CHAPTER 13

7.6K 143 14
                                    

***FLASHBACK



NA-SURPRISED TALAGA siguro si Cristy sa surprise ko. Di siya makapaniwalang kay Nicole ko siya dadalhin, hawak-kamay kaming pumasok.



"Kaya pala ayaw mong pumunta tayo rito kanina?" nakangiting sabi niya.



"Nagustuhan mo?"



"Umm? Pwede na?"



"Anong pwede na?"



"Okay. Nagustuhan ko, sooobraaa!"



"Talaga?"



Tumango siya. "Kaya pala nawala yung apat kanina?"  natatawang sabi niya.



Natawa ako tapos hinalikan ko siya sa kamay. "Tara?" yaya ko.



Tumuloy kami sa table for two at pinaupo ko siya. Inalis ko ang takip sa pagkain. Parang fine dining ang set up ng table. Pati yung foods – ang class ng dating. Maaasahan talaga yung apat na yun. Bago ako naupo nag-pour muna ako ng wine sa wine glass namin. Wala naman gaanong tama ang wine na 'to, kaya pwede 'to kay Cristy.



"Parang tunay, hah?" abot taingang ngiting sabi niya.



"Bakit? Parang joke ba?"



"Um? Di naman."    



Tapos in-on ko yung music. Instrumental ng paborito niyang kanta. Lalong nagningning yung mga mata niya. Ang ganda niya talaga.



"Let's eat?" sabi ko.



"Wait pictures muna. Tapos upload natin mamaya." Nakangiting tumango ako sa gusto niyang gawin.



Kinunan niya ng pictures yung set up ng table; yung pagkain, wine, mga flowers at yung mga scented candles na nakapalibot sa room. Pati yung mga rose petals na nagkalat, pero maayos naman tingnan. Tapos nag-selfie pa kami.



Masaya kaming kumain at may masarap kaming foods and drinks. Nagsubuan kami at nagpunasan ng labi ng isa't isa. Pero ang talagang nagpasarap sa pagkain namin ay ang masaya naming kwentuhan, na parang normal na magtropa lang.



"Dream date ko 'to." Matamis na ngiting sabi ni babe nang matapos kaming kumain.



"Pero di pa tapos ang gabi."

               

"Meron pa?" Nag-smile lang ako sa tanong niya.



Tumayo ako at pumunta sa tabi niya, at inalok ko ang kamay ko. Wala akong sinabi pero natawa siya. Alam na niya siguro na gusto ko siyang isayaw. Inabot niya ang kamay ko at tumayo siya. Nilakasan ko nang konti ang sounds. At isinayaw ko na siya, natatawa siya. Pati ako natawa na rin sa kachessyhan at kakornihan kong pinaggagawa. Pero ganun naman talaga, kapag gusto mong pasayahin girlfriend mo, magpapakakorni ka.



Ibinigay ko ang surprise gift ko for her this Valentines, gold necklace na may heart-shaped pendant. She smiled and mouthed thank you nang maisuot ko sa kanya ang kwentas.



"Babe, ako walang gift?" patampong tanong ko.



"Later." Pilyang sagot niya. Pilyong napatikhim naman ako at natatawang pinalo niya ako sa balikat.



Di lang sweet ang sinayaw namin, pati pop and RNB binanatan namin, nag-hip-hop at rakrakan pa. Nagpagalingan pa kami ng steps at ginaya ang moves ng isa't isa. Talagang napaka-perfect lang ng gabing 'to.



"Upload na natin mga pictures." Sabi niya habang nagpapahinga na kami sa sofa, napagod sumayaw, eh. Talagang napakasaya niya. Pinagmasdan ko lang siya.



Pero bigla siyang tumahimik at naging seryoso habang nakatingin sa cellphone niya. "Bakit, babe?" tanong ko at binigay niya sa 'kin yung cp niya.



Pinakita sa 'kin ni Cristy ang mga pictures namin ni Excuse me girl. Pictures nang puntahan ko siya sa upuan niya at hilahin palabas ng classroom na magkahawak kamay. May pictures din nang naglalakad kami sa hallway na holding hands pa rin, na aakalain mong magsyota kami. Maraming shots ng pictures at may caption pang 'He's Dating The Loser'.



Na-guilty naman ako dun. Parang pinagkakaisahan siya sa dami ng negative comments about her. Parang may instant group of haters na si Excuse me girl. Pero may ilan naman na pinagtatanggol siya. Hindi ilan, isa lang pala. At may ibang nag-comment na may binibenta lang pala. May permission to post pa? At yung isang tagapagtanggol ni Excuse me girl parang nakipag-away na ata sa mga haters?



Natigilan ako nang makita ko ang ilang sequence pictures, yung hinabol ko siya. May kuhang tumatakbo ako palapit sa kanya at may kuhang hawak ko na ang kamay niya. naka-smile kami sa mga pictures na yun at parang napakasaya namin.



Sunod na mga pictures, kasama na namin si Cristy. May caption pang 'The Legal GF'. May ibang ginawan pa ng 'memes'. Haist! Minsan talaga di na rin nakakatuwa! Naawa talaga ako kay Excuse me girl, ang harsh na kasi talaga ng ibang mga comments. Na-cyber bully siya na walang kasalanan. Ang mean naman ng mga schoolmate namin. May mga taga-ibang school pang nakisawsaw.



"Babe?" si Cristy. Actually kanina niya pa ako tinatawag.



"Sandali," yun lang naging tugon ko.



Ewan? Pero habang nakatingin ako sa picture na 'to ngayon. May kung ano akong nararamdaman? Something strange? Sa photo na 'to nakatalikod si Excuse me girl. Nakatingin siya sa 'min ni Cristy habang palayo kami. At ako, lumingon sa kanya. Pero gan'to ba talaga yung mukha ko nang lingunin ko siya? Parang sinasabing di ko siya dapat iwan? Ugh! Ewan!



Sunod na picture, nakaharap siya. Nakatalikod na ako at malayo na kami ni Cristy, in fairness galing ng shot. Pero parang sumikip yung paghinga ko sa picture na 'to? Umiiyak siya? May luha, eh? Bakit? Gusto niya talaga ako? Napahinga ako ng malalim. Nanikip kasi talaga dibdib ko. Parang gusto kong punasan yung luha niya? Ngek?



Pinagmasdan ko yung mukha niya, ni Excuse me girl – ni Chelsa. Ayaw kong lumuluha siya. Bakit? Di ko namalayan, pinupunasan na ng hinlalaking daliri ko yung mukha niya sa screen.



Biglang inagaw ni Cristy yung cellphone niya. "Ano bang nangyayari sa 'yo?" kunot-noong tanong niya.



"Hah? W-Wala!" tapos tumayo ako para uminom ng tubig.



Haist! Shit! Ano ba talagang nangyayari sa 'kin? Tanong ko sa sarili ko pagkainom ko ng tubig. Tapos parang naghahabol ako ng hininga. Ano ba 'to?



"Yan yung kanina. Di ba napaliwanag ko na yan sa 'yo?" sabi ko kay Cristy nang makabalik ako sa tabi niya.



"I know. Wala kang dapat i-explain." Sabi niya. Pero salubong kilay niya.



"Baka kasi galit ka?"



"Hindi ako galit." Pero parang?



"Umm, Okay. Si Excuse me girl?"



"Sino?"



"I mean, siya? Si Chelsa?"



"Ano?"



"Wala ba talaga siyang mga kaibigan?"



"Hindi ko alam? Malay ko ba? Ba't mo natanong?" at ba't ko ba talaga kailangan itanong yun?



"Ang mean lang kasi ng mga schoolmate natin. Kung ano-ano yung mga sinasabi nila. Tapos baka kung anong gawin nila sa kanya sa school? Baka i-bully siya? Tapos walang magtatanggol sa kanya."



"Concern ka sa kanya? Kailan pa?"



"Hindi ako concern. Ang point ko lang, wala lang naman kasi yung mga nangyaring yun. Alam mo yun di ba? Tapos pinapalaki lang nila."



"Kung wala lang yun, ba't mo inaalala?"



"Hindi ko inaalala yun. Ang inaalala ko lang si Chelsa. kawawa naman yung tao. Wala naman siyang ginawang masama."



"Inaalala mo siya? So concern ka nga sa kanya?"



"Hindi ako concern sa kanya!"



"Ba't ka sumisigaw?!"



"Hindi ako sumisigaw!"



"Eh, sumisigaw ka, eh!"



"Hindi nga!" tumahimik si Cristy. Ang sama ng tingin niya sa 'kin. "Okay, I admit napasigaw nga ako. Sorry." Paumanhin ko. Ba't ba ako masyadong defensive nang sabihin niyang concern ako kay Excuse me girl.



"Uuwi na ako. Ihatid mo na ako." Diretsong sabi niya sabay tayo. Pero pinigilan ko siya at muling pinaupo.



"Wait, okay? Sorry, na nga. Ang gusto ko lang naman sabihin, na hindi niya deserve yung ma-cyber bully nang ganun. Ako yung may kasalanan, nagi-guilty lang ako. Pwedeng pabura nung mga photos? I-report mo or i-block mo sa page yung mga nag-upload."



"Okay, pagdating ko sa bahay." Sagot niya.



"Ba't di pa ngayon?" tanong ko.



"Nagmamadali?" inis na sabi niya.



"Di naman. And sana, wag mo na lang munang i-upload yung mga pictures natin."



"Ano? Ba't kailangan pa yun?"



"Baka kasi kung ano pa ang sabihin ng iba? Baka lalo siyang pagtawanan 'pag nakita yung mga pictures natin ngayon? May feelings din naman yun." Paliwanag ko.



"Feelings para sa 'yo?"



"Babe naman?"



"Feelings mo para sa kanya?"



"Babe?!" napalakas yung boses ko. Kasabay nun biglang.



TOOOT!



"You fart?" gulat na tanong ni Cristy.



"Hah?"



"Narinig ko! Umutot ka, Nate! So, you tell a lie! I can't believe this? Ang baho!" nakatakip ilong niya. Pati ako napatakip na rin. May amoy nga? "May feelings ka sa kanya?"



"Wala!"    



"Siya may feelings sa 'yo?"



"Hindi ko alam?"

                 

"Take me home!"



"Wait lang. Babe, naman?"       



"Now!"



Sabi niya hatid ko siya? Pero ending, sa driver ko lang siya nagpahatid at naiwan ako. Kung pwede na sana akong mag-drive di sana wala siyang choice kundi magpahatid sa 'kin. Marunong naman ako mag-drive, nakakainis lang ang driver namin masyadong masunurin kay mommy kaya di ako makahawak ng manobela. Binalikan na lang ako ng driver ng maihatid na niya si Cristy.



Pero ba't ganun ang babae? 'Pag may hinala tungkol sa bf nila, parang akala mo laging tama? Magtatanong, di maninilawa kapag sinagot mo at iinit agad ulo. Haist! Stress! Babae talaga!



Pero ba't ba kasi ako nautot? Shit! Ba't ba kasi may mga instance na bigla na lang ako nauutot at the middle of conversation? Kapag parang nagpapalusot ako na wala nang lusot, kapag nagsisinungaling or kapag nati-tense, ba't ganun ako? Kainis!. Pero kanina, saan ba dun yung pagsisinungaling? Di naman ako nagpapalusot? Do I lie? Or na-tense lang ako? O baka naman sa kinain namin or sa wine? Haist!



***END OF FLASHBACK

~~~

KAGABI PA AKO tumatawag kay Cristy, ang dami ko na rin text pero wala siyang sagot hanggang ngayon. Di niya pa binura ang mga pictures namin ni Excuse me girl na nagkalat sa social media. Di pa rin din niya in-upload mga pictures namin kagabi. Kainis talaga!



Pagkaubos ko ng soft drinks, naglakad na ako pabalik sa classroom Normal yung paglakad ko, pero bigla na lang parang bumigat ang mga paa ko. Natigilan ako at di makahakbang, si Excuse me girl, kasalubong ko. Tumigil din siya sa paglalakad.



Nakatitig lang ako ngayon sa kanya – nakatingin din siya sa 'kin. Dahan-dahan kaming humakbang at naglakad. May mga bulungan. Pero ang inaalala ko, ang hirap – ang hirap huminga? Tulad nang naramdaman ko kagabi. Ito na naman siya, shit!



Hindi ko alam kong alam niya yung mga pinag-uusapan sa school tungkol sa kanya. Ngumiti siya, maaliwalas ang mukha niya. Parang medyo lumuwag ang paghinga ko, mabuti ayos siya. Akala ko nga di siya papasok, pero nandito siya at nakangiti. Hindi ko makuhang gumanti sa ngiti niya. Napansin ko lang ang hair style niya, si Sadako ba ginagaya niya? Matatakpan na kasi ng buhok niya ang buong mukha niya.



Oh, shit! Si Cristy, naglalakad papunta sa direksyon namin, di ko siya napansin agad. Nasa likod lang pala siya ni Excuse me girl. Paktay! Tumigil sa paglalakad si Cristy nakatingin siya sa 'kin na halatang masama pa rin mood.



Nakatingin pa rin sa 'kin si Excuse me girl nang ibaling ko ang tingin ko sa kanya. At muling ibinaling ko ang tingin ko kay Cristy nang mapansin kong papalapit na siya kay Excuse me girl. Ang classic dun, maraming nakatingin sa 'min at nagbubulungan. Haist! Stress!

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon