Chapter 17

19.7K 571 36
                                    


Mahal kita

Pumasok ako ng kwarto ng malaman kong aalis na sila..Alam ko kasing pupunta siya dito para kunin ang gamit niya..

At tama nga ako..Pumasok siya habang may ngiti sa labi..

Masaya siya?.Habang malungkot ang anak ko?.

"Aalis na ako.." aniya at bubuksan na sana ang pinto ng bigla akong magsalita.

"Masaya ka?" may halong pagkakainis kong sabi

Lumingon siya sakin na kunot noo..

"Ang ibig mong sabihin?"

"Masaya ka habang malungkot ang anak ko..Masaya ka sa babae mo habang maraming tanong si Xandra!" sigaw ko

"Ano bang pinagsasasabi mo?.Alam mo ang gulo mo." aniya at bubuksan na naman sana ang pinto pero agad ko siyang pinigilan at pinaharap sakin

"Alam mo bang nakamasid sa inyo si Xandra kanina?.Habang naglalampungan kayo ng kabit mo , nakatingin siya..Ang dami niyang tanong na hindi ko alam kung ano ang isasagot ko...Sana naman marealize mo na nahihirapan na ako sa situasyon na toh..Tulungan mo naman akong ipa intindi sa mga anak natin ang nangyayari..Hindi yung ikaw ang nagpapakasaya habang ako yung tinatanong nila kung mabubuo pa bah yung pamilya natin.." umiiyak kong sabi

Natahimik naman siya sa harap ko..

Pinunasan ko ang luha ko at tumingin ng diretso sa kanya..

"Kapag natanggap mo na ang divorce paper , pirmahan mo agad..At pumunta ka dito para ipaliwanag sa mga bata ang lahat." sambit ko at tumalikod

"Akala mo rin bah madali?"

Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatalikod..

"Akala mo bah madaling pigilan ang sarili kong mahalin ka?.Kaya ko sinama si Aya dito kahapon para hindi lang sayo ang atensyon ko..Gusto kong ibalin sa iba kasi alam kong kapag ikaw lang yung babaeng nasa tabi ko , lagi kong nakikita..Hindi ko na mapipigilan ang sarili kong wag kang pakawalan kahit pa masaktan ka..Alam mo bah kung bakit ilang araw akong hindi naka dalaw dito?.Kasi gaya ng sinabi mo , inayos ko ang lahat..Nakipag ayos ako sa mga kaaway ko kahit labag sa loob ko.Kaya sabihin mo Kyla..Sabihin mo kung ano ang mas mahirap..Ang patigilan ang pag tibok ng puso ko sayo..O ang sagutin ang lahat ng tanong ng mga anak natin na kaya naman nating sagutin ng sabay.."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko..

Nabigla nalang ako ng bigla niya akong iharap sa kanya.

Iniwas ko pa ang mukha ko sa kanya para hindi niya makita ang mga luhang pumapatak..

Pupunasan ko na sana ang luhang nasa pisngi ko pero agad niyang pinigilan ang kamay ko..Hindi ako makagalaw dahil pinako niya na ako sa pader..

Iniwas ko nalang tingin ko sa kanya kasi hindi ko siya kayang tinginan..

"Look at me..Look at me then tell me if you really don't love me.Look at me , Kyla!" sigaw niya

Tiningnan ko siya sa mata..

At kitang kita ko ang sakit dun..Ang paghihirap.Bakit siya ganyan?Bakit niya ako pinapahirapan..

"H-Hindi na k-kita ma--..Hindi ko kaya.." sambit ko at agad na tinulak siya

"Bakit hindi mo kaya?."

Ipinikit ko ang mata ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya..

"H-Hindi ko alam.." tanging nasabi ko

"Hindi mo alam?.Alamin mo Kyla bago mo ako itaboy!" aniya

"Bakit bah ayaw mo akong iwan nalang..Pwede ka namang sumuko diba?.Pwede kang mag mahal ng iba.Pwede kang umalis at iwan ako.Makakalimutan mo rin ako Troy.."

Napahilamos si Troy sa kamay niya at frustrated akong tiningnan..

"Ayaw kong sukuan ka.Kasi ayaw kong mawala ka..Ganun kita kamahal , Kyla.Sana naman maintindihan mo rin na hindi ko kayang mawala kayo sa buhay ko...Mahal kita kahit itaboy mo pa ako ng paulit ulit.Kahit mamatay pa ako , mamahalin parin kita..Sana ganun mo rin ako ka mahal Kyla..Yung kapag wala ako hindi mo kaya..Yung kapag hindi mo ako nakikita malulungkot ka."

Ganun ako Troy..

Ganun ako lagi kapag wala ka.

Hindi ko man pinaparamdam , mahal na mahal kita.

Gusto ko lang sumuko ka para pareho na tayong maging malaya kahit masasaktan natin yung isa't isa.

Kasi yun lang ang tanging paraan na alam ko para maging masaya ka.

Kasi nga , mahal kita.

-----

Sorry sa late update guys!.Exam kasi kaya hindi ako nakapag update , pero mag uud naman ako bukas o di kaya mamaya..

Na pressure kasi ako dahil na rin sa math subject namin..Hindi na lesson eh.

Sorry napapa kwento ako minsan..PEACE ^.^

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon