....

9K 89 0
                                    

"Kaya masyado kang makasarili" singit ni yuta.

"Exactly. Kung magiging babae ako, ayokong makipag date sa'yo" dagdag pa itong si Saeki.

Maganda ang samahan nila... Nagbibiruan at walang napipikon.

"I don't want to get anyone's hopes up for a real wedding either. Mas gugustuhin ko pang iwasan ang ganung drama"  wika niya. Deretso mag english eh.. Nemen.. Ikaw na ang Magaling..

"Okay lang ba talaga sayo na gusto mo akong makasama?" paniniyak ko sa kanya.

"Utang mo sa akin ang pagtulong ko sayo. AT kilala mo naman si Kuni kaya... Hindi ako mapapahamak. sagot niya... Antipatiko.. Hindi naman ako nangangain ng demonyo.. atsaka.... Dugtong niya..

"Atsaka....?" tanong ko sa naputol niyang sasabihin...

"You don't have a place to stay, do you? tanong niya sa akin. Heto na naman si tayo.. Tinira na naman ako ng EnglisH...

"What?" tanong ko.. Oh di sinagot ko rin siya ng english diba.

(Pero paano niya nalaman?)

"Nalaman ko kay Kuni. Nag resigned ka sa trabaho mo at lilipat ka ng matitirhan diba?" sabi niya....hala. Nabasa ang nasa utak ko. Kuya my mental telepaty ability ka ba?

"Ah... Oo.. Pero.... Kailangan pa bang magkasama tayo sa iisang bahay?" tanong ko sa kanya.Hindi kasi ako sanay na may iba akong kasama.

"Syempre... Hindi magandang tignan 'pag hindi..Plus... Sabi niya at itinaas ang isa niyang daliri... Malay mo.... Pag maisipang  bumisita ang mga magulang mo.. Dagdag niya... "Kapag hindi tayo magkasama, malalaman nila na iniwan ka ng tunay mong Fiance.  Dugtong pa nito... Tinignan ko lang siya... "Wala kang trabaho sabi niya na.. binilang bilang ang kamay...  Wala kang matutuluyan at mapupuntahan Dagdag pa niya... "Kaya.... Wala ka ng ibang choice kundi tanggapin ang inaalok ko." sabi niya sa akin at ngumisi..

Tama siya, nagresigned ako dahil sa pag aasawa. Akala ko kasi lilipat ako sa Fiance ko... Kaya pagkatapos nitong linggo, aalis na ako.

(Wala akong trabaho, bahay.... At engagement... Sa tingin ko, Grab the opportunity na this!)

(Where did it all go wrong? At ngayon I'm stuck with this kumag)

"Hwag mawalan ng pag asa. Isipin mo na lang na isa yang business transaction" pukaw sa akin ni Uncle.

"A Business transaction?" (ano yun? charot) tanong ko kay Uncle

"Kailangan mo ng matutulayan. Kailangan ni Yamato ang pekeng asawa. Perfect opportunity yan para sa inyong dalawa" pangungumbinsi ni Uncle sa akin..

"Kailangan mo ng oras para makahanap ng bagong matutuluyan" singit ni Tyron.

"At bagong trabaho" dagdag ni Yuta.

"Pwede kitang kunin, pero si Yamato lang ang makakatulong sa'yo... Sabi rin ni Saeki.

"Ganun na nga" pagsang ayon ni REN... May masabi lang eh noh..

"Isipin mo na lang na isa yang pabor... At mag oo na... Sabi sa akin ni Uncle... Guro naman si Yamato, kaya nasa mabuti kang kamay... Dagdag pa niYa...

"Hindi ko sinasabing pang habang buhay mong gawin ito... Three months should be enough" wIka ni Yamato..

"Three Months?" gulat kong tanong..

"Tama na siguro yun para mapaniwala ang Vice Principal. Sagot niya... Gayunpaman..... Putol niyang sabi...

"Huh?" tugon ko.

"Anyway, isa itong three month live in Job, kasama na lahat ng pagakain.... Sa tingin ko, maganda itong kasunduan." sabi niya sa akin. At sinusuri kong ano ang magiging reaksiyon ko.

Six pairs of eyes are on me. I try as hard as I can to think of a reason to turn him down....

(Wala akong matutuluyan pagkatapos nitong linggo.. Hindi ako pwede kila Mommy dahil ang alam nila mag aasawa na ako)

(Tama na siguro ang tatlong buwan para makahanap ng trabaho at apartment.. Gaya nga ng sinabi ni Yamato, isipin ko na lang na trabaho Lang ito)

"Nahihirapan na siyang magpasya" sabi ni Yuta.

"Parang isang anghel sa kanan  at demonyo sa kaliwa ha" sabi naman ni Saeki.

"If you say so..." saad naman ni Ren na wala na yatang ibang masabi...

"So ano sagot mo? nayayamot na tanong ni Yamato. "Just to be clear, wala ka ng choice kundi tanggapin ang inaalok ko. Sabi niya na parang nagbebenta ng product na limited edition.   "May utang ka sa akin, dahil tinulungan kita" dagdag pa nito... nahiya naman ako sa tulong mo e noh...

(Nganga lang ako. Hindi ako makapag isip)

"Hey" pukaw sa akin ni Yamato. Dahil nakatunganga na naman ako sa dami ba naman ng iniisip ko.

"Ang gagawin ko lang ay magpanggap na asawa mo, diba?" tanong ko sa kanya.

"Syempre... Hindi rin naman kita gusto.... Ayaw ko din naman ng may mas higit pa diyan" sarkastiko niyang sagot.. Ang talim ng tabas ng dila nito...

"What?" bulyaw ko sa kanya with matching laki mata.

"Whatever. Tatanggapin mo, hindi ba?" sabi niya pero hindi ko sinagot... Hindi ba? tanong ulit niya..

NapaOO na lang ako.. Eh ang kulit eh...At saka wala na rin akong ibang pagpipilian..

"Okay"! bulalas niya. Tumayo siyang may ngiti sa labi. At inabot sa akin ang Kanang kamay.

"Hold your hand out too." utos niya.

"Bakit?" tanong ko..

"To shake on it" sagot naman niya..

Tinignan ko lang ang kamay niya.

"Dali na." apura niya sa akin.

(Nagdadalawang isip ako, subalit tinanggap ko din ang kanyang kamay. Binigyan niya ako ng isang mainit na pakikipagkamay.)

"Ngayon, mag asawa na tayo" anunsiyo niya sa akin... diko alam kung bakit may biglang sumikdo sa isang sulok ng aking puso pagkadinig iyon.

iwinaksi ko ang iniisip.

"Makikilala na rin kita ng husto" sabi niya sa akin na ang dating ay parang demonyo.

(kailangan kong magpanggap na asawa niya... At magkasama.)

(What have I done?)





My Fake Wedding (Nami)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon