Chapter 15

19.9K 591 35
                                    


Kiss

Isang taon bago ko ipinanganak si Xandra..Kasal na pala si Leika at Miko.

Siguro kaya lang niya ako niligtas kasi kaibigan niya parin naman ako.

Sana ganyan din si Troy...Na kahit maghihiwalay na kami , hindi niya parin kakalimutan ang kung anong meron samin noon.

"Kyla.."

Napalingon nalang ako sa likuran ko ng may narinig akong boses..

Hindi ko makita ang mukha nito lalo na't madilim naman dito.

"Sino yan?" tanong ko nalang

Tumayo ako para sana lumapit pero ng maamo ko ang pabangong yun ay agad rin akong napaatras.

"T-Troy?" 

Nakaramdam ulit ako ng takot..

Ewan ko bah.

Kapag may mga kasama kami , ang lakas ng loob ko...Katulad kanina.

Pero kapag kaming dalawa lang..Kinakabahan ako.Natatakot ako..

"Bakit ka bah umaatras?.Natatakot ka pa rin bang ulit ko ulit yung kanina?..Kung yun nga , sorry , hindi ko sinasadya..Bakit mo bah kasi pinagsasabihan ng ganun si Aya--" hindi ko na siya pinatapos.

"Bakit bah..Ano bang paki mo kung sabihan ko siya ng mga ganung salita?.Ano bang paki mo kung itawag ko sa kanya ang mga pangalang bagay naman sa kalandian niya.Hindi naman ikaw ang maaapektuhan diba?" galit kong sabi

"Pero nakakasakit ka ng ibang tao!"

"Bakit , nung inagaw ka bah niya sakin nun , inisip niyang nasasaktan din ako?Hindi naman diba?!.Inulit ulit niya pa nga!"

"Iba ang pag agaw niya sakin sa mga tinatawag mo sa kanya..Malandi , ahas at kung anu ano pa.Kapag bah ikaw ang tinawag sa mga ganun hindi ka magagalit?"

"Teka nga..Ba't mo bah pinagtatanggol ang ahas na yun?"

"Aya ang pangalan niya , Kyla.."

"Tsk!.Kahit anong itawag ko sa kanya , hindi naman siya masasaktan.Makapal ang mukha ng babaeng yun eh." natatawang sabi ko

"Tumigil ka na nga sa mga ganyan mo Kyla.Wala ka na bah talagang pakialam kung makasakit ka ng iba?.Wala ka na bah talagang pakialam kung matapakan mo pa yung iba dahil diyan sa mga pinaggagagawa mo?"

Ano daw?

Nababaliw na bah siya?

Wala akong ginagawa..Sinasabi ko lang naman ang totoo diba?

"Bakit , noon bah inisip ni Aya na kahit akin ka na , inaagaw ka parin niya..Kahit ako ang mahal mo , kinukuha ka parin niya..Wala nga siyang pakialam kung matapakan niya ako diba?Basta lang makuha ka niya..Bakit ka bah nagpapa uto sa bruhang yun?."

"Kyla , please..Nagbago na si Aya.."

"Nagbago?.May nagbago bah na kahit kasal pa tayong dalawa , para na naman siyang linta kung makadikit sayo?.May nagbago bah na nagiging masaya kapag nagtatalo tayong dalawa?Wala diba..Kaya sabihin mo sakin Troy , anong dapat kong itawag sa babaeng yun..Anghel?Diyosa?.Ano?Sinama mo pa talaga siya dito..Sa susunod , kung puunta ka dito , wag kang magdadalata ng ahas."

"Ikaw na nagsabi Kyla..Bibisita ako dito para sa mga anak natin.Pero bakit ka ganyan?Nagagalit ka kasi sinama ko siya?..Ano bang gusto mo?Ano bah talagang gusto mo.."

Napatahimik nalang ako sa sinabi niya..

Gaga ka rin kasi Kyla eh..

Sinabi mo pa talaga ang mga katagang yun.Ayan tuloy , nabalik sayo ang tanong.. -_-

"Wala akong gusto--"

"Eh ba't ganyan nalang ang galit mo nung makita mo si Aya?" nakangising aniya

Kahit buwan lang ang ilaw namin para makita ang isa't isa , alam kong naka smirk na siya ngayon..

Baka kung ano na naman ang pinag iisip niya..

"Bakit , bawal bah?Bawal bah akong magalit sa babaeng tinuring kong kaibigan noon , pero trinaydor lang ako?.." 

"Ang dami mong palusot..Ba't hindi mo nalang aminin na nagseselos ka?" aniya at humakbang papalapit sakin..

Napapaatras naman ako sa bawat hakbang niya..

"A-Anong s-selos ang p-pinagsasasabi mo?" nanginginig kong sabi

Umayos ka nga diyan Kyla! >.<

"Nagseselos ka diba?.Kasi may kasama akong iba.Nagseselos ka kasi pinagtatanggol ko siya.Nagseselos ka kasi cold ako sayo at kay Aya hindi.."

Dug Dug..Dug Dug..

Ano bah naman toh!

Ano bang nangyayari sayo puso?.Nababaliw ka na bah?!

"H-Hindi ako nag seselos!"H-Hindi na kaya kita m-mahal!" patuloy parin ako sa pag atras

Nagulat nalang ako ng dumikit na ako sa pader ng bahay..

Napalunok nalang ako habang nakatingin kay Troy na papalapit ng papalapit skain..

"Talaga?.Hindi mo na ako mahal?" aniya ng makalapit na saakin

"Oo--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong..

O.O

Halikan!.

Dug Dug..Dug Dug..

He kiss me!

Troy kiss me!

But why?.Why did he kiss me?

Hindi ako nakagalaw sa gulat kaya nung humiwalay siya sakin ay nakatingin lang ako sa mata niya.

"Hindi mo parin bah ako mahal?.Mhie?" nakangising aniya.

Hindi ako nakasagot.

Napansin ko nalang na may tumulo na namang luha sa mata ko..

Ba't ganito?

Nasasaktan ako...

After 3 years , naramdaman ko ulit ang pag tibok ng puso ko.

Hindi dahil sa kaba..

Kundi dahil sa pagmamahal ko sa kanya..

Nang mapansin ni Troy na umiiyak na ako ay agad naman niya akong niyakap..

"Bakit ka umiiyak?" aniya at hinarap ulit ako

Umiling lang ako at pumikit.

Nanatili siyang nakayakap sakin..

Na miss ko siya..

Na miss ko ang asawa ko.

Na miss ko yung mga yakap niya sakin.

Na miss ko lahat ng kung anong meron siya.



His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon