Say it
"Mama , hindi na naman dumadalaw si dada..May nangyari na naman po bah?" si Xandra
"Mom , nag away na naman bah kayo si Daddy?" seryoong sabi ni Ethan
"Mom , hanggang kailan bah tayo magiging ganito?.Gusto na naming makasama si daddy ulit sa iisang bahay." si Nathan
Napa iwas ako ng tingin sa mga anak ko.
Apat na araw ng hindi pumupunta si Troy dito..At hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Kausapin mo ulit si dada , mama." si Xandra
"B-Bukas nalang baby , masama ang panahon ngayon..Umaambon." pagpapalusot ko
Pwede ko namang kausapin si Troy ngayon..Pero gusto ko munang mag isip isip..
"Mama!.Gusto ko ng makita si dada!" aniya at nagsimula ng umiyak
Nag panic naman ako dahil baka atakihin na naman siya ng seizure niya o di kaya mahirapan na naman siyang huminga..
"Baby , wag ka nang umiyak..Nandito naman si mama , makikita mo rin si dada mo bukas--"
"Gusto ko ngayon!.Mama , please!" aniya at mas lumakas ang pag iyak niya
"Fine!.Kakausapin ko na ang dada mo , basta tumahan ka na.." sambit ko
Agad naman siyang tumahan at ngumiti..
"Thank you mama!" aniya at yumakap sakin
Pero nagulat nalang ako ng hindi na ito gumalaw pa..
Nakaramdam ako ng parang may tumutulo sa likod ko kaya agad kong hinarap si Xandra..
Laking gulat ko ng tumitirik na ang mata niya!
"X-Xandra..X-Xandra , baby.." agad kong tiningnan sina Ethan at Nathan hudyat para tawagin ang driver..
Agad naman silang tumango at tumakbo..
Niyakap ko ulit si Xandra tyaka tumayo habang karga siya..
Gustong gusto tumulo ng luha ko pero mas kailangan kong isugod sa ospital ang anak ko..
Nang makasakay kami sa kotse ay agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Troy..
Pero ayaw niyang sumagot..
"Tang*na naman oh!.Sagutin mo Troy!" mangiyak ngikay kong sabi
"Mommy , bakit po bah nagkakaganyan si Xandra?" si Nathan habang hinahaplos ang buhok ni Xandra
"M-May sakit kasi ang kapatid niyo..P-Pero g-gagaling rin siya.." sambit ko at hinalikan sa noo si Xandra.
Tinawagan ko ulit si Troy pero wala talagang sumasagot..
Bwesit naman oh!.Ba't ayaw mong sagutin Troy?!
Nang makarating kami sa ospital ay agad naman kaming sinalubong ng doktor..
Nasa labas na kami ng E.R. ngayon dahil nahihirapan na rng huminga si Xandra..
Ba't bah sumabay pa yung sakit niya sa puso?
Sinubukan ko pa ng ilang beses ang tawagan si Troy pero wala rin..Ayaw niyang sagutin.
Dahil sa inis ay naitapon ko ang phone ko sa pader.
"Arghh!" sigaw ko habang umiiyak
Bakit bah ayaw mong sagutin?
Nilapitan ako ni Ethan at Nathan..
BINABASA MO ANG
His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)
Teen FictionTroy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask