Chapter 30

21.2K 563 65
                                    


Kulang

Matapos ayusin ang mga gamit ay nakatulog na si Kean sa crib niya..Tinawag ko naman ang isang kasambahay para bantayan muna siya at lalabas na muna kami ni Dale para kamustahin sina Xandra.

Habang pababa kami ng hagdan ay bigla nalang nagsalita si Dale..

"Hindi ako makapaniwalang nabuntis ni Troy si Aya.." aniya

Napatigil naman ako sa paglalakad at agad siyang nilingon..

"Kung nabuntis man siya ng walang kwenta mong kaibigan , problema na nila yun.."

"Pero okay lang bah sayo?"

Natahimik ako dahil sa tanong niya..

"May anak sa labas ang asawa mo , tapos may mga anak pa kayo..Pano mo ipapaliwanag sa kanila ang sitwasyon niyo ngayon?"

"Maghihiwalay rin kami ni Troy..Kaya kung may anak man sila ni Aya , malaya silang magpakasal..Tyaka ipapaliwanag ko sa mga anak ko kapag kaya na nilang maintindihan ang kung ano mang sitwasyon ang meron kami ngayon.."

"Pero hindi yun madali Kyla..Pano si Kean?.Maghahanap siya ng papa paglaki niya..At kapag naghiwalay kayo ni Troy , anong ihaharap mo sa kanya?"

"Hindi ko alam Dale..Hindi ko muna po-problemahin yan sa ngayon.."

Magsasalita pa sana siya ng may marinig kaming kumalabog..

Nagmamadali akong bumaba at dun ko nadatnan sina Xandra , Ethan at Nathan na nagyayakapan habang nakatingin kay Aya..

"Ano na naman bah toh?!.Nagkakalat na naman kayo dito sa sala!Iligpit niyo nga yang mga laruan niyo!" sigaw ni Aya sa mga bata

Agad naman akong humarang sa mga bata at tiningnan ng masama si Aya..

"Hoy impakta!.Wag mong sisigawan ang mga anak ko!" sigaw ko sa kanya

"Tsk!.Alam mo , nagmana sayo ang mga anak mo..Ang titigas ng ulo , kala mo kung sino.Pano kung natapakan ko yung mga laruan nila na naka kalat dito..Pano kung nadulas ako?Ipapaalala ko lang sayo Kyla , magdinadala ako..At sa oras na makunan ako , ikaw ang sisisihin ko.." pagbabanta niya

"Kasalanan ko bah kung bulag bulagan ka?.Kung may naka kalat dito , edi ipalinis mo , wag yung sinisigawan mo yung mga bata!.Magiging ina ka na pero wala ka paring respeto..Sana lang wag lumaking katulad mo ang anak mo.." 

"Alam mo , simula nung dumating kayo sa buhay namin ni Troy , naging magulo lahat.."

"Correction , simula nung dumating ka sa buhay namin ni Troy , naging magulo lahat..Ikaw yung salot , hindi kami..Wag mong ipapasa sa iba ang kasalanan mo."

"Maghihiwalay rin naman kayo , magiging masaya rin kami kapag wala na kayo dito.."

"Wala akong paki kung maging masaya kayo kapag wala na kami..Karma is real , babalik rin sayo lahat ng ginawa mo.." sambit ko at tatalikuran na sana siya ng bigla niyang hinila ang buhok ko

Agad naman siyang inawat ni Dale at inilayo sakin..

"Ano bah Aya!" si Dale 

"Pasalamat ka buntis ka , kung hindi talaga..Pinatulan na kita." galit kong sabi

Agad kong hinila palayo doon ang mga anak ko at dinala sila sa garden..

Hawak hawak ni Dale si Xandra ako naman ay ang kambal.

Umupo ako sa bench at kinausap ang mga anak..

"Okay lang bah kayo?" nag aalalang sambit ko

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon