Amnesia
"T-Troy..Gumising ka na.Nag hihintay na yung mga bata sa bahay.." umiiyak kong sabi habang hinahaplos ang buhok ni Troy.
Dalawang buwan ng comatose si Troy..Dalawang buwan na nung tinawagan ako ng nurse at sinabing naaksidente ang asawa ko.
Parang gumuho ang mundo ko noon..Hindi ko alam kung anong gagawin ko.Kung paano ko ipapaliwanag ang nangyari sa daddy nila.
Kaya nga hanggang ngayon inaakala nilang nasa ibang bansa lang ito at nag tatrabaho..Ayaw ko namang mag alala pa yung mga bata.
Nang tumunog ang phone ko ay agad kong pinunasan ang luha ko at sinagot ang tawag nito..
"Mama!.Nasan ka na po?" masayang sabi ni Xandra
Ngumiti ako at sinagot ang anak..
"May ginagawa lang si mama , baby.."
"Tumawag na po bah si dada?"
Napa hinga nalang ako ng malalim kasi bumibigat na naman ang pakiramdam ko..
Hanggang kailan ka bah kasi matutulog Dhie?.Pagod na akong magsinungaling pa sa mga bata..
"A-Ahm..O-Oo baby , k-kinumusta nga niya kayo eh.." pagsisinungaling ko
"Talaga mama?.Paki sabi po kapag tumawag siya ulit , miss na namin siya..Pati ka na rin mama , miss ka na namin.Lagi nalang kaming nandito kina lola at lolo , hindi ka na namin nakakasama kasi lagi ka lang sa bahay at nag tatrabaho katulad ni dada.Pero okay lang yun , basta pagbalik ni dada magkakasama ulit tayo.." aniya
Sana nga baby..Sana nga gumising na si Troy para maging masaya na ulit tayo..
Nang matapos ang tawag ni Xandra ay agad akong bumalik sa tabi ni Troy.
"Kung hindi ka siguro naaksidente Dhie , hindi ako magsisinungaling sa mga bata.Kung hindi ka sana naaksidente , buo pa tayong pamilya..Mag aapat na buwan na yung tiyan ko pero wala parin..Tulog ka parin.Aabot pa bah ng limang buwan yang comatose mo?.Gumising ka na Dhie..Please."
Sa mga nangyayari ngayon , talagang sa buhay ng isang tao.Hindi ka pwedeng maging masaya nalang palagi..Kailangan mo rin makaramdam ng sakit , lungkot at hirap , bago ka maging masaya.
Hindi fairytale ang buhay ng isang tao para maging happy ending lagi sa huli.
May katapusan lahat..May hangganan.At hindi permanente ang lahat ng meron ka sa ngayon.
Dumaan ang ilan pang buwan , linggo , araw , oras , minuto..
At sigundo..
Isang buwan nalang at manganganak na ako.Pero ang mahal ko , ang ama ng mga anak ko..
Nandiyan parin at nakahiga sa kama..Natutulog.
At hindi ko alam kung hanggang kailan siya ganyan...
"Dhie , kung gising ka lang siguro..Mararamdaman mo yung sipa ni baby.Mukhang excited na yung anak nating makita ang dada niya.." sabay halik ko sa pisngi ni Troy..
Habang inaayos ko ang mga prutas na nasa mesa ay bigla nalang bumukas ang pinto..
Napakunot nalang ang noo ko ng makita ko si Aya na nag aalalang lumapit kay Troy..
"Troy..Sorry , sorry kung ngayon lang ako naka dalaw sayo.." aniya habang umiiyak
Agad na kumulo ang dugo ko..
Ano na naman bang ginagawa niya dito?
"Bakit ka nandito.." malamig kong sabi
Nilingon niya ako at matalim na tiningnan.
BINABASA MO ANG
His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)
Teen FictionTroy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask