CHAPTER 17

6.8K 135 15
                                    

> KRISTAN'S POV <



PAGLABAS KO NG Principal's office, hinila ako ni Carly palayo. Napaka-stupid ng pakiramdam ko ngayon. Ba't ko ba ginawa yun? Alam kong yun ang dahilan kaya heto kami ni Carly mag-uusap nang kaming dalawa lang.



"Di ba sabi mo di na kayo mangbu-bully ng babae? Ba't ginawa n'yo yun? Kaya pala di n'yo kami pinasama ni Evy dahil may plano kayong kalokohan?" panimulang sermon ni Carly.



"Ayaw kong pag-usapan 'to." Sagot ko at tinalikuran ko siya.



"Si Cristy ba?" tanong niya tapos hinabol niya ako at ngayon magkaharap muli kaming dalawa. "Siya ba, hah?" Hindi ako makasagot. Di ko alam kung anong sasabihin ko?



Nang minsang mag-inom kaming magbabarkada, inamin sa 'kin ni Carly na gusto niya na ako. Kahit alam niyang si Cristy pa rin ang mahal ko. Sinabi niya rin na galit na galit siya kay Cristy. Kinausap ko na siya nang harapan na wala siyang maasahan sa 'kin at pagkakaibigan lang ang pwede kong ibigay sa kanya, pero heto mapilit pa rin siya.

~~~

***FLASHBACK



Sa barkada namin, si Arvin at Melcho lang ang may dini-date. At dahil majority ang walang partner kaya ito kami group date na naman ngayong araw ng mga wasak na puso. Sumama na rin yung mga syota nina Arvin at Melcho. Tamang nomo lang kami ngayon dito sa bahay dahil wala naman tao dito at kami lang. Masaya kaming nagkantahan at biruan.



Sa kabila ng ngiti at tawa ko, malungkot ako sa loob ko. Si Cristy ang nasa isip ko, iniisip ko kung anong ginagawa nila ngayon ni Nate? Sana ako na lang ang ka-date niya. Naiinis ako at nagagalit! Parang gusto kong magbasag ng bote!



Habang nagkukwentuhan tumayo ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Nagulat ako nang makita ko kung sino ang tumatawag. Si Cristy? Bulong ko sa sarili ko. Nakita kong nakatingin sa 'kin si Carly. Nagmadali akong lumabas para sagutin ang tawag. Sa araw mismo ng mga puso tumatawag siya sa 'kin. At sa ganitong oras na ng gabi, 10:46 pm?



"Hello?" ani ko nang sagutin ko ang tawag.



"Pwedeng humingi ng favor?" si Cristy sa kabilang linya. Yun agad ang sinabi niya. Di man lang siya muna nag-hello.



"Ano yun?" tanong ko.



Nang sabihin ni Cristy ang favor na hinihingi niya, agad na niyang pinatay ang tawag. Napabuntong-hininga ako at napaisip – dapat ko bang gawin yung pinapagawa niya? Gagawin ko ba yun?



Pero si Cristy yun. Lahat gagawin ko 'pag sinabi niya. Lahat gagawin ko para sa kanya. Lahat gagawin ko bumalik lang siya ulit sa 'kin. Excited pa naman akong sagutin yung tawag niya, yun lang pala? Isang pakiusap na. Parang tawag na mula sa kaibigan mong matagal mo nang di nakikita tapos biglang magpaparamdam dahil mangungutang lang pala o kaya isasama ka sa networking. Pambihira.



***END OF FLASHBACK

~~~

"ANO, SIYA ANG nag-utos nun, di ba? Si Cristy? Alam kong galit si Cristy sa babaeng yun, dahil sa mga pictures ni Nate at ng babaeng yun. Kaya niya yun inutos, di ba? Ganyan na ba katanga ang puso mong yan?" at tinuro ni Carly ang dibdib ko. Tinulak-tulak niya pa ako.



Kita ko sa mukha niya ang galit. Pero di ko siya sinagot. Muli ko lang siyang tinalikuran at naglakad na ako palayo. Katangahan na ba talaga ang mga ginagawa ko to win Cristy back? Ang stupid ko na ba dahil sa love na yan? Pero mahal na mahal ko lang talaga siya.

~~~

> NATE'S POV <



PRACTICE NAMIN NGAYON ng cotillion para sa prom. Wala si Excuse me girl. Di na siya pumasok sa ibang subject kanina pagkagaling sa Principal's office. Ewan ko, pero parang apektado ang performance ko rito sa practice, di ako makapag-focus. Nakaapak na ako ng paa at nakabonggo. Haist!



Nandito rin sina Kristan at ang grupo niya, ang sama ng tingin nila sa 'min. Pero di ko pinapansin, si Excuse me girl lang talaga ang laman ng isip ko. Pero ba't ko ba siya iniisip? Sina Jasper, pinapatulan ang mga tingin nina Kristan at inaasar nila ang mga 'to. Si Cristy, naman saway ng saway. Pero ako di nakikisali. Lintik na Excuse me girl kasi! Nawala tuloy ako sa mood! Ugh!



A-attend kaya siya sa prom? Natanong ko sa sarili ko. Eh, ano naman kung oo o hindi? Haist! Excuse me girl, excuse lang! Umalis ka sa isip ko!

~~~

"1:15?"



Haist! Madaling araw na di pa rin ako makatulog! Nakakainis! Kanina pa siya paikot-ikot sa isip ko! 'Pag nakapikit ako, siya nakikita ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa kama, pero di ako makatulog. Piling ko pa kasama ko siya dito. Parang naririnig ko kasi ang boses niya, yung 'I love you' niya kanina paulit-ulit kong naririnig sa utak ko! Haaaaa! Asar!



Excuse me girl, excuse me lang talaga! Umalis ka sa utak ko! Baka kasi tumuloy ka pa sa puso ko, shit ka! Cho! Get lost! Mahihiga. Mauupo. Tatayo. Mahihiga. Kanina pa ako gan'to! Pagbukas ko pa ng TV kanina, siya yung nakikita ko sa babaeng artista. Haist! Baliw na ata ako? Pati utak ko may malfunction na rin? Shit!

~~~

"WALA KA NAMANG deperensya hijo, you're healthy. Normal naman ang vital signs mo at ang ECG, you're fine. Wala ka naman lagnat or kung anong infection. Ano bang sinasabi mong di normal sa 'yo?" si ninang Cathy. Siya ang family doctor namin. Nagpatingin na ako sa kanya kinabukasan.



"Pero ninang, wala ba talaga? Yung puso ko, bigla-bigla na lang togtogtogtogtogtog. Ang bilis. Tapos yung paghinga ko, kinakapos ako." Pagpupumilit ko.



"Baka naman na-i-stress ka lang sa school?"         



"Hindi po. Gan'to yun. May babae, kapag nakikita ko siya. Ayun na, togtogtogtogtogtog."



Pinagtawanan lang ako ni ninang. "Baka naman in love ka sa babaeng yan?"



"Hindi po. Ako? Sa babaeng yun? Mahal ko po si Cristy. Wala ba kayong pwedeng iresitang gamot sa 'kin?" sabi ko pa.



"Wala. Dahil wala kang sakit. Hay naku, Nate. Pinagtitripan mo ata ako? Sasabihin ko sa mommy mo na galing ka rito."



"Nang, wag po."

                                         

"Sige na. May mga pasyente pa ako. At papasok ka pa, di ba? Batang 'to."



"Pero ninang?"



"Baka naman hindi lang magkasundo ang isip mo," at tinuro ni ninang ang noo ko. "at puso mo?" at tinuro niya ang dibdib ko. "Kailangan niyan, magkasundo. Kailangan niyan, isa lang ang laman."



"Ano po?"   



"Tanong mo sa pagong." Ano daw? Tapos ayun, tinulak na ako palabas ng pinto at nagtawag ng pasyente. Adik din 'tong ninang ko, eh. Nagpapa-consult nga ako, eh. At saan ako hahanap ng pagong?



Tumuloy muna kasi ako dito bago pumasok sa school. Piling ko talaga kasi may sakit na ako. Haist! Pero wala ba talaga? Eh, ba't ako nagkakaganito? Napaisip ako sa sinabi ni ninang. Dapat isa lang ang laman ng isip at puso ko. Pero sino?



"Syempre si Cristy yun!" bigla kong nasabi pagpasok ko ng kotse.



"Sir?" tanong ni manong Billy, ang driver namin.



"Wala. Sa school na tayo." Napa-sighed na lang ako.

~~~

"MR. HERNANDEZ, DUN ka maupo sa dulo!" sigaw ni sir panot. Yun ang bumungad sa 'kin pagpasok ko ng classroom. Late kasi ako ng halos 30 minutes. Ba't ba kasi ang traffic sa Pinas?



Nagtext ako kina Jasper at Edward kung ano ginagawa nila? Reply nila, wala si sir, mga ungas talaga. Tapos ngayon pinagtatawanan nila akong lima. Nag-smirked lang ako nang mapatingin ako sa kanila, pag-uuntugin ko 'to, eh. Di ako nagtext kay Cristy, baka kasi magtanong pa nang kung an-ano. Tinawagan niya ako, sinabi ko lang na mali-late ako. Di ko sinabi kung ano ginawa ko at kung saan ako pumunta.



Habang naglalakad papunta sa dulo, napansin kong wala si Excuse me girl. Absent siya? Tanong ko sa sarili ko.



May iba pang upuan na bakante, pero naupo ako sa upuan niya. At ito na naman – system malfunction. Yung paghinga at tibok ng puso ko, di na naman normal. Napansin ko yung mga drawing sa arm chair niya. Mahilig sa vandalism pala ang babaeng yun? May drawing na butterfly, heart at star. Parang sinasabi sa drawing na butterfly love star. Ano yun? Di ko talaga gets? Pero habang nakaupo ako sa upuan niya, parang bumuti ang pakiramdam ko. Pero siya pa rin ang nasa isip ko. Wala ang focus ko sa lecture at di ko ma-absorb ang lesson. Anong virus ba meron ang babaeng yun?



Natapos ang klase na walang laman utak ko, siya lang. Ang daming tanong; ba't di siya pumasok, papasok pa ba siya, anong nangyari sa kanya, natakot ba siyang ma-bully ulit at kung galit ba siya sa 'kin? Haist! Kung ano-ano pa! Napansin din ng tropa ko na parang iba mga kilos ko. Kainis talaga!

~~~

> CRISTY'S POV <



PAPUNTA KAMI NGAYON ni Lhyn sa dress shop kung saan kami nagpatahi ng gown para sa prom bukas. Papasok na sana kami nang lumabas naman sina Carly at Evy. Mga pangit na 'to, dito rin bumili ng gown. Akala ko pang tao ang shop na 'to? Tinaasan kami ng kilay ng dalawa, parang sarap bunutin. Pero binigyan lang namin sila ng bitches smile namin ni Lhyn.



"Malandi na makati pa!" inis na sabi ni Carly. Parang sarap ingudngod ng nguso ng bitch na 'to sa semento!



"Di baleng makati, di pakamot. Eh, ang kapangitan mo, walang gamot!" nang-aasar na sagot ko. Natawa si Lhyn, at lalong nagngitngit yung dalawa.



"Gusto mo kalmutin ko yang pagmumukha mo?!" at siya pa ang may karapatang maunang magalit?



"Sorry, girl. Kahit anong kalmot ang gawin mo sa mukha ko. Still, mas pretty pa rin ako sa 'yo. Minsan nga nag-i-effort ako magpapangit, pero walang nangyayari, so sad. Pero masaya ako para sa 'yo kasi di mo na kailangan mag-effort. Dream ko kahit isang araw pumangit, but you, everyday day come true yun." At tinaasan ko siya ng perfect eyebrows ko.



"I know, right?" si Lhyn tapos nag-apir kami.



"Sa tingin mo kagandahan ka talaga Cristy?" ngitngit sa galit na si ateng.



"Oo! Pero ikaw, hindi!" sagot ko with whip my hair.



Natawa kami ulit ni Lhyn. "At di baleng malandi, bagay naman sa 'min. Eh, sainyo, ang sagwa! Kaartehan namin is cute, while sainyo, dugyot." si Lhyn tapos apir ulit kami.



"Gusto n'yong pakain ko sa sawa yang pagmumukha n'yo?!" sigaw ni Evy na parang luluwa na ang mata sa laki.



"Sinong kakain, kayo?" tanong ni Lhyn tapos tiningnan yung dalawa mula ulo hanggang paa.



"Sawa nga, di ba? Bingi?" ngisi ni Evy.



"Eh, mukha kayong sawa, eh! Tangi!" sagot ni Lhyn. Sarcastic laugh kami na may pang-aasar.



"At wag na kayong mag-effrot magpaganda para bukas. Baka tapos na February, di pa rin kayo gumaganda." Banat ko, at pinasadahan ko sila mula ulo hanggang paa with my bitches smile.



"Tingnan lang natin kung sino ang mag-i-stand out bukas." Aba? At may paghahamon si Carly. As if naman?



"Eh, di kami. Umaasa ka? Nasa harap mo na ang Prom Queen, oh?" sagot ko at nag-pose-pose ako.



"Sure ka?" ngiwi ni pangit.



"Oo. Sa 'yo lang ako di sure, kung tao ka?" tapos tawa kami ulit ni Lhyn at nag-apir.



"Halika na, Cristy. Baka mahawa tayo ng kachakahan! Ew!" sabay hila sa 'kin ni Lhyn.



"Okay, lang yun. Para kahit sandali maranasan natin maging chaka." Sabi ko na sinadya ko naman iparinig sa dalawa na para nang sasabog sa galit. Lumaki ang mga ilong nila. "Para ma-feel naman natin feeling nila every day!" dagdag ko pa at mas lumakas tawa namin.



"Baboo, mga chaka! Byeiii!" sabay pa naming sigaw ni Lhyn at kinawayan pa namin ang dalawa bago kami pumasok ng shop.



At pagkapasok namin, tawa kami nang tawa. Sarap talaga mang-asar lalo na sa dalawang yun. Eh, sila naman nauna, eh. May ganda naman ang dalawang yun, mga ingitera nga lang at insecure masyado sa 'min ni Lhyn kaya ang pangit ng tingin ko sa kanila. Tawagin pa kaming malandi? Did she even know the exact meaning of it?



Nagsukat kami ni Lhyn ng gown namin, super excited kami. Dapat kasi Tuesday pa lang kukunin na namin 'to, kaso na-delay kasi nagkaproblema rito sa shop. Kaya now lang namin makukuha. Eh, bukas na kaya ang prom! Kairita! So, irritating right?



"What do you think?" tanong ko kay Lhyn nang isuot ko ang purple gown ko at umikot sa harap niya.



"Clap clap clap! You look stunnin', honey!" sagot niya at nag-British accent pa siya habang pumapalakpak at palapit sa'kin.



"You're pretty too, darlin'" at ginaya ko siya. Haha!



"I know, right?" At nagtawanan kami. Napatingin naman yung mga staff sa min at yung ibang customer. Who cares? Excited lang talaga kami. If napapasaya ka ng isang bagay, ba't di mo gawin at ba't di mo kunin?

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon