Chapter 23

19.1K 513 66
                                    


Dati

Dumaan ang ilang araw ay nakalabas na si Troy sa ospital..

Ang saya saya ko na nga sana kaso biglang dumating si Aya at sinamahan kaming umuwi sa bahay namin..

Wala namang ibang tao dun kundi ang mga kasambahay lang namin..

Kahit labag sa loob ko na dun tumira si Aya , hindi ko naman magawang tumutol..

"Kyla , sa guestroom ka matulog , dito ako sa tabi ni Troy.." si Aya

"Pero--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang dumating si Troy

"Gusto kong katabi si Aya.." malamig niyang sabi

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang..

Ewan ko bah..Hindi ko kayang lumaban.Wala na akong lakas ng loob..

Habang kasama namin si Aya sa bahay , hindi ko magawang kausapin si Troy..

Hindi ko magawang sabihin sa kanya na miss na siya ng mga bata..

Kaya nang tumawag sina Xandra ay wala na akong ibang choice kundi ang sabihin nalang sa kanila ang totoo..

"Mama , ano po bah talagang nangyari kay dada?" nag aalalang sabi ni Xandra..

"B-Baby..Ethan , Nathan..Makinig kayong mabuti , okay?..Y-Yung daddy niyo , naaksidente siya..N-Nung araw na sinabi ko sa inyong umalis siya sa trabaho , yun yung araw na sinabi ng doktor saking comatose ang dada niyo..S-Sorry kung hindi ko sinabi sa inyo..Ayaw ko lang naman masaktan kayo kaya ko nagawa yun.P-Pero nagising na rin naman yung dada niyo.K-Kaso nga lang.." hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang napalakas ang hikbi ko

Ang sakit.

Ang bigat..

Na parang nawawalan ka na ng hininga..

Na para bang mas gugustuhin mo nalang wag huminga para lang hindi maramdaman ang kirot.

Yung parang napapagod kanang mabuhay sa mundo pero mas kailangan ka ng ibang tao..

 "Ano , mommy.." rinig kong sabi ni Ethan

"H-Hindi..H-Hindi niya tayo maalala..Kasi may amnesia siya.." nanginginig kong sabi

Napatakip nalang ako sa bibig ko kasi ayaw kong mag alala pa yung mga anak ko..

Nagulat nalang ako ng biglang naputol ang linya..

Sinubukan kong tawagan pa ito ulit pero wala ng sumasagot..

Mas lalo lang akong naiyak dahil alam kong nahihirapan na rin sila..

At alam kong galit sila sakin.Alam kong  masama ang tingin ng mga anak ko sakin..

At yun ang masakit.

Na halos silang lahat na ang galit sayo..

Ganun bah ako kasama?.Na kailangan kong maranasan , maramdaman , ang lahat ng toh?

Ganito bah ako kawalang kwentang tao para lahat nalang ng gawin ko masama sa paningin nila?

Hanggang kailan?.Hanggang kailan ka iiyak Kyla?

Hanggang Kyla , kasi pagod na ako!

Pagod na pagod na ako!

"Ma'am Kyla.." kumakatok sa pinto ang kasambahay namin

Hindi ako sumagot dahil alam kong manginginig lang din ang boses ko.

"Ma'am Kyla , okay lang po bah kayo?" ramdam ko ang pag aalala sa boses nito.

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon