CHAPTER 78
Paggising ko, wala na si Chelsa sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa tabi ko ang mga wala nang buhay na mga paru-paro. Ang mga paru-parong nagsasabi kung ilang araw nalang ang natitirang buhay kay Chelsa. Napabangon ako sa kama at agad tumayo. Unti-unting naging abo ang mga paru-paro.
“Chelsa?” nasambit ko at nabalot ng kaba ang dibdib ko. Agad akong lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ng pinto may nakita na akong patay nanaman na paru-paro sa sahig.
Pababa ako ng hagdan, may nalaglag na paru-paro sa paanan ko. Napapanganga nalang ako at mas lalong nabalot ng kaba. At nagsunod-sunod pa ang paghulog ng mga paru-parong nagliliparan. Sinundan ko ang mga pagbagsak ng mga paru-paro. Hanggang nakita ko si Chelsa na nakahandusay sa sahig at walang malay sa kusina. Naging abo na ang mga paru-paro sa sahig. Natigilan ako. Di ko nagalaw ang katawan ko. Sinisigaw ng isip ko ang pangalan niya na di ko mabigkas. May mga dumapong paru-paro sa katawan niya at namatay hanggang maging abo. Napaluha nalang ako at nanginginig ang mga paa kong humakbang palapit sa kanya.
~~~
Pagdilat ko ramdam ko parin ang takot sa dibdib ko. Nilingon ko ang kinahihigaan ni Chelsa – wala siya. Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto. Tumakbo akong bumaba ng hagdan. Natigilan ako ng makita ko si Chelsa sa kusina. Naghahanda siya ng aming almusal. Naamoy ko pa ang niluluto niya. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya.
“Good morning,” Nakangiting bati niya nang makita niya akong papalapit.
Tumingala ako ng bahagya at napatiim ang aking bagang, pinigilan kong maluha dahil ayaw kong makita niya akong nasasaktan. Pinilit kong ngumiti. Ayaw kong masira ang magandang umaga niya. Pero ang puso ko ayaw makisama. Pati isip ko sumulsol pa. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Hindi siya nakaimik sa mahigpit na yakap ko. Napawi ang kaba ko nang maramdaman ko siya. Akala ko totoo na ang panaginip ko at iniwan na niya ako. Salamat at nandito pa siya’t yakap ko. Napahinga ako ng malalim at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
“Good morning,” Sambit ko.
“Nate?” tawag niya.
“Um?” tanong ko na yakap parin siya.
“Hindi ako makahinga,” Sagot niya. “May problema ba?” tanong niya nang magkaharap na kaming dalawa.
Umiling ako. “Wala. Na-miss lang kita,” Sagot ko.
“Ganun mo ba ako ka-miss?” tanong niya. Tumango ako. “Maupo kana.”
Naupo ako at hinanda niya sa mesa ang pagkaing niluto niya. Nagsimula kaming kumain. Nakatitig lang ako sa kanya. Naiisip ko kung ganun ba siya kukunin sa’kin? Kung biglaan nalang? Kahapon dalawang paru-paro ang namatay. Pa’no kung sa susunod na mga araw, lahat na?
“May problema, tama?” tanong niya at medyo nagulat pa ako.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasía~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...