SUMIPSIP SI KRISTAN sa bote ng soft drinks ko. Pagkasipsip niya, inangat niya ang straw na may laman pang di naiinom. Inihip niya sa 'kin yung laman, sapol ako sa mukha. Nabasa at gumapang hanggang damit ko ang soft drinks na mula sa straw. Gulat akong napatingin kay Kristan, nakangiti siya sa 'kin. Ngiting demonyo, kabaliktaran ng ngiti niya kahapon nang habulin niya ako at yayaing magkape. Confirmed, ako na ang next victim.
"Malamig pa ba?" kaswal na tanong niya na parang wala siyang ginawang kalokohan.
Hindi ko siya sinagot. Galit na galit ako! Tumayo ako at pinandilatan siya ng mata. Lumaki butas ng mga ilong ko, parang gusto ko siyang ipasok, eh! Nakangisi lang siya, sinapak ko nga! Tapos sinubsob ko siya sa spaghetti at nginudngod ko pa! At inuntog-untog ko pa!
Tatayo sana si Awin pero siniko ko siya at sinuntok pa sa mukha nang tatlong beses! Ayun dugo yung ilong niya.
Tumayo si Arvin at susugod sana sa 'kin, pero inunahan ko siya ng sipa. Sinipa ko siya sa dibdib at mukha. Ayun bulagta!
Galit na patayo na sana si Kristan, kumuha ako ng upuan at hinampas ko sa likod niya hanggang kalimutan na lang niyang tumayo. Hinampas ko na rin yung dalawa para di na makatayo pa, at syempre hindi tig-isang beses lang.
Papalapit si Melcho at gulat na gulat siya sa nadatnan niya. Sinugod ko siya at sinipa ang hawak niyang tray. Ayun, tumama sa mukha niya. Tapos hinampas ko rin siya ng upuan. Akala nila kaya nila ako? Nakahanap sila ng katapat nila! Mga bungol!
Pero joke lang.
Hindi ko naman kayang gawin yun. Parang di ko kayang manakit. Pero aaminin ko, sana totoong nagawa ko sa kanila ang mga bagay na yun, dahil sino ba sila para apihin ako? May mga bagay tayong hinahangad gawin sa iba para makaganti, but at the end of the day, we'll realized na tamang di natin ginawa. Dahil hindi magiging tama na tapatan ang mali ng isa pang pagkakamali.
Hindi ako sumagot sa tanong ni Kristan. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ko ang mukha ko. Nilibot ko ang paningin ko, halos lahat nasa amin ang mga mata. Hindi nila ako pinagtatawanan, pero sa mga tingin nila ramdam ko ang pangungutya.
Parang sinasabi ng mga tingin nila na, na deserved 'to. Parang naririnig ko sa mga tingin nila ang mga salitang, buti nga! Kulang pa yan! More! Wala man lang sumaklolo sa 'kin. Ayaw kong umiyak pero unti-unting pumatak ang luha ko. May takot sa dibdib ko, hindi dahil sa maaring gawin ng grupo ni Kristan sa 'kin, kundi dahil sa idea na mag-isa lang ako. Nakakatakot pa lang mag-isa.
Muli akong inihipan ng soft drinks sa mukha ni Kristan. Nagtawanan naman yung dalawang kasama niya. "Wag kang umiyak. Nagjo-joke lang ako." Nakangiting sabi niya. Mga tao ba talaga ang kaharap kong 'to?
Muli akong nagpunas ng panyo, at unconsciously, napatingin ako sa grupo nina Nate. Napansin ko ang malditang ngiti ni Cristy, pero di ko na pinansin. Nakatitig ako ngayon kay Nate – nakatingin din siya sa 'kin. Ewan ko, pero parang gusto ko siyang titigan lang sa ganitong sitwasyon. Pakiramdam ko unti-unting nawawala ang takot ko kapag nakatingin lang ako sa kanya. Parang nawala ang kaba ko. Nagiging maayos ako. May assumption na di ako mag-isa. Nandyan siya.
~~~
> NATE'S POV <
HINDI AKO MAKAHINGA. Parang kinakapos ako ng hangin. Ito na naman 'to. Ngayon nakatingin ako kay Excuse me girl. Nakita ko kung pa'no siya binully ni Kristan. Nakita ko ang mukha niya. Natatakot siya. Umiyak siya. Lalo akong hiningal. Ano bang nangyayari sa 'kin? Nagagalit ako. Gusto kong manuntok. Gusto ko siyang tulungan. Parang lalo akong kakapusin ng hininga kapag tumahimik lang ako.
"Tumigil ka." Si Cristy at hinawakan niya ang kamao ko. Patayo na sana ako. "Dito ka lang." napatingin ako sa kanya.
Pero binaling ko ulit ang tingin ko kay Excuse me girl. Kailangan ko siyang puntahan. Pakiramdam ko mawawala ang hingal ko kapag tinulungan ko siya. Kapag inalis ko siya sa sitwasyong yun, pakiramdam ko makakahinga ako ng maayos. Tumayo ako at napatingin ang tropa ko. Hinawakan ako ni Cristy pero inalis ko ang kamay niya. Parang naging blangko ang lahat. Tipong unaware ako sa paligid. Siya lang ang nasa isip ko, ang babaeng kanina ko pa tinitingnan.
Diretso akong naglakad papunta sa table ni Excuse me girl kasama ang grupo nina Kristan. Masama ang tingin ng mga ungas nang nasa harapan na nila ako. Ngumiti lang ako at tumingin kay Excuse me girl, nakita ko sa mukha niya na nagulat siya. Naramdaman ko ang takot niya. Parang gusto kong sabihing, wag kang mag-alala, nandito na ako.
Oh, shit! Bakit ko ba ginagawa 'to? Isyu na naman 'to, eh! Nabulong ko sa sarili ko. Pero nandito na ako. At nandito ako para sa kanya. Sa babaeng nakatitig sa 'kin at tinititigan ko rin. "Pwedeng makiinom? Di na kasi malamig yung drinks ko." Sabi ko sa kanya.
Tumango lang siya. Kinuha ko yung soft drinks sa tapat ni Kristan at tinapon ko sa harap niya yung straw. Ramdam ko ngayon ang tensyon ng mga taong nakatingin sa min. Pero parang balewala sa 'kin mga iniisip nila.
Uminom ako pero di ko nilunok, binuga ko yun kay Kristan, sa mukha niya. "Sorry, pre, sobrang lamig kasi." Nakangiting sabi ko. "Malamig ba?"
Nagngingitngit na tumayo si Kristan habang nagpupunas ng mukha, tumayo rin sina Awin at Arvin. Si Excuse me girl yumuko lang at napansin kong nanginig yung mga kamay niya habang magkahawak. Parang gusto kong hawakan ang mga kamay niya. Parang gusto kong sabihing, wwag kang matakot, di ka na masasaktan, nandito ako.
Tinulak ako ni Kristan at tinulak ko rin siya. Biglang may humila sa kamay ko – si Cristy. Namagitan siya sa 'min.
"Itigil niyo 'to!" sigaw ni Cristy. Tiningnan niya kami ng masama ni Kristan. Pero nagtitigan pa rin kaming dalawa. Titig na parang sakal na namin ang isa't isa.
Tumayo si Excuse me girl. Aalis na sana siya pero hinawakn siya ni Kristan, napansin kong nasaktan siya. Nakita ko ang pagdaing sa mukha niya sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni ungas.
"Dito ka lang. Di pa tapos ang party." Matigas na bigkas ni Kristan.
"Nate, halika na!" yaya ni Cristy sa 'kin at hinila niya ako paalis. Pero bumitaw ako. "Nate!" napasigaw siya pero di ko siya pinansin.
"Di pa raw tapos ang party." Sarkastikong sabi ko.
Binalikan ko si Excuse me girl, si Chelsa, binalikan ko siya. Hinawakan ko siya sa isang kamay at hinila ko siya palayo kay Kristan. Hindi ko alam kong bakit. Pero pakiramdam ko talaga mawawala ang hirap ko sa paghinga kapag tinulungan ko siya.
"Hindi siya bagay sa party n'yo, pre. Normal siya para maki-join sainyo. Kayo na lang ang mag-party kasama mga pet mo." Nakangiting sabi ko kay Kristan na may pang-aasar.
Ang weird na ng pakiramdam ko; ayaw kong nakikita siyang nahihirapan, ayaw kong nasasaktan siya at ayaw kong kasama niya si Kristan. Dala pa ba 'to ng guilty ko dahil sa nangyari sa kanya? Dahil sa nabu-bully siya dahil sa 'kin, yun ba yun? O ito na ang gusto kong gawin. Gusto ko ba siyang protektahan? Ewan, pero ang alam ko gusto ko siyang ilayo sa lugar na 'to.
Di ko alam kung may kinalaman pa sa 'kin ang pangbu-bully ni Kristan kay Chelsa? May naiisip ako. Pero sana mali ang hinala ko. Naglakad ako hila siya. Di ko alam kong saan kami pupunta. Basta makaalis lang kami sa lugar na 'to. Wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao. Alam kong galit na galit ngayon si Cristy sa ginawa ko. At baka lalong ma-bully na naman ngayon si Chelsa. Ang grupo ni Kristan, siguradong reresbak ang mga yun, pero wala rin akong pakialam.
Basta ngayon hawak ko ang kamay niya. Payapa ang paghinga ko. Nilingon ko siya, wala na ang takot sa mukha niya. Nakatingin din siya sa 'kin, at natigilan ako sa titig niya.
Tog tog tog togtog togtog togtogtogtogtogtog! Oh, shit! Puso ko ba yun?
~~~
"PWEDE KA NANG bumitaw." Ako kay Chelsa. Hindi niya pa kasi binibitiwan ang kamay ko samantalang bumitaw na ako. Nandito kami ngayon sa roof top. Ewan ko ba't dito ko naisip pumunta. Siguro talagang kailangan ko ng hangin. Kanina kasi nang magkatitigan kami nagloko yung system ng puso ko. Parang biglang bumilis yung tibok. Maayos na sana paghinga ko, eh. Tsaka dito, walang mga tao. Kaso baka isipin niya na gusto ko siyang masolo?
"S-Salamat kanina." Mahinang sabi niya. Hindi ako sumagot. Huminga ako ng malalim at nag-stretch ng mga kamay. Tumingala ako at nakapikit na lumanghap ng sariwang hangin.
"Wag masyadong malagkit ang tingin. Baka magdikit mukha natin." Sambit ko. Tapos lumingon ako sa direksyon niya na nakapikit pa rin. Pagdilat ko, nahuli kong nakatingin nga siya sa 'kin. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya – ang cute. Napalunok pa siya at napa-smile ako. "Gwapong-gwapo ka sa 'kin, 'no?" medyo niloko ko siya at nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.
"Hah?" natigilan siya.
"Kung nakakatunaw talaga ang tingin, nag-melt na siguro ako rito dahil sa 'yo?" Kininditan ko pa siya. Nakyutan talaga kasi ako sa kanya sa sobrang pamumula niya.
Napayuko siya at natawa naman ako. Naupo ako sa bench na dala pa namin ng tropa ko rito sa roof top. Minsan kasi kapag bakanteng oras, tumatambay rin kami rito. "Upo ka." anyaya ko sa kanya at sinenyasan ko siyang maupo sa tabi ko.
Nakayukong lumapit siya at naupo. Pero parang masyadong malapit ata. Kaya umusog ako ng konti palayo. Natatawa talaga ako sa taong 'to.
"Yung kanina, wala kang dapat ipagpasalamat. Alam mo ba yung mga pictures na kumalat sa FB? Yung pinag-uusapan ng mga schoolmate natin?" nag-try akong magpaliwanag. Pero kailangan ba?
"Oo." Matipid na sagot niya.
"Nabasa mo ba yung mga comment… tungkol sa 'yo?"
Nakangiting tumango lang siya. Napatitig ako sa kanya. Alam kong may pain sa loob niya. Pero nakangiti siya. Siraulo ba 'to?
"Nagi-guilty ka kaya ginawa mo yun?" diretsong tanong niya.
"Medyo… ganun na nga?"
Ngumiti siya. "Akala ko cold ka masyado. May konsensya ka pala."
"Dahil ba gwapo ako kaya naisip mong cold ako? Syempre naman, may bait din ako sa katawan."
Tumango siya at natawa. "Lakas, hah?"
"Ng ano?"
"Ng bilib mo sa sarili mo."
Natawa ako. "Pero tama ka naman dun." Medyo sumeryoso ako. "Cold naman talaga ako. Ayaw ko lang na may nasasaktan dahil sa 'kin."
"Naging concern ka sa 'kin?"
"Umm? Siguro?"
"Lalo tuloy kitang nagustuhan."
"Hah?" napangiti ako. Type nga talaga ako nito?
"Wala." Tawa niya.
"Um, kanina… natakot ka ba masyado?"
"Sobra. Sobrang takot na takot."
"Pagdating ko, ba't parang lalo kang natakot?"
"Natakot kasi akong baka saktan ka nila."
Natigilan ako sa sinagot niya. Napatitig ako sa kanya. So, ako pa talaga ang inalala niya? Natakot siya na baka saktan ako?
"Sa tingin mo kaya nila ako?" may pagyayabang na tanong ko.
"Umm? Oo."
"Seryoso ka? Ako? Isang kamay lang talo ko na mga yun, eh!"
"Weh?"
"Aba? Loko ka, hah! Ako pa?" natawa lang siya. "Ngayon, natatakot ka pa ba?"
"Hindi na. Dahil magkasama tayong dalawa." Nakangiting sagot niya. Huminga siya nang malalim. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingala siya. Ano raw, dahil magkasama kami kaya di na siya takot?
Sandaling namayani ang katahimikan. Napakatahimik ng paligid. Nakatingin lang kami sa kalangitan. And out of nowhere, bigla siyang nagsalita.
"Pwede mag-confess?" diretsong tanong niya. Napatingin ako sa kanya – nakatingin kami ngayon sa isa't isa – mata sa mata.
Hindi ako nakasagot. Natameme ako. Parang nawala yung pagiging relax ko. Patay! Saan ba papunta 'to? Alam kong maraming may gusto sa 'kin at crush ako. Pero ngayon lang may gumawa nito. Anong sabi niya, pwedeng mag-confess?
Pwede mag-confess? Pwede mag-confess? Pwede mag-confess? Pwede mag-confess? Pwede mag-confess? Yun ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Tapos sinabayan pa ng malfunction na naman ng system ng puso ko. Bumilis na naman tibok nito. Oh, shit!
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasy~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...