....

9.1K 87 0
                                        

" Hwag ka lang tumunganga at umupo diyan. Things'll get awkward" sabi nito. Napansin niya siguro na hindi ako nagsasalita.

"Pasensya ka na... Kung nagtanong ako about something so personal"

"Okay lang... Mag asawa naman tayo, di naman magandang tignan kung hindi natin kilala ang isa't isa, diba? Feel free to ask me anything from now on." sabi nito. At parang umaliwalas ang mukha niya..

Lumapit siya sa akin dito sa sala na may dalang tsarera(teapot) at tea cups na nakalagay sa tray..
"Okay lang ba sayo ang Japanese tea?" tanong nito sa akin.

"Oo naman... Wow, gumagamit ka ng teapot?"

"Yan ang tamang paggamit" sagot nito.

"Wala pa akong nakikilalang single na gumagamit ng teapot"

"Di na ako gumagamit ng ibang pamamaraan" saad nito.

Ang galing niyang magsalin ng Tsaa. Wala akong ibang ginawa kundi ang panoorin siya.

(Akala ko isa siyang arogante, walang galang at masakit magsalita.... Pero pinapanatiling malinis bahay niya..  At alam niya kung paano gumawa ng tsaa... Maybe he's more domestic than he looks?)

"Here you go" sabi nito at inabot sa akin ang isang tasa ng tsaa.

"Thank You very much" sabi ko at hinigop ang mainit na tsaa.

Ang aroma at kapaitan ng Japanese Tea ay Nakakaginhawa.

"It's so good..." puri ko dito sa tsaa niya. Eh totoo naman eh..

"Syempre... Dapat laging ganyan ang sinasabi mo..  AT iisipin kong... hindi ako masamang tao." saad nito. Napakapormal talagA. Ngumiti ka naman sabi ng utak ko.

" But it really so good. Siguro dahil ginawa ito ng mabuti" sagot ko dito.

"Magiging masaya ang Lola ko" sabi nito at sa wakas ay nasilayan ko ring sumigla ang mukha niya.

Habang humihigop ako ng tsaa. Iniisip ko ang mga sinabi niya.

(Namatay ang Mama niya noong nasa Junior High siya, pagkatapos pinalaki siya ng Lola niya... How about hes father?)

(Hindi niya binanggit ang papa niya... I wonder if something happened between them?)

"Una, mag go grocery tayo para sa dinner. Malapit lang dito ang Supermarket, nandun na lahat ang mga kailangang bilhin." sabi nito.

"Okay.. SIge..." Tumango ako...

......

Nandito ako ngayon sa supermarket kasama siya. Magkasama naming tinutulak ang shopping cart at pumipili ng mga bibilhin.

"Kuha na din tayo ng pang Breakfast.... Ano nga pala ang gusto mong breakfast?" tanong nito sa akin.

"Okay na ako sa kanin" sagot ko naman."Ako rin... Mas gusto ko Japanese Food.. Meron ng itlog sa bahay.. Kaya kukuha tayo ng salmon at Hijiki at.....

"Teka.... Pigil sa akin ni Yamato.

"Ha? bakit? gulat kong tanong..

"Tinignan mo ba ang salmon bago mo nilagay diyan?" tanong nito sa akin..

"Hindi..... Hindi masayado.. Sagot ko dito.

Iniisip ko kasi habang nag go grocery kami ng ganito, parang totoong mag asawa talaga kami. iniisip ko kung mag go grocery din kami ng tunay kong asawa....

My Fake Wedding (Nami)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon