Clue
Dumaan ang dalawang linggo at bumalik ulit dito si Aya..Hindi na rin ako pinapansin ni Troy simula nung nangyari ang gabing yun..
Ewan ko bah , parang nahihirapan ako lalo sa situwasyon naming dalawa..Nahihirapan akong kapag lumalayo siya sakin..
Nahihirapan ako pero yun naman ang gusto ko..Ang tanga ko rin noh?
Habang nagdidilig ako ng pananim ay hindi ko maiwasang isipin na sana halaman na lang ako...Na si Troy mismo ang araw at tubig na magbibigay lakas sakin.Na magiging dahilan para mabuhay ako..
Yung hindi ako masasaktan kasi hindi lang ako ang halaman na dinidiligan niya..May iba pa.Na wala akong magagawa kundi ang intindihin siya..
Pero sa puntong toh , hindi ko siya maintindihan..Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko kailangan i-deny ang nararamdaman ko..
Siguro iniisip niyong baliw ako , kasi nagseselos ako kapag may kasama siyang babae...Pero ayaw ko namang lumapit siya sakin..Minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan kong maging ganito..
Napatigil nalang ako sa pag iisip ng may narinig akong kung ano sa bandang gate..
Agad akong tumigil sa pagdidilig at binuksan ang gate at doon ko nakita si Peter..
"Peter?.Anong ginagawa mo dito?Tyaka , naka uwi ka na pala?" sunod sunod kong tanong at agad siyang niyakap
"A-Ah..O-Oo naka uwi na ako.." aniya at nag iwas ng tingin
"Nandito ka bah para bisitahin si Troy?" tanong ko sa kanya
"H-Hindi..N-Napadaan l-lang naman ako dito.." aniya at umatras na..
Tumango naman ako at tiningnan siyang mabuti..
"Nandyan bah si A-Aya?" aniya
Napakunot naman ang noo ko..
Ba't niya hinahanap ang malanding yun?
"Oo , nasa loob siya.Bakit?"
"W-Wala.." aniya at tipid na ngumiti
"Tsk!.Alam mo bah ang dami nang kasalanan ng bruhang Aya na yun sakin." sambit ko at tinitigan siyang mabuti
Kitang kita ko sa mata niya ang pagtataka..
Sana naman hindi tama ang hinala ko sa puntong toh..
"Anong kasalanan?" aniya
"Nagpabuntis siya kay Troy habang wala itong maalala..Tyaka sinisira niya rin yung pamilya namin kaya kailangan na naming maghiwalay ni Troy." sambit ko
Halata sa mukha niya ang gulat at sakit..Para bang nagugulat siya kasi nalaman niyang buntis si Aya..At nasasaktan siya sa dahilang hindi ko alam..
"B-Buntis siya?"
Mas lalo akong nagtaka nang makita ko sa mata niya ang saya..
"O-Oo.." sagot ko
"Ilang buwan na?"
Ba't parang mas lalo akong nagkakaroon ng clue sa situwasyong ito..
Hindi kaya..
Wag..Wag Kyla.Wag kang magpadalos dalos ng iniisip..Kailangan mo ng ebidensya bago ka manghusga..
"Mag aapat na buwan na..Bakit?" tanong ko sa kanya
Nag iwas naman siya ng tingin at umiling..
"W-Wala..S-Sige , ikumusta mo nalang ako sa mga anak mo at kay Troy na rin..Sana maayos ang pamilya niyo.." aniya at nagmamadaling pumasok sa kotse niya at pinaharurot ito
Kinagabihan ay maagang nakatulog ang mga bata pati na rin si Dale..Ewan ko bah at hindi ako makatulog..
Kaya imbis magtiis para hintaying makatulog , lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina..
Nagulat nalang ako ng makita ko si Troy na umiinom ng alak doon..
"Naglalasing ka na naman?" tanong ko sa kanya at binawi ang iniinom niya
"Akin na nga yan..Wag mo akong pakialaman.." aniya at kinuha ang bote ng alak sakin
"Alam mo , tama lang talaga sigurong maghiwalay na tayo..Kasi walang matututunan ang mga anak mo sayo kundi yang paglalasing mo.." sambit ko
Padabog niyang nilagay sa mesa ang alak at masama akong tiningnan..
"Kaya lang naman ako naglalasing kasi dahil sayo eh..Naglalasing ako kasi ayaw kong alalahanin ang nangyayari ngayon.Gusto kong balikan kung gaano tayo kasaya noon..Kaya wag mo akong huhusgahan agad dahil lang sa pag inom ko..Kasi dahil rin sayo toh.." aniya at aalis na sana pero agad kong hinawakan ang kamay niya
"Akala mo bah ikaw lang ang nahihirapan?" galit kong sabi sa kanya at agad siyang binitawan
Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha niya
"Ako rin Troy..Nahihirapan rin ako.Alam mo kung bakit?Kasi hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapanggap na okay lang ako kahit yung totoo , ang sakit na.Okay na sana ang gabi yun sakin eh.Kasi nakalimutan ko yung problema ko dahil kay Dale..Pero dahil sa ginawa mo?.Mas lalo akong naguluhan..Nahirapan..Kasi hindi ko alam kung ano na bah talaga..Hindi ko na alam kung kaya ko pa bah..Hindi lang ikaw Troy..Hindi lang ikaw ang nasasaktan..Alalahanin mo , ako yung naiipit dito.." sambit ko at naramdaman na ang luhang pumatak sa pisngi ko
Kitang kita ko ang panlalambot niya at lumapit sakin bago punasan ang mga luha ko..
"Sorry Kyla..Sorry kung hindi ko naiisip na nasasaktan ka rin..Sorry kung masyado kong inisip ang sarili ko , ang gusto ko..At hindi ko na alam na nasasaktan na kita.Sorry kung hindi ko na kayang alamin kung kailan ka okay at kailan ka nahihirapan.." aniya at niyakap ako
Hindi naman ako nakagalaw at hinayaan lang siyang yakapin ako..
"Kung para sa iba , si Dale ang para sayo..Para sakin , akin ka..Akin ka lang..At walang ibang mag mamay ari sayo , kundi ako.."
BINABASA MO ANG
His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)
Teen FictionTroy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask