ethan
"Saan pa bah , edi sa pakikipagharutan sa gagang higad.." wala sa sarili kong sabi
"Gagang higad?Ano po yun mommy?" inosenteng tanong ni Xandra
Tiningnan ko naman si Troy na matalim na nakatingin sakin..
"Gagang linta?.Naku , baby , wag na wag kang lalapit sa mga ganong klaseng tao , baka matuklaw ka.Ahas pa naman.." sambit ko at hinalikan sa noo ang anak
"Nakakatakot naman po yun..Devil po bah yun?"
"Oo!.Sobrang devil--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko
"Kyla!.Mag usap tayo." galit na sabi ni Troy
Umirap naman ako at sumunod nalang sa kanya sa labas.
Tinaasan ko lang siya ng kilay ng harapin niya ako..
"Ano bang problema mo?.Ba't mo tinuturuan ang mga anak natin ng ganun?" galit niyang sabi
"Wala akong tinuturo sa kanila Troy..Sinasabihan ko lang sila sa mga dapat nilang malaman.Para naman kapag dumating ang panahon na magkaroon din ng mga ahas ang buhay nila...Marunong na silang lumaban."
"Hindi ahas si Aya.."
"Hindi ahas?Eh ano pala..Bayaran?Sex buddy?.Ano , sabihin mo.." galit kong sabi
Nagulat nalang ako ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko..
Halos namula agad ang balat ko dahil sa mahigpit niyang hawak dito.
"N-Nasasaktan a-ako." nanginginig kong sabi
Nakaramdam ako agad ng takot..
Yung mga mata niya..Puno ng galit.Na hindi ko alam kung ano pa ang kaya niyang gawin sakin..
At ito rin yung kauna unahang pangyayari na ganito ako hawakan ni Troy.
Noon , sobrang ingat niya sakin..Noon , hindi niya ako kayang saktan.Kasi ayaw niya akong nakikitang umiiyak..
Pero ngayon..
Naramdaman ko nalang ang luhang tumulo sa mata ko.
Ito na bah siya ngayon?.
Ito na bah ang lalaking minahal ko noon?
Hindi nagtagal ay bumaba ang tingin niya sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko..At nang makita niyang namumula ito ay agad na nanlaki ang mata niya..
Nabitawan niya ako agad dahil sa gulat sa kung ano ang nagawa niya sakin.
"S-Sorry..H-Hindi k-ko sinasadya--" bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay agad na akong umatras..
Nanginginig ang buong katawan ko sa takot..
Ito bah ang totoong siya?
Ito bah talaga ang totoong Troy?.Kayang manakit ng ibang tao?
Akala ko noon lang yun..Noon lang yun na nakita ko kung paano niya patumbahin ang mga kalaban.
Pero ngayon..Ako na mismo ang sinasaktan.
"K-Kyla..I-I'm so s-sorry.." aniya at agad akong niyakap
Hindi naman ako nakagalaw..
"Kyla , h-hindi ko talaga sinasadya.." aniya at agad na hinalikan ang noo ko
Mas lalo lang akong naiyak dahil dun..
Ewan ko bah..
Natatakot ako..Nasasaktan ako.
Sino bah talaga ang totoong Troy?
Ang Troy na minahal ko noon na kahit kailan ay hindi ako sinaktan?
O yung Troy ngayong na wala ng pakialam kung anong magawa niya sakin.
Gaano bah kita kakilala Troy?
Agad akong kumalas sa yakap niya at pinunasan ang luhang nasa pisngi ko..
"P-Pumasok na tayo.." sambit ko habang hindi parin siya tinitingnan.
Pumasok ako ng bahay nang wala sa sarili..
"Mama , okay ka lang po bah?" si Xandra at lumapit sakin
Nginitian ko siya at tumango..
"Okay lang si Mama , baby.."
"Dada!" tumingin siya sa likuran ko.
Tiningnan ko si Aya na nakangising nakatingin lang din sakin..
"Ikukuha ko nalang kayo ng meryenda.." sambit ko at iniwan sila dun
Habang bagkakanda ng juice at cake ay napatingin nalang ako bigla sa asin na katabi lang ng asukal..
Magdusa kayo ngayon..Imbis matamis maalat ang iinumin niyo.
Nilagyan ko ng asin ang juice..As in sobrang daming asin..
At yung cake naman nilagyan ko ng paminta.
Tutal chocolate cake naman yun kaya hindi halata.
Napangiti nalang ako habang inisip ang magiging reaksyon nila..
Nang makita ko sina Aya at Troy na nakaupo sa sofa ay agad kong binigay sa kanila ang meryenda..
Wala kasi ang mga bata , siguro nasa labas at naglalaro..
"Meryenda niyo , enjoy.." sabay ngisi ko at umupo sa pang isahang upuan..
Habang kumakain sila ng cake ay bigla nalang nanlaki ang mata ni Aya.
"Ang a-anghang!" aniya at agad na ininom ang juice
Sumunod din naman si Troy na nakaramdam din siguro ng pagkaanghang ng cake.
Natawa nalang ako ng sabay nilang nailuwa ang mga kinain nila..
Umuubo pa sila at halatang nahihirapang huminga.
"Masarap bah?" natatawa kong sabi
"D-Demonyita ka talaga!." sigaw ni Aya habang mangiyak ngiyak na dahil sa pag ubo
"Buti alam mo..Sige , kayo na bahalang maglinis ng kalat niyo ah?" sambit ko at agad na tumayo
Hindi pa ako tapos sa mga ganti ko sa inyo..
Maghintay lang kayo sa mga susunod pa..
"Isip bata ka talaga.." rinig kong sabi ni Troy
"Isip bata ako , pero mas kriminal pa ako mag isip diyan a kabit ko.." sambit ko bago umakyat sa itaas.
BINABASA MO ANG
His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)
Teen FictionTroy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask