CHAPTER 42

5.1K 88 9
                                    

> CRISTY'S POV <

                  

"MAHAL MO TALAGA siya 'no?" tanong ko kay Nate matapos niyang gamutin ang sugat ko. At matapos ang halos ilang minutong katahimikan. Kay Chelsa lang siya nakatingin at dama ko ang labis na pag-aalala niya. Para akong tanga! Para kong sinasaksak ang sarili ko. Ang sakit! Ang sakit makitang sobra ang pag-aalala niya sa babaeng yun. Ba't ba di pa ako umalis dito? Para akong linta! Parang di na ako 'to! I really hate them!



Tumingin siya sa 'kin, when he about to answer my question I cut him.



"Wag mo nang sagutin..." Sabi ko. Dahil ibabaon lang nun ang kutsilyong nakasaksak sa dibdib ko. "And don't say it again. I really hate to hear that." I sighed. Alam kong magso-sorry siya. At lalo lang akong magmumukhang kawawa kapag sinabi niya ang salitang yun. Yumuko lang siya, at muling tiningnan si Chelsa.



That bitch! Galit ako sa kanya. Pero dapat ba akong magalit sa kanya? Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako magalit. Kay Nate ba? Kay Chelsa? O sa sarili ko?



"Mauna na ako." Paalam ko nang muling mamayani ang katahimikan at tumayo na ako.



"Cristy!" tawag niya nang palabas na ako ng pinto.



"Hmp?" nang lingunin ko siya. At naiinis akong makita ang mukha niyang ganun. Awang-awa siya sa 'kin. Kitang-kita ko sa mga mata niya. I know he really felt sorry for what he did. At lalo akong nanliliit nang dahil dun! Parang gusto ko siyang sigawan na 'Wag mo akong kaawaan!' But I just smiled with grace.



"Salamat." Matipid niyang sagot. Naramdaman ko ang sincerity niya. Nagpapasalamat siya para sa ginawa ko kanina. Oo, masama akong kaaway. Pero di naman ako masamang tao para pagtawanan na lang ang nangyari kanina kay Chelsa.



Pero ba't ganun yung feeling? Parang ibang tao ang pinasasalamatan niya. Parang ibang tao ang nagpapasalamat sa 'kin ngayon? Parang di si Nate na naging boyfriend ko in two years? Parang di si Nate na close friend ko? Ganun ba talaga kapag nag-break ang in a relationship? Strangers again? Sobrang sakit lang kapag naiisip kong I'm out of his life.



Wala na akong isinagot. Tuluyan na lang akong lumabas ng pinto. At para akong mapapaluhod sa panghihina ng mga tuhod ko. Napaka-pathetic ko. Naglakad ako sa hallway na taas noo and I smiled back sa mga bumabati sa 'kin. Ayaw kong kaawaan ako. Alam kong alam ng lahat dito ang mga nangyari. Pero kahit anong tago ko sa nararamdaman ko, nakikita ko pa rin sa mga mata nila ang awa. At ako, gusto ko nang umiyak at ilabas ang sama ng loob ko at galit. At ang sakit na nararamdaman ko. I'm only 16, pero ba't kailangan kong maranasan 'to for love? What is love? Love hurts!



Pagpasok ko sa classroom ang tropa lang ang nandun. Di ko alam kung bakit wala kaming ibang classmate? Sinalubong ako ni Lhyn at agad ko siyang niyakap. Sa wakas, pwede ko nang ipakita ang totoong nararamdaman ko. Pwede ko nang iyuko ang noo ko.



"Hey, what happened? Anong nangyari sa inyo? Gusto na naming puntahan kayo, pero sabi mo sa text wag. Are you okay?" pag-aalala sa 'kin ni Lhyn. Siguro naramdaman niya ang panginginig ko. Panginginig na dulot ng pinagsama-samang emosyon na nasa loob ko.



"No…" iyak ko. "I'm not okay. Hindi talaga… sobrang hindi." At tuluyan nang bumuhos ang emosyon ko. Nabalot ng pag-iyak ko ang kabuuan ng classroom.



Nasa in denial process pa lang ako. I'm out of his life? Pa'no ko ba maa-accept yun? Wala na ba talaga kami ni Nate? Di ko na siya boyfriend? Pa'no ako magli-let go? Pa'no ako magmo-move on if I still love him? So unfair! Kanina sa roof top, parang gusto ko rin mahimatay. Ganun din ba ang magiging reaksyon niya kapag nawalan ako ng malay? Napakasama ko ba para pagselosan yun? Pero di ko talaga kaya. Hindi ko siya kayang mawala.



Sunod-sunod pa na tanong ang ibinigay ng mga kaibagan ko. Pero ang pag-iyak ko na lang ang naging sagot ko.

~~~

> CHELSA'S POV <



PAGDILAT KO ANG gwapong mukha ni Nate ang muli kong nakita.



"Hi?" nakangiting bati niya sa 'kin. Nakaupo siya sa gilid ng hinihigaan ko at hawak niya ang kanang kamay ko.



Isang matamis na ngiti ang naging tugon ko. Sa araw na 'to pangalawang beses na akong nagising na siya ang una kong nakikita. Napakasarap ng pakiramdam. Sana forever na 'to. Kaso…



"Sana forever nang tayo. Sana forever ko nang hawak ang kamay mo." bigla niyang sinabi. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Nararamdaman kong may kinatatakutan siya.



"…Kaso wala talagang forever." Sagot ko. Na halos madurog ang puso ko. Ewan, pero takot din ako.



Sumimangot siya. "Panira ka na naman." Sumalubong ang kilay niya.



Malambing kong kinurot ang chin niya. Gumaan ang pakiramdam ko. Tama nga sila, ang love mo ang magiging kahinaan mo, pero love mo rin ang magiging lakas mo. Napansin ko ang sugat sa labi niya na dulot ng pagkakasuntok sa kanya ni Kristan. Maingat kong hinaplos ang sugat niya – buti't di naman malala.



"Wag mo muna akong halikan sa lips. May sugat." Sabi niya na may nakakalokong ngiti.



"Napakapelengero mo talaga!" pasigaw ko. Nagbibiro siya at nakangiti, pero sa mga mata niya may kung anong kalungkutan akong nadarama.



"I love you." Sabi ko. Ewan, bigla na lang lumabas sa bibig ko habang haplos ko pa rin ang maamo niyang mukha. Ngumiti lang siya.



"Bakit?" tanong niya sa 'kin nang sumimangot ako at inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.



"Di ka man lang sumagot?" inis na sagot ko. Ngumiti lang kasi! Ano kaya yun?



At ngumiti lang ulit. "Tanong ba yun na kailangang sagutin?" sabi niya.



"Ewan ko sa'yo! Dapat sumagot ka nang I love you, too!" irap ko.



"Alam mo na naman yun, di ba?" Hinaplos niya ang mukha ko. Napakalamig ng kamay niya. "Ayos ka na ba?"



"Umm." Tango ko. Tapos bigla siyang nagpigil ng tawa. Hala, nakakatawa ba ang mukha ko? "Bakit?" inis na tanong ko.



"Wala." Tawa niya.



"Bakit nga?" at hinampas ko siya. At bumangon pa talaga ako para mahampas siya nang maayos.



"Ito!" nagsalubong ang kilay niya. Nasaktan ata? "Ayos ka na nga. Nanghahampas ka na!"



"Bakit nga kasi?"



"Yung kanina sa canteen. Yung pagsagot mo kay Cristy, natawa lang ako na kaya mo palang sabihin yun?"



Napangit ako nang maalala ko. "Alam mo bang matagal ko nang gustong sabihin yun? Past is past! Move on girl!" at ginaya ko ang pagkakasabi ko kanina.



"Talaga?"



"Pero di kay Cristy. Basta masabi ko lang. Kahit kanino lang. Taray 'no?"



"Baliw!" ngiti niya.



"Makabaliw?"   



"Kanina, sa roof top natakot ka ba kaya ka nahimatay?" Biglang seryosong tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko? Natakot ba ako? Pero saan? Sa ginawa sa 'kin ni Cristy? Sa pagsuntok sa kanya ni Kristan? O sa narinig kong sinabi ni Cristy at maging epekto nun kay Nate? Galit na galit si Cristy. Pa'no kung ang mga kaibigan niya magalit din sa kanya at ang buong campus? Sa relasyon naming 'to, maari palang magbago ang takbo ng buhay niya. Tapos iiwan ko siya?



"Hindi ako natakot." Nakangiting sagot ko.



"May sakit ka ba?" naramdaman ko ang pagkaseryoso niya sa tanong niya.



"Wala, malusog ako. Ikaw ata ang natakot, eh?" pagbibiro ko sa kanya.



"Tsk! Ako? Ako pa?" pagyayabang niya.



OO, NATAKOT AKO. AT TAKOT PA RIN AKO HANGGANG NGAYON. NATATAKOT AKONG MAWALA KA. EWAN KO KUNG BAKIT NARARAMDAMAN KONG IIWAN MO AKO?



Narinig kong sinabi ng isip niya. Mga salita na gusto niyang isagot sa tanong ko. Mga salitang gusto niyang sabihin sa 'kin. Nakangiti siya ngayon at may pagyayabang. Iba ang sinasabi ng bibig niya sa sinasabi ng isip niya. Natatakot siya? Nararamdaman niyang mawawala ako?



"Bakit?" tanong niya nang matahimik ako.



"Wala. Nate, yakapin mo nga ako."



"Anong ka-cheesy-han na naman yan? Baka biglang dumating yung nurse?" smirked niya.



"Ito naman, naglalambing lang."



"Para-paraan ka, maka-chancing lang."



"Alam mo, Nate ang kapal mo talaga!"



"Kunwari ka pa." ngiti niya. Pero biglang sumeryoso ang mukha niya at tiningnan niya ako ng mga nakakatunaw niyang tingin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakaka-in love talaga ang lalaking 'to! Tumayo siya at naupo sa tabi ko, at niyakap niya ako. Naramdaman ko ang init ng katawan niya at ang bilis nang tibok ng puso niya. Huminga siya ng malalim na animo'y nagpakawala ng mabigat na nadarama at lalo pang humigpit ang yakap niya.



"Take advantage ka naman." Sabi ko.



"Siraulo!" sagot niya.



"Sobrang sweet mo talaga sa 'kin. Kundi ako baliw, siraulo!" naramdaman kong natawa lang siya.



"I love you." Bulong niya. Natigilan ako. Narinig ko nang sinabi niya sa 'kin yun, pero iba ang pakiramdam ngayon. Naramdaman ko talaga ang pagmamahal niya na dapat kong ikatuwa, pero natakot ako. Bakit ko pa ba pinasok 'to? Pa'no kung wala na ako? Pa'no na siya? Siguradong masasaktan siya at baka isumpa niya ako sa galit niya.



"Alam ko." Sagot ko hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.



"Hey?" pag-aalala niya nang maghiwalay ang katawan naming dalawa. Di ko kasi napigilan ang maluha. Pinunasan niya ang mga luha ko sa magkabilaang-mukha gamit ang mga hinlalaki niya. Diretso siyang nakatingin sa aking mga mata.



"Sorry," nasabi ko.



"Saan?"



"Basta." Sagot ko lang at hinaplos ko ang mukha niya. Sorry sa lahat. Sorry kung pinag-aalala kita. Sorry kung natatakot ka. Sorry kung nasasaktan kita… sorry, Nate. Yun ang mga gusto kong ihingi ng tawad sa kanya na di ko magawang masabi.



LALO MO AKONG TINATAKOT SA GINAGAWA MO, CHELSA. PLEASE, WAG KANG MAWAWALA…



Narinig kong sinabi ng isip niya na gusto niyang sabihin sa 'kin. Nakangiti siya, pero malungkot siya sa loob niya.

~~~

"BYE," PAALAM KO kay Nate bago ako pumasok sa kotse. Nagpasundo ako kay papa. Nagkaroon ng emergency meeting ang faculty kaya walang afternoon class. Narito kami ngayon sa parking lot ng school.



"See you tomorrow." Nakangiting tugon niya at tuluyan na akong pumasok sa kotse.



Ang daming mga matang nakatingin sa'min. Pero wala na akong pakialam sa sasabihin nila. Ayaw kung idepende ang kasiyahan ko sa iba. Pero masaya ba talaga ako? Bakit nagdadawalang isip ako? Dahil ba alam kong di magtatagal ang kasiyahang yun at pwede pang mauwi sa matinding sakit at pait? Aminado akong napakamakasarili ko dahil lamang sa isip ko na ituloy ang sa 'min ni Nate. Nagiging selfish ba talaga kapag nagmamahal ka?



"Kayo na ba ni Nate?" nagulat ako nang biglang magtanong si papa habang binabagtas namin ang daan pauwi. At naaalala niya talaga ang pangalan ni Nate?



"Opo, pa." medyo naiilang kong sagot at sa unahan lang ako nakatingin.



"Wag kang masyadong mag-alala, anak. Ituloy mo lang kung ano ang meron kayo. Mahalin mo siya. May paraan pa para mabuhay ka."



"Papa?" napalingon ako sa pagkagulat sa sinabi niya. Seryoso siya, at alam kong di niya ako bibiruin ng ganun. May paraan pa para mabuhay ako? May paraan para mapigilan ang kamatayan ko? Nagkaroon ako ng pag-asa sa sinabi ni papa. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko.

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon