Chapter 14: Punishment

10 0 0
                                    

Ren's POV

Sigaw ng sigaw si Mace pero di namin siya pinansin. Hinanap namin ang mga babaeng kaaway ni Mace. At nakita ko silang nakastandby sa cafeteria. Nagulat sila ng magtilian ang mga studyante sa loob. Labag talaga sa loob ko na sugurin ang mga babaeng to pero ginalit niya si Henz at inaway si Mace eh, no choice.

" Ang swerte naman nina Aries, nilapitan nina Henz" bulong ng isang babae sa likod ko. Tiningnan ko siya at agad naman siyang namula.

" Kkyyyyaaaahhhh! HENZZZ!" sigaw ng isang babae at akmang lalapitan si Henz pero hinarangan agad ito nina Kian at Brent.

" Let's talk. " utos ni Henz sakanila at naunang naglakad. Ano kayang gagawin ng gunggong na to?

Agad namang sumunod sina Aries sakaniya. Nakayuko lang sila. Pumasok naman kami kaagad sa abandonadong room sa HRM building na building nina Aries. Nagulat naman ako ng makita si Mace na nandun.

" HOI HENZ! ANONG BALAK MONG GAWIN HUH? ANG TANGA MO TALAGANG UNGAS KA!!!" sigaw niya kay Henz. Na hindi pinansin ni Henz.

" Punish them" utos ni Henz sakanya. May mga nakalatag na mga pamalo. Nagulat kaming tatlo sa set up ni Henz. We don't expect that from him. Ang babaw niya.

" Huh? Bat ko naman gagawin yun? At ok na yung punishment ko ah?" nag-aalinlangang sagot ni Mace sakanya. Kami nga eh, nagulat. Nakita ko namang umiiyak na sina Aries at nakaluhod na sa harap nina Mace.

" If you can't do it. I'll do it" sabi niya at agad na kumuha ng pamalo sa sahig. Pumikit si Mace.

" Di mo talaga gagawin? Ipapalo ko na to" hinayaan nalang namin sila kung anong gawin nila. Umupo kaming tatlo at pinanuod sila. Live!

" Henz! Tumigil ka na, Henz. Ok na yun ok?" sagot ni Mace at pilit na inaagaw ang pamalo na hawak ni Henz pero malakas si Henz eh.

" Tss, you're still stubborn. As always. Aren't you hurt from what they've done? Don't you want to revenge?" nakasmirk lang si Henz habang kausap si Mace.

" Tss! Wag mokong ienglish-english dyang gunggong huh? Nakakainis ka. Pano kung mapatay natin yan?" di natapos ang sinabi ni Mace at sumagot agad si Henz.

" Then, we'll go to jail together." napasimangot si Mace sa sagot ni Henz.

Mace's POV.

Hinila ko siya sa likod ng bookshelf at agad na sinipa.

" Pano natin magagawa ang imbestigasyon kong ang init mo? Ang liit na bagay, big deal na sayo. Pano na kung makaharap na nga natin ang nagpatay sa mga magulang mo. Papatayin mo kaagad? Edi wala ng hustisya! At failed na kaagad ang imbestigasyon natin" pabulong ko na sabi sakanya pero gigil na gigil na talaga ako sa lalaking to.

" That's all they deserve. They killed them, they should be killed too" kung ako sasabihan niya ng stubborn eh mas matigas pa ulo nito kesa sakin eh. Binatukan ko naman siya.

" Pwedeng chill muna? Relax. Wag masyadong oa ok? Kaya ko na to. Ako ng bahala" hinila ko kaagad siya pabalik kina Aries. Nakangisi namang nakatingin samin sina Ren. Binato ko naman siya ng eraser. Kainis to.

" Please, maawa ka Mace. Wag mo kaming saktan. Sorry na talaga " pagmamakaawa sakin nina Aries. Di ko siya pinansin at kumuha ng pamalo. Papaluin ko na sana sila ng--------

" WAAAAAAAGGGGGGGG!" sigaw ni Aries. Tumawa ako ng malakas dahil sa reaksiyon niya. Nakita ko ang pagkagulat nina Henz pati na nina Kian. Akala talaga nila papaluin ko sila eh.

" What do you think you are doing, Mace?" galit na sabi sakin ni Henz. Di ko siya pinakinggan at tinoun ang atensyon kina Aries.

" Tumayo kayo. " utos ko sakanila na sinunod naman nila kaagad. I glare at Henz. Di niya ata nabasa ang nasa utak ko.

" Umalis na kayo. Bago ko pa kayo mapalo at maparusahan ng todo. Alis!" sigaw ko sakanila. Bago pa ako makareact paglabas nina Aries ay hinila kaagad ako ni Henz.

" Henz! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sakanya.

" What's your problem? Palagi nalang ah! Gusto lang kitang tulungan but you keep on ignoring me! " napangisi naman ako sa sinabi niya. Ayaw kong mag-assume pero sa pinapakita niya, gusto ko ng mag-assume.

" What are you trying to do or to say?" kalmado kong sabi sakanya. Kumunot naman ang noo niya, alam kong naiinis na naman to.

" Why did I have to be partnered with such a stupid girl?" inis niyang sabi sakin at binitawan ako. Nagwalk out ba naman?!

" Hoi! Kasalanan ko bang di ko nagets sinabi mo no!" sigaw ko sakanya.

" Ang sabi niya, gusto niya lang tumulong sayo pero di mo pinapansin effort niya sayo. Wag ka kasing masyadong tanga" bulong ni Kian sakin. Tanga! Aba! Nakakainis na talaga sila! Bat ko pa sila nakilala! Ahhh!

" Aish! Hoi! Bumalik kayo dito! Kanina niyo pa kaya ako iniiwan! Mga walang hiya!" sigaw ko sakanila at agad na tumakbo papunta sakanila. Huminto naman sila at hinintay ako. Pinagitnaan naman nila akong apat ang naglakad na.

C.R.I.M.E(Book 1)Where stories live. Discover now