Kasalanan
Nanghihina akong napaupo sa lupa habang gulat na gulat parin..
Bakit ganito?
Bakit kumikirot ang bandang tagiliran ko..
Napatingin nalang ako kay Peter na nanlalaking nakatingin sakin at kay Aya na nabitawan na ang baril dahil sa panginginig..
Napahawak naman ako sa tagiliran ko dahil nanlalabo na rin ang paningin ko..
Napansin kong parang basa ito kaya ng tingnan ko ang kamay ko ay nanlaki nalang ang mata ko ng makita ko ang sarili kong dugo!
O.O
Napatingin ako kay Aya na patuloy parin sa pag iyak..
"S-Sorry..H-Hindi ko...H-Hindi k-ko sinasadya.." aniya at napatakip nalang ng bibig niya
Naramdaman ko na rin ang luhang pumatak sa mata ko..
"K-Kyla.." si Peter at agad akong nilapitan at tiningnan ang tama ng baril sa tagiliran ko..
"K-Kyla , h-hindi ko talaga sinasadya.M-Maniwala ka.." si Aya na nagpapanic na
Napapikit nalang ako dahil feeling ko ilang minuto nalang at babagsak na ako..
"I-Isugod nalang muna natin siya sa ospital Aya!.Tumawag ka ng ambulansya!" sigaw ni Peter sa kanya
Binuhat ako ni Peter dahil hindi ko na rin kaya pang gumalaw dahil sa pamamanhid ng buong katawan ko..
"K-Kyla , wag kang pipikit.." ani Peter
Pero kahit pigilan ko mang wag pumikit..Katawan ko na mismo ang unang susuko..
( Troy's POV )
"Daddy , umuwi na po tayo.." si Nathan
"Oo na po dad , baka hinihintay na tayo ni mommy..Hapon na rin oh.." si Ethan
Ngumiti naman ako sa kanila..
"Sige , uuwi na tayo kasi baka walang kasama ang mommy niyo sa bahay.." sambit ko
"Dada , parang may kakaiba po.." biglang sabi ni Xandra
Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Anong kakaiba?"
"Parang may masama pong nangyari..Kinakabahan po ako." aniya
Napakunot naman ang noo ko..
Anong masamang nangyari?
Magsasalita pa sana ako pero bigla nalang tumunog ang phone ko at nakita kong si Dale ang tumatawag..
"Teka lang , sasagutin ko lang toh ah?" sambit ko at lumayo ng kaunti sa kanila
"Troy.." seryosong tawag ni Dale sa kabilang linya
"Ba't ka napatawag?" cold kong sabi sa kanya
"Si Kyla.." hindi niya matapos tapos ang sasabihin niya
Anong meron?
May nangyari bah kay Kyla?
"Anong meron kay Kyla?" seryosong tanong ko
"Pumunta nalang kayo dito sa ospital..I-tetext ko sayo kung saan." aniya at agad akong binabaan ng tawag
Bakit hindi niya pa sabihin?
Bakit kailangan niya pang magpaligoy ligoy?
Agad akong lumapit sa mga bata..
"Kailangan nating pumunta sa ospital.." sambit ko
BINABASA MO ANG
His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)
Teen FictionTroy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask