P.5

10.6K 102 1
                                        

(Present)

Kanina lang  lahat ang nangyari. Sa pangyayaring yun nagbago ang lahat.

"Why? Why did it turn out like this?"

Masakit ang binti ko dahil sa pagkabagsak ko sa semento. Nanghihinang  umupo ako sa gilid ng kalsada.

(When)

"Hey, you alive?" tanong ng isang pamilyar na boses sa akin..

I look up in surprise, nakita ko si Yamato na nakatingin sa akin pababa.

"Oh, um... I-i'm fine." nabubulol kong sagot. Tatayo na sana ako but pain shoots through my ankle. Babagsak na ako nung may sumalo sa likod ko.

(Si Saeki...)

"Sinabi sa amin ni Kuni ang lahat." sabi ni Saeki sa akin.

Tinignan ko lang siya ( Kailangan kong magpasalamat sa kanila dahil sa pag alala sa akin..)

Tears start to sting my eyes, at bumabara ang lalamunan ko, so I just smile through my tears.

"But, hey, you'd never be happy married to a guy who would just break it off like that anyway, kaya hindi big deal diba?" wika ni Yuta.

"But still, masakit pa rin ang nangyari. Sagot naman ni Tyron.

"Oo,tama ka" sang ayon ni Yuta.

"Um, pasensya na kayo kung nasira ko ang araw niyo ngayon... I mean...."

Ang daming tumatakbo sa utak ko ngayon, and I try to grasp on it all, when....

"Anyway, no point sitting out here. Halika na, balik na tayo sa Kunian". Yaya ni Yamato.

"Tama. Pero kung nahihirapan kang maglakad, piggy back ride na lang kita" sabi ni Saeki na nakangisi.

"Saeki, yan ang tinatawag na sexual harassment!" saway ni Yuta.

"You'd definitely be found guilty" dagdag ni Tyron.

Nakakatuwang kasama ang mga ito. Tinulungan lahat nila ako na makabalik sa Kunian. Pagkadating namin sa Kunian, nakatayo si Ren sa labas. Inaabangan kami.

"What's up Ren?" untag ni Yamato.

"Nandito na ang mga magulang mo". Bungad ni Ren sa akin.

"Ano...? (Oh... So nandito na sila .. ANong gagawin ko? Paano ko sasabihin sa kanila?)

May isang tumapik sa balikat ko, tiningala ko... Si Yamato.. Nakatingin sa akin. Parang ipinapahiwatig na "kaya mo yan".

"Sila ang magulang mo, maiintindihan ka nila" suporta niya sa akin.

Nangyari sa taong to.. Biglang bumait...

Tumango ako at pumasok.

Clang Clang

Pagkapasok ko nakita ko na agad sina Daddy at Mommy.

"Nice to see you Kunihiko. You're looking good." bati ni Mommy kay Uncle.

"Masaya ako at nakapasyal kayo dito. Nakangiting sabi ni Uncle na parang walang nangyari, na parang okay ang lahat.

"Oo, isang napakagandang lugar dito, Napaka comfortable. Masayang wika ni Daddy.

"I know, I love the decor, napakaganda.  Puri naman ni mommy.

"Um..." nagparamdam ako para mapansin nilang nandito na ako.

"Oh Nami! Late ka na." usal ni daddy.

"Mom, Dad...." tawag ko sa kanila. Di ko alam kong saan ako magsisimula."So ano na? Plano mo bang nakatayo lang diyan magdamag?" tanong sa akin ni Mommy.

"H-hindi...." utal kong sagot. Umupo ako sa tapat nila. Nababalisa ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

(Ano gagawin ko.? My God.. Ano ba ito.. Paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat?) Juice colored. Help!

"Make yourselves at home." sabi sa amin ni Uncle at tumalikod na.

"Nasorpresa ako noong sinabi mong mag aaswa ka na. Hindi ako makapaniwala." masayang sambit ni Mommy sa akin..

"Here you go. Nanggaling yan kay Mrs. Kawano, Congratulations daw."  ngiting ngiting sabi ni Daddy.

"Ano?! Bakit...? nagtataka kong tanong. palipat lipat ko silang tinignan.

"Sinabi ko na sa lahat ng mga kapit bahay natin at mga kamag anak. Tatawagan ko sila kapag napag usapan na ang wedding date. Gusto ko nga sana na hwag munang sabihiN na maayos na ang lahat." pagpapaliwanag ni Mommy.

(Oh, great.... Ngayon ayaw ko ng sabihin sa kanila)

"Ngayong mag aasawa ka na... Mag aasawa na ang baby girl ko. Maluha luhang saad ni Daddy.

"Oh, tama na yan. Ilaan mo yang luha mo sa araw ng kasal" pigil ni Mommy kay Daddy.

"Oo na, Oo na." sagot naman ni Daddy.

(Ayokong masaktan sila..Mukhang masaya sila sa aking pag aasawa) ngunit naglaho na.

Feeling Completely Hopeless, bumuntong hininga ako.

"Oh, anong nangyari anak? Nanlalamig ba mga paa mo? tanong sa akin ni Daddy. Napansin niya ang pagbuntong hininga ko.

"Tumigil ka, hwag kang magsalita ng mga bagay na ganyan. Saway ni Mommy kay Daddy.

"So, nasaan ang mapapangasawa mo? Huwag mong sabihing nandito na siya?" tanong ni Mommy.

Nilibot ang paningin ni Mommy sa Paligid.

"Um"  sabi ko

"He's kind of late, isn't he? seryosong sabi ni Daddy. Kaya ayokong sabihin eh.. Huuhuhu

"Alam ko, na espesyal ang okasyon ngayon, dapat maaga siya." dagdag pa ni Mommy"Ganyan yung mga palabas sa TV show, Isa na dun yun pag yung mapapangasawa ng babae ay hindi  sisipot sa araw ng kasal. Kwento ni Daddy sa napapanood sa TV.

"hwag ka nga magbiro ng ganyan." saway ni MoMmy.

Tulala lang ako, di ko alam ang gagawin.

Kapag nakikita kong tumatawa sila, mas lalo akong nai stressed.

(Ano gagawin ko? Ginagawa nila ang lahat. At hindi ko na kaya...)

"Sorry to keep you waiting." may isang lalakeng nagsalita mula sa aKing likuran.

(Huh?) I look up confused... Nakita kong nakatayo siya... (What happened? Parang nag iba siya)

Ngumiti siya sa akin.

(What in the world is going on?)

And with that....
My Fake marriage began.












My Fake Wedding (Nami)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon