Pagkatapos kong kumain. Naglinis na ako. Pumunta ako sa kama at tinanggal ang sheets.
"Ha? ano ito?" nakita ko ang nakatupi na piraso ng isang papel na nahulog sa sahig.
Pinulot ko ito at nakita kong puno ng Physics Formulas na nakasulat.. Maliliit at maninipis na sulat kamay.
(Kay Yamato ba ito? Gagamitin niya ba ito sa lessons niya or something?)
Hindi ko namamalayan ang oras... Pero siguro nahulog ito noong tinulak ko siya.
Tinawagan ko agad siya pero hindi sumasagot. Tinignan ko ang orasan ay napagtanto kong nasa klase na siya.
Pinatay siguro ang Cellphone niya..
Anong gagawin ko? Paano kung kailangan niya ito? Pupuntahan ko ba siya sa School?
Kapag nahulog niya ito dahil tinulak ko siya... Kasalanan ko.. Pero I don't want to overstep my boundaries and make him mad..
Kapag hindi ko siya makikita dun, Ipabibigay ko na lang sa mga nakakakilala sa kanya. Pag magalit siya, magalit siya... Pupunta ako..
Dali dali akong nagbihis at umalis na sa bahay.
Nandito ako sa School kung saan nag tuturo si Yamato. Totoo ngang maganda at marangal ang School.
(Pupuntahan ba kaya niya ako dito 'pag tatawagan ko ulit siya?)
Tinatawagan ko siya ngayon dito sa may gate ng School pero hindi siya sumasagot. Ibibigay ko na lang sana sa Guard pero wala akong makita na guard.
(Siguro mas mabuti kong pupunta na lang ako sa Faculty Room. Sakaling may magtatanong kung anong ginagawa ko rito, sasabihin ko sa kanila)
Pumasok ako sa loob ng School gates at tinignan ang School map na nakalagay sa dingding at tumungo na sa FR.
"The Faculty room's... Over here? It's a dead end.. Ibig sabihin doon sa ibang daan" sabi ko sa aking sarili.
Ang lawak ng School na ito... Naglalakad ako ngayon dito sa hallway, nang medyo naliligaw..
Then....
May narinig akong pamilyar na boses dito sa malapit na classroom.
"Hey, quiet down over there..! This is going to be the test, kaya kung ako sa inyo makikinig na ako" sabi ng isang boses na nagmumula sa classroom.
(Yamato?)
Nakita ko si Yamato na nakatayo sa plataporma sa harap ng room malapit sa bintana.
Sumilip ako sa Classroom, ng hindi ako nakikita ni Yamato"If you have any question, just ask" seryosong sabi nito sa mga estudyante niya.
"Alright, may tanong po ako," sabi ng isang student.
"Ano?"
"What's your Girlfriend like?"
"Wala siyang Girlfriend, asawa meron" sabat ng isa pang student
" I don't answer questions like that." saad nito. Na parang nag iisip kong ano ang isasagot.
"You said to ask if we had any questions." pagmamaktol ng isang estudyante.
"Maganda ba siya? Mas bata ba sa'yo?" tanong pa ng isa pang estudyanTe.
"One question per person" Sagot ni Yamato.
"Then answer this! Does she kiss you goodbye in the morning?"
Huminga siya ng malalim.
"Well... We're married, of course she does"
"WHHHAAAAT?!!" Sabay sabay sila.
Tumawa si Yamato ng malakas dahil sa reaksiyon ng mga estudyante.
Para sa akin, nabighani ako sa kanyang ngiti.
(Ngumiti siya ng ganun sa kanyang mga estudyante. Hindi pa niya ako nginitan ng ganyan)
"Enough talking. Let's get on with class" saway nito sa mga estudyante.
At nagsimula ng magdiscuss.
"Today, we'll be continuing the previous lesson... Open your textbooks to page 33. Sabi nito at humarap sa blackboard, with book in his hand.
Yung nakakabighani niyang ngiti kanina ay napalitan ng seryosong mukha.
"When the scales are level, the fulcrum, here..... nagdidiscuss na siya.
(Mukha na siyang Guro ngayon, I mean, isa siyang guro. ANo ba itong pinagsasabi ko....?)
"Relates even more strongly to the force exacted upon it, causing an increase in the perpendicular of that force......"
Nabihag ako sa pagtuturo niya.
Parang naramdaman ni Yamato na nakatitig ako sa kanya at tumingin siya sa gawi ko.
Nakita niya ako. Lumaki ang mata niya sa gulat..I try my mouth my message to Yamato. Sabi ko (I brought your paper)
Hindi pa rin niya maintindihan. (your ..paper!) ulit ko. Pero ganun pa rin..
"Is something wrong, Mr. Kougami? tanong ng isang estudyante. Nahalata niya sigurong may kausap siya sa hangin.
"ha? uh.. No.." sagot nito.
( Damn this isn't working)
Ipinakita ko na lang ang papel. At parang naiintindihan na niya.
(Ilalagay ko na lang sa Faculty Room) senyas ko.
Tumalikod ako at hinarap ang daan papuntang FR. Kaya naiintindihan na niya. Tumango siya ng marahan. Para hindi mahalata ang mga estudyante niya.
(Nagba blush ba siya? or imahinasyon ko lang yun?)
(Siguro, napahiya siya dahil nakita kong nasa Teacher Mode siya...)
Mukhang mahal na mahal siya ng mga estudyante niya. Sigurado akong isa siyang magaling na Teacher.
Hindi matanggal sa isip ko yung mga nakakabighani niyang ngiti, Pagkaseryoso niya. At nakakabato balani na expression niya
(Nakikita ko na ang iba't ibang side niya. Masaya ako at nagpunta ako dito para ibigay ang naiwan niya)
Kung may paraan lang ako, Gusto kong ipakita din niya sa akin ang mga ngiting yun.
Naglalakad ako papuntang FR kasama ang aking mga iniisip.
"Dito ang FR... Sa wakas nahanap ko rin... Excuse me... Sabi ko habang sumisilip. SUbalit walang tao.. Siguro'y nasa class lahat sila.
( anong gagawin ko..? Maghihintay ba ako sa loob? O ibibigay ko na lang ito sa iba..?)
"Um... Excuse me..." may nagsalita sa aking likuran.
"Yes?" sabi ko dito..
Lumingon ako at nakita ko ang isang matandang naka suot ng americana sa aking likuran.
" Hindi ka isa sa mga magulang ng mga estudyante, diba? How can I help you?" tanong nito sa akin.
"I'm very sorry kung pumasok na lang ako, I'm Kougami's.... Paumanhin ko sa matanda.
"Mr. Kougami's.... Are you an acquaintance of his, perhaps?" Anas ng matanda na mukhang nagulat nung marinig niya ang pangalan ni Yamato.
Pero bumalik din ang expression ng mukha niya.
"Nasa Klase pa si Mr. Kougami.. Kung emergency, tatawagan ko siya. Sabi nito.
"Ah. Hwag na po... Nagpunta lang ako dito para ibigay ang naiwan niya sa bahay. Pwede ko po bang iwan na lang sa Desk niya?"
" of course. Nandun ang desk niya" at tinuro sa akin kung saan ang desk ni Yamato.
Pagkatapos tumunog na ang School bell nila, ibig sabihin.. Tapos na ang klase nila..

BINABASA MO ANG
My Fake Wedding (Nami)
RomanceThis story is all about a young man married a young woman for Just 3 months and after that it is the end fot their love story? Binatay ko po ang istoryang ito sa favorite love story game ko. Hope you like it.