Chapter 11: Starting again

20 1 0
                                    

Mace's POV

Pano kaya namin magagawa ang imbestigasyon kung di naman kami nagkakasundo kahit sa maliliit na bagay! Ang salbahe pa nung lalaking yun!

" Hoi Mace! Kanina pa kita kinakausap, nakikinig ka ba?" napatingin naman ako sakanya.

" Huh? " binatukan niya lang naman ako.

" Aray ko naman bal! Masakit kaya yun! " sigaw ko sakanya at sinipa ang paa niya.

" Ang lalim ng iniisip mo ah, kasing lalim ba yan ng Pacific Ocean?" sabi niya habang nakatingin sakin ng nakakaloko.

" Manahimik ka kaya muna bal! May problema na nga ako, sumasali ka pa" napapikit nalang ako ng maisip uli ang sinabi ni Head. Iniiwasan ko na nga yung ungas na yun, magkapartner pa kami!

" Tell me then"

" Bakit? Matutulungan mo ako " Sabi ko at ngumiti sakanya.

" Sabihin mo muna yung problema mo. Kung kaya ko, edi tutulungan kita, pero kung hindi. Wala tayong magagawa jan"

" Wala ka ring pakinabang, Mike eh!Kasi nga, magkapartner na naman kami ni Henz sa imbestigasyon sa krimen ng mga magulang nila!" sinubsob ko nalang ang mukha ko sa mesa dahil sa inis.

" Hahahaha! You're ridiculous, bal! Yun lang? Ang dali lang kaya nun. " aba butong-boto pa ang kambal ko sakanya! Wala na akong kakampi!

" Ewan! Alam ko na kasing yan ang sasabihin mo eh! Kainis" padabog akong umalis sa upuan ko at pumasok sa kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ko, humiga ako tumingin sa kisame. Hays, sa lahat ng lalaki dito sa mundo, bakit ang salbaheng ungas na si Henz Rage Cortes pa ang kapartner ko. Ang malas ko talaga. Ginulo ko ang sarili kong buhok.

Nagulat ako ng may biglang tumawag sa phone ko.

Unregistered number calling...

" Hello?"

" This is Henz. Save this number" tipis niyang sagot. Feel ko talaga nagkasalubong na naman ang kilay niya.

" Ok? Pero san ka galing nitong number ko? Stalker ka no?" pang-iinis ko sakanya.

" Stop imagining such unrealistic things. It might make you crazy" Ano? Ang kapal! Ang yabang talaga nitong lalaking to.

" Pero------" pinatayan ba naman ako!

Ano kayang ipapangalan ko? Hhmmmm. Nagtype na ako at sinave to. Humiga ako ulit at ng makalimutan kong tanungin siya kung kelan kami magstastart. Tinext ko naman ang number niya.

To Salbaheng ungas:

" Hoi, ungas. Kelan tayo magstastart?"

Sent:

Salbaheng Ungas replied:

" I'm lazy texting but, how dare you to call me ungas and haven't you teached by your parents for having right manners huh?"

To Salbaheng ungas:

" Just go straight to the point! Ang dami mong satsat, siguro, Bakla ka no?"

Sent: tumawa ako ng masend ko ang message ko sakanya. Iniimagine ko na ngayun ang mukha ni Henz. Nagkasalubong na kilay, nakakunot na noo, lumalaki na yung mata niya at pula niyang mukha.

" Aray!" walang hiya ang bumato sakin. Tiningnan ko ang bato at may nakasulat.

" Go to your window and look outside" utos ng sulat. Ano ako, uto- uto? Kala naman.

Nagulat din ako ng may biglang tumawag.

" ARE YOU PLANNING TO BE A STATUE AT THE WHOLE TIME? AND CAN YOU JUST FOLLOW ME! SMALL ANNOYING AMAZONA!" sigaw ng nasa linya. Ang yabang. AKO SINABIHAN NIYANG SMALL ANNOYING AMAZONA! Nakakahiya naman sa height niyang 6'3.

" ANG YABANG MONG UNGAS KA! AT SINO KA NAMAN PARA SUNDIN KO! ANG YABANG MONG SALBAHENG UNGAS KA!" sigaw ko rin sakanya sa phone.

" JUST GO DOWNSTAIRS OR ELSE -----" pananakot niya kaya naman tumakbo na ako palabas at tiningnan siya.

" Happy?" sarkastiko kong tanong.

" Why would I'll be happy? " ginagalit talaga ako ng ungas nato. Tiningnan ko siya ng masama.

" Bat ka ba nandito? Your ruining my beauty rest!! " he just tsk at tinaas ang kilay niya.

" Beauty rest huh? You don't have any beauty, aside from having a small height, you don't even have beauty" natulala ako sa sinabi niya. Ako!AKO! DI MAGANDA! Marami ngang nanliligaw sakin eh!

" Nang-iinis ka ba?"

" Just telling the truth" he smirked.

" And by the way, I'm here to tell you that this Monday, we can start our investigation. Eventually, ayaw ko talaga pero Harry convince me very well. Kaya no choice " Sabi niya at nakasmirk pa rin.

" Asa ka namang gusto kitang kasama sa imbestigasyon. At buti nga cinonvince din ako ni Head. Akala mo ikaw lang ang napilitan.Pati din ako. Tss." nagwalk out ako at pumasok na sa bahay! Nakakastress yung lalaking yun. Argh!

" See you Ms. Small Annoying Amazona. Ciao!" text niya sakin. Napatingin ako sa bintana at nakita ko siyang kumakaway sakin. I just glared at him. Nakita ko naman ang " Victory smile" niya.

Kahit kelan talaga ang ungas talaga nung lalaking yun. Kainis!

C.R.I.M.E(Book 1)Where stories live. Discover now