Episode 15 - MISSING YOU

6K 60 0
                                        

Mga ilang araw na din ang nakalipas mula noong umalis si Yamato dito sa bahay.

Nag-eempake ako nang aking mga gamit sa kwarto..

"Naiyempake ko na lahat ng aking mga damit... I think thats it..." Wala sa isip kong, napatawa ng mapait... Aalis na ako sa lugar na ito bukas.

(Sana babalik na si Yamato dito, para tignan man lang ako ngayon...)

(Pero sa sinend niya sa akin na text, parang wala siyang balak umuwi...)

Tineks ko siya na aalis na ako bukas... At nagreply lang siya ng isang salita : "okay"

(Bakit bigla na lang siyang lumamig...?)

(May kinalaman ba ito kay Makoto...?)

Bukas na ang party ni Makoto. Sabi niyang gusto niya akong ipakilala doon bilang fiancee niya. Nung una, hindi ako sigurado...Pero napag isip isip kong, pupunta ako...

(Ito dapat yung bagay na sinimulan namin. Ito dapat yun..)

(It's better this way...)

"We're not even husband and wife..."

Nagfaflashback ang sinabi niyang yun sa akin..

We'll go back to being total strangers.....

(Hindi ko dapat ginagawa ito sa aking sarili... Kapag laging si Yamato ang iniisip ko, walang mangyayari...)

(Inilagay ko ang aking sarili sa gusot na ito... Kailangang ayusin ko ang aking sarili...)

Iwinaksi ko ang nararamdaman ko kay Yamato, at tinapos na ang pagiimpake..

Kinagabihan...

Pagkatapos kong magbalot, nagtungon ako sa Kunian.

(Nandun pa si Yamato sa school, kaya maaaring wala siya dun, pero maaari ding nag day off ito...)

Sumilip ako sa loob at nakita kong si manager lang ang narun..

(Thank Goodness...)

"Hello..." bati ko dito.

"Hey..." tinanggap ako ng manager at nagbigay ng isang friendly smile..

Umupo ako sa bar... "Pasensya na kong hindi na ako nakakapasok.. " sabi ko.

"Wag mo na alalahanin yun..." sagot naman nito.

"Sa tingin ko.... Kailangan ko ng tumigil sa pagtatrabaho dito..." Saad ko.

Hindi kumibo ang manager gaya ng kinaugalian nito... Sinusubukan kong magpaliwanag, noong...

Clang Clang

"Oh, Hi Nami.."

"Uncle Kunihiko!"

Dumating si Uncle Kunihiko na may dalang shopping bags.. Mukhang nagulat nung makita ako...

"Parang ilang taon na kitang hindi nakita ah... Sabi nito.

"Pasensya na kayo kung hindi na ako nakakapunta para tumulong dito..." sagot ko

"Ok lang sa akin. ..Pero nag away ba ulit kayo ni Yamato..? Matagal na siyang namalagi dito..." saad nito.

"Hindi naman masyadong away.... Tinapos na namin ang aming pagpapanggap..." wika ko.

"Ano..?!" nagulat si Uncle...

"Hanggang 3 months lang naman.. Kaya tinapos na namin ng mas medyo maaga..."  sagot ko.

"P-pahingi ng tubig.." utos nito kay Manager. Linagok nito ang isang baso ng tubig na para bang malulunod ang nararamdaman dito...

Kahit ang manager, ay bihirang magreak ng ganung estado ng kinaroroonan..

"Pasensya na sa pagsambulat ko..." walang sigla kong tugon..

"No, I'm just surprised.... Pinagkasunduan niyo bang dalawa yan..? sabi ni Uncle.

"Well, nakita mo naman ang kontrata..." sagot ko.

"Yeah, yeah, the contract...Akala ko, hindi na yun mahalaga sa inyo..." sabi ulit ni Uncle..

"Anong ibig niyong sabihin...?" tanong ko dito

"After all, it wasn't a fake marriage anymore, nagsimula na kayong magsama ng parang isang tunay na mag asawa..." sagot nito.

Natusok ang puso ko sa sinabi nito...

(Gusto ko ring maging totoo....)

(Pero si Yamato hindi.....)

"Si Yamato ba ang tumapos..? O ikaw...?"  tanong na naman nito.

"Si Yamato... Pero hindi ko na rin maipagpapatuloy..." sabi ko.

"Bakit naman hindi...? tugon nito.

"Bumalik na si Makoto sa akin..." sagot ko.

"Makoto...? That Makoto..?" tumaas ang dalawang kilay nito..

"My ex-fiance. Kaya niya nagawang nakipaghiwalay sa akin dahil  sa kanyang family issues..Pero parang naayos na niya ang lahat..." napagpasyahan kong sabihin sa kanya ang tumatakbo sa isip ko buong araw. Sabi niya papakasalan daw niya ako gaya ng plano niya noon.. Pumunta siya dito para sabihin sa akin... May company party siya bukas, at sabi niya na gusto niyang pormal niya akong ipapakilala bilang fiancee niya...

Syempre, nasaktan ako noong iniwan niya ako, pero hindi din dapat ako nasangkot sa fake marriage sa umpisa pa lang. Naguguluhan lang ako noon.. I mean... marahil ay nababaliw ako..." wika ko.

Nakatitig lang si Uncle at ang manager.

"Ito ang bagay na dapat mangyari... Everything's going to work out for everyone this way... Kaya...." pagpapatuloy ko.

"But why are you trying so hard to convince us...?"tugon ni Uncle.

"Huh...?" sambit ko.

"You sound like you're trying to convince yourself... Yan ba talaga ang gusto mo..? Wala kang pagsisisihan.." wika ni Uncle.

"I didn't say that.. It's just........" bumara ang lalamunan ko, pero pinipilit ko ang sarili kong magpatuloy... sabi niya "we're never husband and wife... that anyone could tell... "

"Who cares..." sabad ng manager.

"Huh...?"

"Who cares what anyone thinks...If it feels real, then it's real.." tugon ng manager.. Na pa wow naman si Uncle.

"Excuse me..!" paumanhin ko, kung magpapatuloy ako, alam kong bubuhos ang puso ko dito sa bar.. Kaya hindi na ako nag isip, tumayo ako... "hindi na ako magtatagal, pero salamat sa lahat..!

"Hoy Nami..." pigil sa kin ni Uncle.

"Thank You..!" sabi ko. Pinipigilan ako ni Uncle pero, yumuko ako sa kanila, tumalikod at tumakbo...

Para matakbuhan ko ang tinig ni Uncle, desperada na akong makaalis sa bar...

(If it feels real, then it's real, ha...)

(I..... Believed it was real, too... From the bottom of my heart..!)



My Fake Wedding (Nami)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon