Mace's POV
Wag talaga akong galitin nitong mga babaeng to, kahit sino pa sila, di ko sila uurungan. Kala nila ah.
Kanina pa kami dito sa office halos half day na kaming nandito. Pero ayaw parin umamin ng mga babaeng to, ako pa ang ginawang masama. Pag-uuntugin ko sila eh.
" Kung ayaw niyong sagutin ang tanong ko. Kung sino ang nauna, di kayo makakalabas dito at may punishment pa kayo!" aba! Isa din tong matandang to eh. Kanina pa nga kami salita ng salita na sila ang nauna tas ayaw niyang maniwala. Sana di nalang siya nagtanong diba?
" We've answering you so many times, Ms. Leila. Ikaw lang ata yung bobo at di nakakaintindi" napatingin kaming lahat sa sinabi ni Henz. Kahit sino talaga, di niya pinapalampas.
" Walang modo! Ano ba ang itinuro ng mga magulang at mga teachers mo huh? At sinasagot mo pa ako!" sigaw sakanya ng Principal. Pero mas tumaas ang kilay niya ng marinig ito.
" Ask them, not me. Ayaw mong maniwala diba? " sagot niya dito. Nagchange topic nalang si Ms. Leila Kasi baka mas uminit pa ang ulo ni Henz.
" So, dahil si Brent lang ang mukhang matino dito. Brent, sabihin mo sakin ang boung pangyayari". Utos niya kay Brent. Napakamot nalang ng ulo si Kian dahil sa inis. Gusto niya na kasing lumabas.
" First of all, Ms. Leila I want you to believe this. Di ko na uulitin pa ang sasabihin ko. At gusto ko si Mace ang magparusa sa mga babaeng yan". Sabi niya ang tinuro ang mga babae sa harapan namin. Napatingin ako kay Aries. Naluluha na siya. Bakit ko siya kilala? QueenBee daw siya dito. Ang siga, wala namang binatbat kapag labanan na.
Nakinig naman si Ms. Leila. Napatingin ako sa pangalan sa mesa. Ms. Leila Gonzaga. Hmm, wala ata siyang asawa. Baka walang nagkagusto kasi nga ang sungit at ang sama ng ugali. Medyo bingi na din siya. Hahahaha.
" Diba Mace?" nagulat naman ako ng tawagin ni Brent ang pangalan ko.
" Huh?" tanong ko sakanya. Aba kasalanan ko bang di ako nakinig? Ok, kasalanan ko nga.
" Where the earth are you, MACE? ", sigaw sakin ni Henz. Kung makasigaw to, parang ang layo lang namin sa isa't isa. Magkatabi lang naman kami. Sinamaan ko siya ng tingin.
" Kasi, nag-iisip ako ng ipaparusa sakanila" napakamot ako ng ulo at napakagat ng labi. Napatingin silang lahat sakin. Sana gumana. Please!
" Ok. Yun nga. Have you reached your satisfaction Ms. Leila?" inis na sabi ni Ren. Pati din to, kanina na gustong sirain ang pintuan dahil sa gusto na niyang umalis.
" Since, ang grupo nga ni Aries ang nauna. Mace, anong parusa mo? " Hayst, di naman talaga ako masamang tao kaya di ko sila papahirapan ng todo.
" Hmmm, pwedeng papalisin nalang sila ng banyo sa HRM building, since nandun ang room nila, kaya dun nalang. Paki tingnan nalang sila sa janitor kung di sila naglinis." sagot ko kay Ms. Leila.
" What?! Yan lang ang ipaparusa mo? It's not enough! Ako nalang kaya ang magparusa!" napatakip ako sa tenga ko ng sumigaw siya. Hinampas ko siya at sumagot sakanya.
" Bat puro ka reklamo jan? Ikaw ba gagawa huh? Ikaw ba yung nasaktan kanina sa sabunot niya? Hindi diba? Mabait kasi ako kaya di ko sila masyadong papahirapan. " kampante kong sagot sakanya but still he didn't agree with it.
" Mabait? Magiging mabait ka pa sa sitwasyon na yan? Kung ako jan, pinakick out ko na yang si Aries at mga halipores niya" sabat ni Kian.
" Wag naman! Maawa ka" pagmamakaawa ni Aries at mga kasama niya. But all I can see is crocodile tears.
" Yeah, that's all they deserve. Not just for ruining our school hallway but also for ruining our class time, di na kami nakapasok ng half day dahil sa kagagahan niyo" sabat din ni Ren. Di na talaga nila napigilan. Binato ni Ren si Aries ng notebook at nasapul ang mukha ni Aries. Tumawa silang tatlo nina Ren, Kian at Brent pero ang katabi ko ayun umuusok na ang ilong at tenga. Ang babaw niya.
" Ok na yun Ms. Leila. Pwede na po ba kaming lumabas?" tanong ko sakanya. Nakakabagot na kasi ang nakakainis ang atmosphere sa office.
" Ok. I'll just make schedule for their work. You may now go" napasigaw naman kaagad ako paglabas.
" Woaaahhh! Finally!" nag-uunat-unat pa ako. Nagulat naman ako ng nakita ko na nakatingin na silang apat sakin.
" Oh? Anong problema nyo?" napaatras naman ako. Kainis to.
Di na nagpatuloy sa paglalakad papunta sakin sina Ren. Si Henz nalang, kaya napaatras nalang ako hanggang naramdaman kong pader na pala ang nasa likod ko.
" Hoi! Hoyyy! Unggoy! Anong gagawin mo huh?" tanong ko sakanya habang tinatakpan ko ang katawan ko.
" Tss. Stubborn" pinitik niya ang noo ko.
" May gagawin pa kami dun sa mga babaeng yun. Kaya wag ka ng makialam ok? " di muna nagsink-in sa utak ko ang sinabi nya. Pero bago pa ako makareact, umalis na sila.
" HOI! MGA GUNGGONG, HINTAY! Anong gagawin nyo? Mga basagulero kayo! Mga babae yun! Hoyyy!" sigaw ko sakanila habang tumatakbo pero no epek eh, ang bilis maglakad. Huminto nalang ako at pumunta sa cafeteria.
YOU ARE READING
C.R.I.M.E(Book 1)
Mystery / ThrillerThis story is work of fiction, this is all my imagination. I'm hoping for your support and encouragement for more. Sorry for the grammatical errors in the story. Hope you like it💕