P.1

45.1K 306 8
                                        

Hi I'm Nami Yamanaka. Yes, I'm a japanese.

25 years old.

Welcome to Japanese World.

10:00 am

(Why...?!) tanong ko sa aking sarili habang tumatakbo.

(Why is this happening...?!) tanong ko ulit sa aking sarili. Nung patakbo na ako sa may crosswalk-

Beep! Beep! Beep!

Narinig ko ang malakas na busina ng truck. Nagulat ako..

"Hoy! Tanga! Tignan mo dinadaanan mo! bulyaw ng driver sa akin. Dahil sa gulat ko napatalon ako at nadapa.

"Aray..." Napangiwi ako ... I start to get up. But pain shoots through my leg. Ang sakit na ito ay nagsasabing hindi ito panaginip.

(I had no idea things would turn out like this an hour ago)

Napamura na lang ako sa aking sarili.

An hour ago...

8:00 am

"Kunian Bar"

Ang gandang pagmasdan ang bagong renovated Japanese-style bar.

"Napakagandang lugar..."

(It's like a sophisticated hideaway. Tamang tama para sa amin ito sa paghaharap namin sa aking mga magulang.)

Nandito ako para ipakilala ko ang aking fiance sa aking mga magulang. Ang bar na ito ay pinapatakbo ni Uncle KuniHiko.

Laging sinasabi sa akin ni Mama itong lugar na ito,Pero ito ang first time ko pumunta dito.

Nervous, but also excited, binuksan ko ang pinto...

Clang Clang

"Hey" bungad sa akin ng isang lalakeng nasa counter.

(wow... Ang ganda dito sa loob.) sabi ng isip ko.

"Doon." turo sa akin ng lalaki.

"Thank you" sabi ko at tumalikod na.

Pagkaupo ko, dinalhan agad ako ng lalaki ng tubig.

"What can I get you?" tanong sa akin ng lalake.

"Um, Coffee." sagot ko. Tumango lang siya at umalis na.

(Yun ba si Uncle Kunihiko? Hindi maari.) ang tinutukoy ko ay yung lalake kanina.(parang hindi ko siya matandaan)

Then, may isang tao na sumigaw sa loob ng bar. "All right! Home run!"

Napadako ako sa gawi ng isang grupo ng mga kalalakihan na nanonood ng baseball sa TV.

Parang regular sila dito, at enjoy na enjoy sila sa panonood ng laro.

At nandito na ang aking kape.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inamoy ang aroma ng kape. (this smells so good).

Hihigop na sana ako ng kape nang may biglang bumulagta sa harap ko.

"Huh? Is that Nami?" gulat na sabi niya. Tumingala ako at may isang parang hindi malinis tignan na bulto ng lalake na nakatayo. Long hair ito at medyo kulot taz may bigote.

"Kayo ba.... si Uncle Kunihiko?" tanong ko din.

"Ikaw nga, Nami! Hindi kita nakilala!" gulat na sambit ni Uncle Kuni.

"Ako din pO.. Malaki po ang pinagbago niyo Uncle." saad ko. (hindi ko siya nakilala sa laki ng pinagbago niya) para na kasi siyang leader ng mga adik. Pero gwapo pa rin ito kahit mukhang adik.. haha

"Um, Thank you for telling me about this place!" pasasalamat ko sa kanya.

"Sus, wala yun. Hindi naman sa lagi tayong abala. Ah, oo nga pala Mr. Manager! Pwedeng magdagdag ka pa ng isang coffee beans? utos ni Uncle dun sa lalakeng nandun sa counter.

"Manager?" taka kong tanong kay Uncle. "Pero ... Diba sa'yo 'tong lugar na ito?

"Oo, sa akin ang lugar na ito pero sa manager ko ito iniiwan ang trabaho, at nagrerelax lang ako." paliwanag niya.

"Oh i see" tugon ko.




My Fake Wedding (Nami)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon