Chapter 36

23.4K 543 44
                                    


Katotohanan

Nagising nalang ako ng maramdaman ko ang pag galaw ng katabi ko..

Pagmulat ko ng mata ko ay agad akong nag unat..Tatayo na sana ako pero naalala kong may sugat pala ako..

Naku!.Baka dumugo pa toh kapag naitapak ko!

Napalingon ako sa katabi ko na nakataklob ang buong katawan ng kumot..

Hindi naman malamig ah?.Mahina yung aircon kaya sakto lang..

Nakakunot ang noo nito habang nakapikit at napansin ko ring namumutla siya..

Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinawakan ko ang noo niya at doon ko na talaga nakumpirma na may lagnat siya!

"T-Troy..Dito ka l-lang muna ah?Kukuha lang ako ng gamot at bimpo para bumaba yang lagnat mo." sambit ko at tumayo

Kahit paika ika na akong lumakad wala parin akong pakialam..Nang makarating ako sa hagdan ay halos kumalabog ang puso ko dahil sa kaba..Baka kasi mahulog ako kung sakaling hindi ko mabalanse ang katawan ko! >.<

Huminga ako ng malalim at hahakbang na sana ng makita ko ang isang kasambahay sa baba.Napangiti naman ako ng wala sa oras..

Sa wakas at hindi ko na kailangan pang bumaba!

"Ate!." tawag ko dito

Agad naman itong lumingon sa kinaroroonan ko..

"Bakit po ma'am?" aniya at umakyat papalapit sakin

"Pwede po bang paki kuha ng gamot para sa lagnat tyaka tubig na rin at palanggana ta's bimpo.." sambit ko

"Para saan po ma'am?" tanong niya

"May lagnat kasi si Troy..Kailangan ko siyang alagaan..Tyaka kung sakaling makita mo si manag pakisabing magluto muna siya ng lugaw at paki hatid na rin dito sa kwarto ni Troy.." 

"Sige po ma'am.." aniya at nagmamadaling bumaba

Napahinga naman ako ng malalim at papasok na sana ulit sa kwarto ni Troy ng may magsalita..

"Saan ka natulog?"

O.O

Gulat akong napalingon sa likuran ko at doon ko nakita si Dale na kunot noo.

"Ahm..Kasi..." hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko!

Kinakabahan ako!.Baka magalit siya!

"Magkatabi bah kayo buong gabi ni Troy?" aniya sa seryosong mukha

Pero kahit gaano pa siya ka seryoso , hindi parin maitatagong nasasaktan siya..Kaya hindi ko alam kung sasabihin ko bah ang totoo o kung magsisinungaling pa ako..

"Dale , mali ang iniisip mo okay?.Nagtabi lang kami kasi--"

"So inaamin mo?.Wala ka nang dapat pang ipagpaliwanag Kyla..Wala rin namang tayo kaya wala rin ako karapatan sayo.Nagtanong lang ako , kaya yang sagot mo..Okay na.." aniya at bumaba ng hagdan

Ewan ko bah..

Parang nagi-guilty tuloy ako..

"Ma'am , ito na po yung kailangan niyo.." biglang sulpot ng kasambahay

Tumango naman ako sa kanya at nauna nang pumasok sa loob ng kwarto ni Troy.

Nang mailapag niya sa side table ang lahat ay agad na akong umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang noo ni Troy..

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon