SNACK TIME. NANDITO kami sa rooftop nina Edward, Karl, Kyle, Zab at Jasper. Wala sina Cristy at Lhyn. Yosi break sila, ako nakaupo lang at kumukotkot ng potato chips. Medyo malayo sila sa 'kin. Haist! Ba't ganito? Di ko alam kung may tampo ba talaga sila sa 'kin? O baka naman naiisip ko yun dahil nga sa nagawa ko? Baka naman kasi in-expect ko lang na magtatampo sila, kasi sinabihan na nila akong ayusin na kaagad ang sa 'min ni Cristy. Tinulungan pa nila kami, pero nakipaghiwalay ako. Kaya siguro ang awkward ng feeling ko?
Haist! Pero di talaga ako sanay na di nila ako kinakausap! Ano 'to silent therapy? Sa totoo lang parang mas madrama pa ang tampuhan ng mga boys na magkakaibigan kaysa sa mga girls – nakakatawang isipin lang. Parang di kasi 'to ngayon madadala sa smile at hand shake. Haist! Stress din 'to, hah!
Maya-maya lumapit sa 'kin si Edward at kumuha sa hawak kong chips pagkaupo sa tabi ko. Napansin ko naman ang ibang tingin sa 'min ni Jasper.
"Bro, may problema ba?" tanong ko. Maangmangaan kumbaga.
"Intindihin mo na lang, bro." sagot ni Edward.
"Meron nga?"
"Alam mo na siguro yun." Nakangiting sabi niya. Tumango ako at napabuntong-hininga na lang. "Yung damit niya, sa 'yo yun, di ba?" Haist! Ano na naman iniisip nito? "May ginawa kayo?" pilyong tanong niya. Sabi na, eh!
"Tamang hinala ka na naman!" sinamaan ko siya ng tingin.
Pinagtawanan lang ako ni ugok. "Basta kong saan ka masaya, bro." biglang seryosong sabi niya. "Bigla tuloy akong may naisip na kwento." Parang naka-jackpot na sabi nito. Ganito 'to kapag biglang may naiisip na story.
"Haist! At gagawin mo pang subject sa wattpad story mo ang situation ko? Ugok ka talaga!" at pinagtawanan lang ako ulit. "Pero, bro salamat." Nakangiting sabi ko at nag-hand shake kami.
"Talaga bang gusto mo na siya?" seryosong tanong niya.
Tumango ako ng walang alinlangan. "Sa tingin mo, matatanggap nila?" tanong ko habang nakatingin kina Jasper. Napansin ko ang very disappointed pa rin sa mga tingin ni Jasper.
"Lilipas din 'to. Basta panindigan mo kung anong desisyon mo." sagot ni Edward at tinapik niya ako sa likod bilang pagsuporta. "Nasa likod mo lang ako, bro." dagdag niya at umalis na siya pabalik sa ibang tropa namin.
Siguro napansin lang ni Edward yung di ko pagiging kumportable kaya nilapitan niya ako. At alam ko naman na magalit na sa'kin ang lahat di ako iiwan ng pinsan kong yan. Bestfriend na kami mula pagkabata. Halos dugtong na ang pusod namin niyan at basang-basa na niyan ang mga kilos ko.
~~~
> CHELSA'S POV <
Sobrang iwas ko na nga sa mga tingin nila sa loob ng classroom sila pa ang makakasalubong ko. Naku naman! Naka-crossed arms pa silang dalawa at ang sama ng mga tingin nila Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kainis kasi yung mga ibang classmate namin – parang pag-aari ang restroom sa loob ng classroom.
"Sumunod ka!" madiin na utos ni Cristy sa 'kin, kasama niya si Lhyn. Kasambahay lang ang peg ko?
Si Lhyn naman tiningnan ako ng lagot-ka-look. afraid! Sumunod naman ako. Buti sa CR kami pumunta.
"Ayaw ko sanang gawin 'to. Per – "
"Wait!" paghinto ko, kaya di natuloy ni Cristy yung sasabihin niya. Tiningnan niya ako ng what-Look. "Jingle lang ako." Paalam ko. Puputok na kasi pantog ko, eh. Napa-smirked silang dalawa na parang sinasabing napaka-cheap ko talaga. Ako naman tumuloy na sa cubicle. Ano, magtitiis?
Paglabas ko yung dalawa nakaabang na sa pinto, nakapamewang pa sila. Parang manunugod na? Mas nakakatakot pala talaga ang dalawang 'to kaysa kina Joyce. Galit ako kay Cristy, dahil alam kong siya ang mastermind sa pangbu-bully sa 'kin nina Joyce na ginaya na rin ng ibang schoolmate at classmate namin. Pero naiisip kong siguro dahil sa mga nangyari kaya nagalit siya sa 'kin. Alam kong naiisip niyang ako ang dahilan bakit siya hiniwalayan ni Nate. At medyo nakonsensya naman ako dun.
"As what I'm saying – hindi ko gustong gawin 'to. Pero talagang nanginginig ang mga laman ko kapag nakikita kita! Galit na galit ako sa 'yo! Mang-aagaw ka!" kita ko ang galit sa mga mata ni Cristy. Pero nagpipigil pa rin siyang mapasigaw nang malakas. Medyo malumanay pa rin pero madiin ang pagbitaw niya ng mga salita. "Una ang pagiging prom Queen ko! Tapos ngayon si Nate!" napayuko na lang ako at naramdaman ko na lang ang pagtulak niya sa 'kin. Sa totoo lang, pakiramdam ko talaga mali ako. Pero hindi ko deserved na ganituhin ako nang sino man.
Tiningnan ko na siya ng masama. Ang sakit kaya. Pero diniinan niya lang ako sa noo.
"Papalag ka?" nakangising tanong niya at pinandilatan ako ng mga mata.
"Cristy?" mahinang sabi ni Lhyn at hinawakan sa braso si Cristy – na parang di ito sang-ayon sa ginagawa nito sa 'kin.
"Lhyn, pabayaan mo ako." Ani Cristy. Tinanggal ni Lhyn ang pagkakahawak sa kamay niya. "Nagpi-flirt ka ba kay Nate?" diretsong tanong niya sa 'kin – para na akong kakainin nito ng buo. Hindi ako sumagot. "May gusto ka ba kay Nate?! Nilalandi mo ba siya?" muling tanong niya.
Sasagot na sana ako kaso biglang nagbukas ang dalawang pinto ng cubicle sa likod ko at may mga pumalakpak.
"Wow! Bravo! Yan ang drama! Dalawa laban sa isa?" si Carly pala. At sa isang pinto naman lumabas si Evy. Pareho silang may nakakalokong ngiti habang nakatingin kina Cristy at Lhyn.
"Wag kayong makialam dito!" galit na sabi ni Cristy. At nag-crossed arms ito.
"Friend na namin si Chelsa. Kaya bakit hindi?" smirked ni Carly. At nag-crossed arms din.
"Sisihin ba ang pagiging loser niya sa friend namin? My God!" si Evy with rolling eyes. At crossed arms din siya. Tataray naman ng mga 'to.
"I know right!" gatong pa ni Carly sabay nag-apir sila. "Right, friend?" tanong sa 'kin ni Carly. Fake smile na lang ginanti ko na labas lahat ng ngipin.
Patay! Lalo ako nitong mapag-iinitan! Kanina pa ba ang dalawang 'to rito? Di ko alam kung matutuwa ako sa pagtatanggol nila.
"Siguro natauhan na si Nate? Or nawala na yung bisa ng gayuma mo?" tapos tawang pangkontrabida si Carly na sinundan pa ni Evy. Lalo tuloy nagngitngit at lumaki pa butas ng ilong nina Cristy at Lyhn.
"Cristy, let's go! It's a waste of time!" si Lhyn sabay hila sa kamay ni Cristy palabas ng CR. Sina Carly at Evy tawa pa rin nang tawa. Ako naman tawang pilit lang.
"Wag mong hayaang ganunin ka nila." Si Carly sa 'kin.
"Malakas lang naman ang loob ng mga yun dahil kina Nate. Pero ngayong wala na sina Cristy at Nate, for sure bawas supporters na sila." Si Evy. Di ko alam ang isasagot. Smile-smile lang ako.
"Pero alam mo friend, nakakatampo ka." tumulis nguso ni Carly.
"True!" pouted ni Evy.
"Bakit?" pagtataka ko naman.
"Kasi mula nung prom di kana nagpakita sa 'min."
"Ah, eh. Kasi…?" Di ko alam ang isasagot ko? Kasi ang totoo iniiwasan ko talaga sila. Isa pa sila sa rason kung ba't laging nasa classroom lang ako. Alam ko kasing galit sa 'kin si Kristan, at alam kong lagi silang magkakasama.
"Sabagay, magkaibang section kasi tayo. Pero buti nagkita tayo ngayon. At natulungan ka namin laban sa mga feeler na yun!" nakangiting sabi ni Carly.
Ngiti-ngiti lang ako. "O-Oo, nga." sabi ko.
"Ba't pala di ka naka-uniform?" tanong ni Evy.
"Nabasa kasi ako kanina."
"May bumasa sa 'yo?" may galit na tanong ni Carly.
"W-Wala." Nakangiting sagot ko with waved pa ng mga kamay. Parang ang obvious naman tuloy ng reaksyon ko.
"Nabalitaan ko ang pangbu-bully sa 'yo nina Joyce. Wag kang mag-alala. Kaming bahala sa kanila."
"Takot lang ng mga yun sa 'min." si Evy.
Waaaaahh! Di ko talaga alam kung matutuwa ako? Di ko naman kasi gusto ang ganitong set up. Parang lalo kong pinasok ang sarili ko sa gulo. Alam ko kasing may clash ang mga group nila. Ayun, ngiting pilit na lang ako. Piling ko kasi may World War 3 na! At ako ang ugat ng lahat ng ito.
Paglabas namin, naroon sina Kristan, Awin, Arvin at Melcho.
"Kanina pa kayo?" masayang tanong ni Carly.
"Kanina pa." Matigas na pagkakabigkas ni Kristan. Pero sa 'kin siya nakatingin. Napayuko na lang ako.
"Why? May problema ba?" pagtataka ni Carly na nawala ang ngiti sa mukha. Napansin niya siguro ang masamang tingin sa 'kin ni Kristan.
Tiningnan ng masama ni Kristan si Carly – halata namang nagulat ito. "Carly, hinahayaan ko lang na awayin mo si Cristy dahil alam kong talo ka sa kanya. Pero wag mong sasagarin ang pasensya ko." Madiing pagkakasabi ni Kristan.
"A-Ano bang problema?" lalong nagtaka si Carly na nabalot nang mga katanungan ang mukha.
"Ang babaeng yan ang problema." Sagot ni Kristan habang masama ang tingin sa 'kin.
"Kristan, ano ba 'to? Dahil na naman ba kay Cristy?!" napasigaw si Carly.
"Mamili kayo. Yang babaeng yan o kami?" tanong ni Kristan kina Carly at Evy.
"Ano ba? Friend na natin siya, di ba?" pagtataka ni Carly.
"Hindi ko siya kaibigan. Hindi namin siya kaibigan." Madiin na sagot ni Kristan.
Napatingin na lang si Carly kina Awin, Arvin at Melcho, na parang naghahanap ng simpatya. Pero napayuko lang yung tatlo at napatingin sa malayo na parang wala silang choice.
Umalis na yung apat. Tiningnan pa ako ng masama ni Kristan bago ito umalis na parang sinasabing, I warned you. Parang gusto kong maluha sa mga tingin na yun – nakakapanliit.
Halata namang naguguluhan sina Carly at Evy. Tiningnan nila ako na punong-puno ng pagtataka. Sad smile sila sa 'kin.
"Sorry, Chelsa." si Carly at hinawakan niya ang kamay ko.
Si Evy naman hinawakan ang isa ko pang kamay at nag-smile sa 'kin. Gumanti rin ako ng ngiti. Wala silang sinabi pero alam kong di nila ako pinili. Pero mas okay na sa 'kin yun. Piling ko kasi mas gugulo lang kung maraming involve sa sitwasyon. Nagpaalam na sila. Nanghihinayang lang ako – sila kasi ang unang naging kaibigan ko rito. Naramdaman ko naman ang sincerity nila. Pero ganun talaga – matimbang ang pag-ibig sa kaibigan.
Talaga palang galit sa 'kin si Kristan? Pero di ko siya maintindihan? Gusto niya si Cristy – pero ngayong single na 'to, ba't parang di siya masaya? Dahil ba sa alam niyang si Nate pa rin ang gusto nito at ayaw niyang makitang nasasaktan ito? Mas gusto ba niyang makitang masaya ito kahit sa piling ng iba? Grabe naman? Napaka-unconditional naman ng love niya for Cristy.
Si Carly naman, obvious na like si Kristan. Pero harap-harapan ng pinapakita ni Kristan ang pagkagusto nito kay Cristy. Pero parang okay lang sa kanya? Basta siguro makasama niya lang si Kristan? Siguro hoping siya na someday, Kristan will love her.
Ewan, pero parang masyado pa kaming bata para sa love na nararamdaman namin na 'to? Pero may certain age ba para maramdaman mo ang true love? Parang wala naman siguro? Kusa na lang si love na darating, at babaguhin ang takbo ng mundo mo.
Truly that love is the hardest puzzle! What is love? Yan na siguro ang pinakamahirap na tanong? Hirap hanapan ng tamang definition. Masaya dahil sa love. Malungkot dahil nagla-love. Nagtitiis dahil kay love. At dahil sa love, nasasaktan. Kaya pang baguhin ni love ang personalidad mo. Makasarili ang love. At the same time, buhos lahat dahil kay love. Yung wala ka nang ititira sa sarili mo.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasy~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...