Chapter 11

20.2K 592 91
                                    


Chance

"Pwede bah tayong mag usap?" tanong ko kay Troy

Tiningnan niya naman ako sa mata bago tumango..

Lumabas kami ng bahay at tumungo sa garden..

"Ano bang gusto mong pag usapan natin?" aniya

"Tungkol sa mga bata." diretsong sabi ko

Natahimik naman siya kaya ako nalang ang nagsalita..

"Hindi ko alam kung paano toh sisimulan..P-Pero gusto kong ilayo sa kapahamakan ang mga anak ko , Troy.At ikaw ang dahilan nun , ikaw ang dahilan kung bakit sila mapapahamak..Kung gusto mo silang makasama , itigal mo na ang gulong pinasukan mo.Makipag ayos ka sa mga kalaban mo..Kahit para sa amin lang..I mean para sa mga anak natin."

"Bakit para sa mga anak lang natin?.Bakit , hindi na bah maaayos ang sating dalawa?"

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya..

Ba't bah yan ang tanong niya?

"H-Hindi ko alam.S-Siguro.Siguro hindi na...Siguro , sa mga anak nalang talaga natin." nauutal kong sabi

"Hindi mo na bah talaga ako mahal?.Ano bang nagawa kong masama at nawala nalang ang pagmamahal mo sakin...Dahil lang bah sa nagsinungaling ako sayo?Dahil lang bah sa nangyari sa inyo ng mga anak ko?.O may iba pa?." kitang kita ko ang sakit sa mata niya

At dahil dun para akong sinasaksak ng paulit ulit sa puso ko..

Na parang gusto ko ng sumuko.

"Tinatanong mo kung may iba pa?.Oo , may iba pang dahilan.Alam mo bah kung ano yun?.Yung yung pinagsisisihan kong naging asawa kita..Na minahal kita ng sobra..Na ikaw ang naging ama ng mga anak ko.Hinihiling ko na nga lang sana na , sana si Miko nalang.Sana siya nalang talaga ang minahal ko nang ganito.Alam mo yung kapag kasama ko siya safe ako.Pero kapag kasama kita kinakabahan ako..Mahal kita , pero takot akong mapahamak pa ang mga anak ko..Mahal kita , pero hindi ko alam kung hanggang saan ang pagmamahal na yun kung ang mga anak ko na mismo ang magdudusa.."

Tumulo na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan..

Ang sakit..

Sobrang sakit.

Kasi kabaliktaran ng mga sinabi ko ang sinasabi at nararamdaman ng puso ko..

Kabaliktaran ng mga lumalabas sa bibig ko at tinitibok ng puso ko.

Kasi talagang mahal ko siya kahit alam kong hindi ligtas.

Mahal ko siya , kahit alam kong mas iikli ang buhay ko kasama siya.

"Wala na nga sigurong chance..Wala na nga sigurong chance na mahalin mo ako ng walang pag aalinlangan.." aniya at nag iwas ng tingin.

"I can love you, but not the way you want me to. I can love you, but not like my love for you then."

"Then , it's final..I have to let you go , just what you want me to do..I will just visit here for my children , and nothing more.Even if I want you to miss me.I think that wouldn't happen."

"Dada!Mama!" nang marinig ko ang tawag ni Xandra ay agad kong pinunasan ang luha ko.

"Baby , bakit..May problema bah?" tanong ko dito at ngumiti

"Did you cry , mama?" aniya at hinawakan ang pisngi ko

"Nope..Hindi umiyak si mama..Napuwing lang." sambit ko at nilingon si Troy na nakatingin lang din sa bata

"Okay..Let's eat na po."

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Lumipas ang tatlong araw at hindi nagpakita si Troy..

Ewan ko bah pero parang masama ang pakiramdam ko at nagi-guilty na rin sa mga sinabi ko sa kanya..

"Mama , nasan na bah si dada?" umiiyak na sabi ni Xandra

Kahapon pa siya iyak ng iyak kasi miss niya na daw ang dada niya..Pati nga sina Ethan at Nathan ay naaapektuhan na..

"Baby , wag ka nang umiyak..Tatawagan ko nalang ang dada mo.."

"Mama!.Gusto ko siyang makita!Talk to him po!" aniya at agad na tumakbo papasok ng kwarto niya

Napahilamos naman ako sa kamay ko dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..

Nasan ka na bah kasi Troy?

Ano bah ang nangyayari sayo at hindi ka pumupunta dito?

Miss ka na ng mga anak mo..

At.

Miss na rin kita.



His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon