A/N:Hi guys!.I just want to say thank you po sa mga lahat ng nag basa ng istorya ko..Sa lahat ng nag recommend ng istorya ko sa mga kaibigan nila.At sa lahat ng mga good comments niyo na napapasaya ako..It's sad to say po na ito na yung huling book ng istorya nina Troy at Kyla..But hindi dito nagtatapos ang istorya ng pamilya nila..Kung may kutob na kayo , baka yun talaga..Kasi hindi nagtatapos sa magulang lang..May anak pa sila diba?.Sana rin po basahin niyo yung istorya ni Aya , kahit kontrabida siya , may dahilan parin naman kung bakit ko siya ginawa..Salamat po talaga ng marami sa inyo at asahan niyo ang special chapters na gagawin ko..
---------
End
Minulat ko ang mata ko sabay ngiti..
Ito na yun.
Ang araw na hinihintay ko..
Ang araw na magsisimula ulit ako..
Ang araw na ipinangako kong kakalimutan ko na siya..
Tatlong buwan na mula nung huli ko siyang makita..Maraming tanong ang mga anak ko kung nasan na siya..Pero kahit hindi ko alam , sinasagot at pinapaliwanag ko naman sa kanila..
Kaya sa araw na toh , magsisimula na ulit ako..Hindi ko na siya kailangan pa , para maging masaya ako..
Bumangon na ako sa pagkakahiga tyaka sinilip sa crib si Kean..Mahimbing parin ito'ng natutulog..
"Kyla.."
Napalingon nalang ako bandang pinto at dun ko nakita si Dale na may dalang malaking box..
"Dale , ano yan?" tanong ko at lumapit sa kanya
"Ahm..Mag ayos ka na bilis.." aniya at inilapag ang box sa kama
"Para saan?"
"Pupunta tayo sa kasal.." aniya na parang nagmamadali
"Kasal?Kaninong kasal?" tanong ko
"Kay Kim.." diretsong sabi nito
"Huh?.Ikakasal na siya?!Agad agad?" di makapaniwalang sabi ko
"Oo , ayaw na daw kasi siyang pakawalan ni Art kaya magpapakasal na sila ngayon din..Kaya mag bihis ka na at suotin mo na toh.." aniya sabay tingin sa box
Agad naman akong lumapit dun at binuksan yun..Nanlaki nalang ang mata ko ng makita ko ang isang white gown na sobrang ganda..Para naman akong ikakasal nito eh!
"Dale , saan mo bah toh nakuha?.Bakit parang ako ang ikakasal?" natatawnag sabi ko
"Eh wala na akong ibang mapili eh..Tyaka nagmamadali na din ako kaya yan nalang ang binili ko.." aniya at nagkamot ng ulo
"B-Binili mo lang toh?.Sigurado ka?!.Ang mahal nito at mukhang sikat rin ang nag design!.Ang ganda niya masyado Dale!.Parang ako talaga yung bride kapag dumating tayo sa simbahan!" sambit ko
"Bahala na..Mas maganda pa rin naman yung gown ni Kim kesa diyan kaya mag ayos ka na..Ibibilin ko nalang sa mga kasambahay ang mga bata para makaalis na tayo agad..Malapit nang magsimula ang kasal!" aniya na nagpapanic na talaga
"Fine!.Ito na nga , mag aayos na.." sambit ko at agad na pumasok sa banyo para maligo
Mahigit isang oras din ang pag aayos ko..Yung buhok ko tinali ko nalang at pinaikot-ikot sa ibabaw ng ulo ko para malinis tingnan..
Hindi naman masyadong mabukadkad ang damit ko kaya siguro okay na rin toh para dun..
Nakangiti akong lumabas ng kwarto at dun ko nakita si Dale na nakatulala lang sa harap ko..
BINABASA MO ANG
His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)
Teen FictionTroy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask