Taguan
( Kyla's POV )
After 3 years , ito yung makikita ko..
Masaya si Xandra kasama sina Troy at mga kapatid niya..
Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka saya..Yung walang kahit anong katanungan na bumabagabag sa kanya..
Noon kasi panay ang tanong niya kung sino ang Dada niya.Kug nasan na ang mga kapatid niya.
Gusto ko pa ngang mag sinungaling kaso nga lang may heart failure siya at ayaw kong dahil lang sa pagsisinungaling ko..
"Mama!.Sali ka samin!" si Xandra at hinila ako
Aayaw pa sana ako ng magsimula na siyang magtago..
"Isa!"
Napalingon naman ako kay Troy na siyang taya sa taguan..
Wala naman akong nagawa kundi ang magtago narin sa likod ng puno ng mangga sa bakuran namin
Nandito kasi kami kina Mommy at Daddy , bumusita lang talaga si Troy kina Xandra..
Nang makalabas kasi kami ng ospital ay dito ko na agad sila dinala dahil dito rin naman muna kami mag s-stay para kapag maayos na ang lahat sa divorce namin ni Troy ay aalis na kami patungong ibang bansa kasama sina Miko at Keila pati na rin si Gino.
"Dalawa!.Tatlo!"
Napangiti nalang ako ng makitang tuwang tuwa sina Ethan at Nathan sa laro.
Na-miss ko sila..Yung mga pagtatalo nila minsan kasi nga ayaw makipag laro ni
Ethan kay Nathan.Nagulat nalang ako ng biglang may yumakap sakin sa likod..
"Huli ka!" si Troy at tumawa habang nakayakap sakin..
Dug Dug..Dug Dug..
OMG! O.O
Agad naman akogn umatras at kumalas sa yakap niya.
"A-Ah...H-Hindi pa ako ready!.A-Ang d-daya mo!" nauutal kong sabi at nag iwas ng tingin
Tumitig naman siya sakin at ngumiti..
"Mama!.Taya ka na!" si Xandra at tumawa
"Teka , hindi pa ako ready nun." pagdadahilan ko
"Kahit hindi ka ready , nahuli ka parin.Kaya taya ka na!" si Troy at binuhat si Xandra.
"Sige na mom!.Tumalikod ka na at mag bilang para makapagtago na kami!" si Nathan
Wala naman akong nagawa kundi ang tumalikod na nga lang at ma bilang habang nagtatago sila.
"Tagu-taguan , maliwanag ang buwan.Pag bilang kong tatlo , nakatago na kayo!.Isa , dalawa , tatlo!"
Pagkaharap ko ay nagulat nalang ako ng makita ko si Xandra , Ethan at Nathan na nakapila at may dalang tig-iisang rosas..
"I." si Xandra tyaka binigay sakin ang unang rosas
"Love." si Ethan naman
"You." si Nathan
Nang matanggap ko na ang lahat ng rosas ay kay Troy naman ako napatingin na may dalang isang bouquet of flowers tyaka ibinigay sakin.
"I love you , Mhie.." aniya at ngumiti
Hindi ko alam kung ngingiti bah ako pabalik..
Ba't siya ganito?
Ba't niya ginagawa lahat ng toh?
Bakit kailangan niyang gawin ang lahat ng toh kung alam niya namang wala paring magbabago sa desisyon ko?
"Ano na naman toh Troy.." mahina kong sabi
"Wala..Bakit , bawal bang mag bigay ng rosas sa mahal ko?"
Nag iwas ako ng tingin..
"Pwede bah Troy , anak lang natin nag pinunta mo dito , wag mong gamitin ang mga anak natin para lukohin ulit ako.."
"Hindi kita niloloko , Kyla.Seryoso ako."
"Ayan na naman yang seryoso mo..Kung seryoso ka bakit ka nagsinungaling sakin noon?.Bakit kailangan mong magtago ng sekreto kung seryoso ka naman pala?"
"Kyla , iba yung noon , iba rin yung ngayon..Lagi nalang bah ganito?Magtatalo tayo dahil sa mga nangyari noon."
"Kaya nga , iba ngayon at iba noon..Kasi noon , tanga pa ako sayo..Kahit niloko mo na ako , minahal parin kita.Pero ngayon?.Kahit mag effort ka pa ng sobra , hindi na ako babalik sayo.."
Binitawan ko ang mga bulaklak na binigay niya at agad na tiningnan ang mga bata na malungkot na nakatingin samin..
"Pumasok na kayo sa loob.." utos ko
"Pero Mama--" hindi ko na pinatapos si Xandra
"Please baby , pumasok sa kayo.."
Sumunod naman sila kaya agad kong tiningnan ulit si Troy..
"Umalis ka na rin..Sa susunod ka nalang dumalaw sa kanila , at siguraduhin mo na ring para sa mga bata lan gang pag dalaw mo ah?.Kasi kapag nag dala ka pa ng bulaklak , hindi na talaga ako papayag na tumungtong ka pa dito." sambit ko at agad ng pumasok sa loob
Arggh!.Kainis naman oh!
Sayang yung bulaklak..
Ang ganda pa naman.
Pero syempre ayaw ko namang sabihin niyang okay lang sakin ang mga pinag gagagawa niya noh.
Ayaw kong makatanggap ulit ng bulaklak sa kanya , ako nalang ang bibili para sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)
Teen FictionTroy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask