***><~( PROM NIGHT )~><***
> CHELSA'S POV <
NAKATANAW NA NAMAN ako ngayon sa mga stars dito sa kwarto ko. Siguro sa prom, ganyan din karami ang mga ilaw? Siguro napakaganda nun at may iba't ibang kulay? Ano kayang pakiramdam na nandun ka suot ang maganda mong dress at nakaayos ka? Isipin ko pa lang nai-excite na ako. Siguro ang gaganda ng mga girls? May mga patalbugan ba talaga kaya tulad ng napapanood ko sa mga drama at pelikula? Yung mga boys, siguro ang gagwapo nila? Ayeeeii! Kakakilig siguro? Tapos yayayain ka nilang sumayaw! Waaaahhh! Pero sayang, di ko mai-experience ang pakiramdam na yun. Na-sad naman ako dun.
Si Nate, siguro napakagwapo niya ngayong gabi? Ano kaya suot niya? Ano kayang hitsura niya ngayon? Nakababa pa rin kaya ang bangs niya o sinuklay niya pataas? Kung pumunta kaya ako, mapansin niya ako? Napabuntong hininga na lang ako. Emote-emote na lang girl! Ayun, di ko na naman napigilan mapaluha.
Habang nasa highest level ako nang pag-emote ko, pumasok si mama. Nakangiti siyang lumapit sa 'kin at pinunas ang luha ko. "Don't cry my, princess." Si mama habang pinupunasan niya ang luha ko sa mukha. "Kami ng ate at papa mo ang fairy Godmother mo ngayong gabi." Nakangiting sabi niya.
"Mama?" ako. Ngumiti lang si mama at hinaplos ang buhok ko. Nakita kong papasok din sina ate at papa sa kwarto ko. Nakangiti si papa pero si ate as usual, simangot sa 'kin.
~~~
> NATE'S POV <
PAGBIHIS KO NG suit ko, napatingin ako sa mga stars sa labas ng bintana. Naalala ko yung drawing sa arm chair ni Excuse me girl. Ayun, naalala ko na naman siya. Attend kaya siya? Tanong ko sa isip ko.
"Baby boy!" si mom. Pasaway talaga. "Baka kanina pa naghihintay si Cristy! Di dapat pinaghihintay ang date!" sigaw ni mommy.
Bago ako lumabas ng kwarto, tiningnan ko pa ang sarili ko sa body mirror. "Why so perfect, Nate?" nag-mister pogi pose pa ako. Minsan talaga may pagka-jologs din ako, eh.
Pagbaba ko ng hagdan sinalubong ako ni mommy at inayos-ayos niya ang tie ko. Tapos parang naiiyak na siya. "Big boy na nga ang baby boy ko." Ang drama ni mama.
"Mom?"
Hinawakan niya ako sa mukha. "Sana nandito si daddy mo, para nakita ka."
"Ang OA n'yo."
"Gusto mo samahan kita dun?" at di man lang ako pinansin!
"Mom, seriously?"
"Joke lang, ikaw naman. Dikit kilay ka na naman." Sabay ayos niya ng nagdikit na mga kilay ko sa asar.
"Alis na ako?"
"Wait, selfie muna tayo. Isa lang." pangungulita niya. Ayun, picture-picture. Sabi isa lang. eh, halos sampu.
Sumakay na ako sa kotse. Mas astig sana kung ako mismo magda-drive. Kaso ayaw ni mommy. Haist! Pero na-realized ko habang nasa sasakyan, ang parents natin kahit napakaliit na bagay tulad nang pag-attend ko ng from, parang ang laking achievement sa kanila. In that way, mararamdaman mo kung gaano talaga tayo kamahal ng parents natin. Proud sila sa mga little things na nagagawa natin. We should love them back as much as they love us, or even more.
~~~
> LHYN'S POV <
Petsa na? Sabi ko wag siyang ma-late! Kainis ka talaga Jasper! Itutupi ko sa walo lalaking yun, eh!
Si Awin kasi kinukulit ako. Kanina, kakatawag lang papunta na raw siya. Naku, hah! Dati nag-date naman kami ni Awin, kaso wala, eh. Magkaibigan naman kasi kami noon. Pero hanggang doon lang ang feel ko sa kanya. Pero sa pinapakita niya ngayon, sa pangungulit niya, parang may something kilig na rin?
'Tong Jasper na 'to, patanga-tanga naman kasi. Di ko alam kong gusto ako o hindi. Straight forward ako magsalita at talagang bulgaran, pero di sa love life. Gusto ko syempre ako yung ligawan. Ayaw ko naman mauna. Dalagang Filipina, yeah!
Nang may marinig akong bumusina agad akong lumabas. Paglabas ko ng gate, taxi ang nakita ko. Agad akong bumalik papasok ng gate. Sabi kasi ni Jasper magdadala siya ng kotse. Baka si Awin yun? Pero pagsilip ko, si ungas na Jasper ang lumabas ng taxi. Anyare?
Nakasimangot akong lumabas ng gate. Inalok niya ang kamay niya para alalayan ako pero di ko pinansin. "Akala ko magdadala ka ng kotse?" simangot kong tanong.
"Nasira. Yung isa naman dala ni kuya." Parang gusto ko siyang papuntahin sa presinto para dun siya magpaliwanag! Kainis!
May humintong magarang sasakyan. Papasok na sana ako sa taxi pero napatigil ako. May bumabang gwapo – si Awin at diretsong lumapit sa 'min ni Jasper.
"Naunahan pala ako." Ang sad ng boses ni Awin pero naka-smile siya. Naawa naman ako.
"Sorry. Sabi ko sa 'yo wag ka na pumunta, eh." Nahihiyang sabi ko. Nakakahiya naman kasi talaga, sayang yung effort niya. Pero in fairness, mas gusto kong sumakay sa kotseng dala niya.
"Ganda mo." nakangiting sabi niya.
"Thanks. Ikaw rin gwapo mo." sagot ko sa kanya.
"Kaso parang di mo type ang kagwapohan ko?" eeeeeee! Ewan, pero may kilig factor mga ateng! Ganda ko teh!
Bigla akong hinawakan ni Jasper. "Mauna na kami ng date ko." Sabi niya kay Awin tapos pinapasok na niya ako sa taxi.
"Ingatan mo siya, pre!" bilin ni Awin, pero di inintindi ni Jasper. Ang hard, 'no? Garapal talaga 'to, eh.
Habang nakasakay na kami, tahimik lang si Jasper. Hala, parang di ako sanay? "Jelly?" parang may pang-aasar na tanong ko.
"Baliw." Mahinang sambit niya at hinawakan niya ang kamay ko. Pero sa unahan lang siya nakatingin. Pero kinilig ako unte. Eeeeeee!
"Bagay sa 'yo ang suit mo. Gwapo mo."
"Dati pa naman." Direstong sagot niya. Naks! Ang sabi ng confidence? Natawa ako, pero seryoso pa rin siya. Hala, di talaga ako sanay! "Sino mas gwapo sa 'min?" biglang tanong niya. Hala, selos ba talaga siya?
Gusto ko sanang asarin siyang si Awin. Kaso parang nag-iba talaga mood niya. "Si Jasper." Sagot ko. Medyo nag-smile siya. Pero seryoso pa rin ng mukha. "Uy, ngingiti na!" tukso ko, tinusok-tusok ko siya sa tagiliran.
Humarap siya sa 'kin. Natigilan ako. Ang serious kasi. "Slave pa rin kita, di ba?" nag-iba boses niya. Para kaming nasa romantic scene ng pelikula.
Napakagat labi na lang akong tumango. Ngayon ang last day ng pagiging slave ko. May pahabol pa ba siyang utos? Baka may kasaltikan na naman na naiisip 'to? Kutusan ko 'to!
"Sabihin mo ngang, I love you." Seryosong sabi niya na nakatingin sa mga mata ko. Hala, bumilis ang beat ng hearty ko! Yun ang utos niya?
"N-Nakakahiya sa driver." Pabulong ko. Ba't parang ayaw kong tumanggi? Gaga!
"Inuutusan kita. I command you, Lhyn. As my slave, say I love you." Para siyang may-ari ng batas kung makautos. Hala, serious telege? Eeeeee! Kasi nameyn neeee! Nakatitig pa rin siya. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon. Gosh! Alam mo yung piling na may sampung Kim Taehyung na nakatitig sa 'yo? Ganern!
"I-I love you." Nasabi ko ba? Nautal pa yan. Eeeee! Kasi! Nakakautal talaga siguro kapag with true feelings?
"I love you, too." Seryosong sabi niya tapos nag-smile siya unte. Eeeeee! Parang gusto kong sabihing, ulitin mo nga!. Medyo nilapit niya pa face niya. Eeeeee! Kikiligin na ba ako? Baka masira ayos ng hair ko? Piling ko kasi humahaba! "Ang ganda mo," nakangiting sabi niya pa. Eeeeee!
"Dati pa naman." Nakangiting sagot ko naman. At the end, natawa na lang kami. Then, tumingin na kami sa unahan. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Ano meaning nito? Iti-tweet ko na ba 'to?
"Uy! Kilig siya!" tukso ni manong driver, si Jasper naman natawa. Nahiya tuloy ako kaya napatakip ako ng mukha.
~~~
> CRISTY'S POV <
"Pretty much!" ako syempre. Sino pa ba? Nakatingin ako ngayon sa sarili ko sa body mirror. Ang ganda ko lang talaga. Napaka-natural ng make up ko. Yung hair ko, ang ganda ng ayos na binagay sa simple but elegant gown ko. Ang perfect ko lang, sorry sa iba. At suot ko pa ang gift sa 'kin ni Nate na necklace na may heart-shaped pendant. Feeling ko binibigay na niya talaga sa 'kin ang puso niya nang buong-buo.
Sabi ni Nate, perfect guy siya. Kaya pag-iniwan ko siya mag-sisisi ako. Perfect girl naman ako, kaya perfect kami sa isa't isa. Natatawa na lang ako kapag naiisip kong pinagselosan ko si Chelsa. Parang ang cheap lang. Ano bang panama sa 'kin ng loser na yun?
For sure, pag-apak ko pa lang sa Function Hall, nganga na mga tao dun. And for sure, ako ang Prom Queen! Sino pa ba? Hiyang-hiya naman ako kung iba iboto nila.
"Princess! Here's your prince!" sigaw ni mommy mula sa labas ng room ko.
My perfect man arrives in a perfect time. In this perfect night, we will share our perfect moment. While walking down the stairs, it feels like fairytale. At naghihintay ang prinsipe ko sa baba ng hagdan. He wears his perfect smile. He looks gorgeous and absolutely handsome.
~~~
> NATE'S POV <
She's so beautiful. Yun lang ang nasabi ko sa isip ko. Napakaganda niya. She looks like a real princess. Parang anghel na bumaba sa lupa at naglalakad palapit sa 'kin. Pa'nong nagduda ako sa nararamdaman ko sa kanya? Pa'nong naisip kong may iba na sa puso ko? Wala na talaga akong ibang iibigin kundi siya, my one and only Cristy.
Inalok ko ang kamay ko sa kanya. At nang hawakan niya ako, I bow. Bilang paggalang ng isang prinsipe sa kanyang prinsesa, natawa siya. Si tita kinilig naman sa kakornihan ko.
"Mommy, alis na kami." Paalam ni Cristy sa mommy niya at nagbeso siya.
"Tita, dito na po kami." Ako at nagbeso rin.
"Kunan ko muna kayo ng pictures." Si Tita. Parang si mommy lang, hah?
Ayun, kinunan niya kami. Ilang ulit din. At sumali din siya at nagpakuha sa kasambahay.
"Take care of my princess." Bilin ni tita nang matapos na ang pictorial.
"Yes, tita." Nakangiting sabi ko at lumabas na kami ng bahay.
Pinagbukas ko ng pinto ng kotse si Cristy. Pinapadama ko talaga sa kanya ang pagiging isang tunay na prinsesa. Parang napakasaya ng gabing 'to. Magkahawak kamay kami ng babe ko. Itong mga sandaling ito lang ang nasa isip ko.
"Happy?" I asked.
"So much." Nakangiting sagot niya.
Nakatingin lang kami ngayon sa isa't isa. Napapangiti siya, parang na-conscious ata siya sa mga titig ko.
"Bakit?" tanong niya.
"You're so beautiful."
"Thanks, handsome."
"I love you, babe."
"I love you more, Mr. Donato Hernandez." Napangiti ako. Napaka-sweet ng pagkakasabi niya. For the first time, ang sarap pakinggan sa tainga ng real name kong Donato.
~~~
> EDWARD'S POV <
21 minutes to be exact, nang dumating kami rito sa hall. Marami na rin tao. At pagdating namin nina Kyle, Karl at Zab tilian yung mga girls at gumigirls. Di pa kami nasanay? Pero iba ngayon, syempre mga naka-suits kami. Wala pa yung apat. Alam namin kung bakit. Kami naman di na namin sinundo date namin, hintayin na lang namin lapitan nila kami rito.
Kanina nagawa na namin yung misyon namin kaya nauna kami rito. Nilagyan namin ng alak yung juice, pero konting-konti lang. Ang boring naman kasi kung juice lang.
"Hi!"
"Hello!"
Kanina pang ganyan ang mga naririnig namin. Kaway naman kami at smile. May lakas loob pang nagtatanong kung may date kami? At may mas malakas ang loob na nagyayaya! Buti approachable kami. Smile-smile lang, tapos kindat sabay tanggi.
~~~
> CHELSA'S POV <
Waaaaahhh! Excited na ako! It's gonna be fun! Ayeeiiii! Best night ever!

BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
خيال (فانتازيا)~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...